chapter 18

15 3 0
                                    

Candy POV

Pagkatapos ng klase namin, agad kaming dumaretso ni Mila sa Clinic para sunduin si Lee.

"Girl! Mamatay na yata ako!!!" Sigaw ni Franzine kay Casandra

"Hey! Tumigil ka nga dyan! Akin sya!!!" Inis na sigaw ni Casandra kay Franzine

"Gosh! Napaka gwapo niya! Sana ako na lang yung buhat buhat nyang girl!" - Franzine

"Sino naman kayang babae yung buhat nya?" Asar na tanong ni Casandra

"Baka girlfriend nya! Sayang hindi natin nakita yung mukha nung girl!" Nanghihinayang na sagot ni Franzine

" kung ganon ka gwapo ang bubuhat sakin palabas ng clinic, eh baka sa clinic na ako tumira girl!" Pabirong sabi ni Franzine

"Wag ka ngang masyadong ambisyosa! bago pa mapunta sya sayo sakin muna!" kontra naman ni Casandra


"Ano na naman kayang kakirihan ang sumapi sa dalawang yan?" tanong sa akin ni Mila

"Hindi ka na nasanay diyan, tara na at kaunin na natin si Lee baka naman natulog na lang yun sa clinic, hindi na bumalik sa klase masyado yatang na pasarap." sagot ko naman kay Mila


Pagpasok namin sa clinic, pumasok kami sa kwartong pinag-iwanan namin kay Lee kanina, pero wala naman si Lee sa loob, kaya pumunta kami sa nurse na naka duty kanina.

"Nurse, nasaan na po ang kaibigan namin, yung dinala namin dito kanina, kasi masakit ang ulo." tanong ko sa Nurse

"Aba Ms. maraming dinadala rito na estudyante na sumasakit ang ulo, kahit hindi naman,malay ko ba kung sino dun yung kaibigan mo." masungit na sagot sa akin ng Nurse

"Basto-----hmmmm..hmmm" sasagutin ko sana yung nurse, kaso bigla naman tinakpan ni Mila ang bibig ko.

"Ah Nurse, Charlee Gomez po ang pangalan nung kaibigan namin." Singit naman ni Mila

"Ay nakaalis na, kinaon na ng kanyang kuya." nakangiting sagot nung Nurse na parang kinikilig pa.

"Sige po maraming salamat." sagot ni Mila, sabay hatak naman sa akin palabas ng clinic.

"Anong nangyari dun, parang sinasapian nung una ang taray taray tapos bigla na lang ngumingite? At bakit mo tinakpan yung bibig ko? naku makakatikim sa akin yang nurse na yan" sabi ko kay Mila

"Ano ka ba hayaan mo na, mapapagod ka lang sa pang-aaway mo. Bago ko pa makalimutan, si Lee itong malilintikan sa atin eh, hindi man lang sinabi na uuwi na sya. Tawagan mo nga at baka kung ano ng nangyari dun at kailangan pa syang kaunin ng kanyang kuya." -Mila

"Kuya? may kuya ba si Lee akala ko ba solong anak lang sya?" 

"Bakit malay mo naman pinsan, ano ba Candy wag ka ngang masyadong mapag hinala diyan, tawagan mo na lang kaya?" Inis naman na sabi ni Mila

"Okay, okay, chill ka lang masyado ka namang hot dyan eh" Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Lee.

"Hello Lee, nasaan ka na! bakit di kamanlang nagtext na nakauwi ka na pala!, dap-...." sigaw ko kay Lee sa kabilang linya

"Ay pasenysa na po hahaha..............sige po......opo............okay po, bye po." 

"Oh anong nanyari bakit parang biglang may bumali ng sungay mo? nasaan ba daw sya?" natatawang sambit ni Mila

"Gaga, kuya nya yung sumagot, my family gathering daw sila ngayon, kaya nya kinaon si Lee."

"Eh bakit sya yung sumagot, nasaan ba si Lee?" tanong na naman ni Mila

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon