chapter 10

96 5 0
                                    

Carter POV

     Ang bilis ng panahon and its been 6 months since ng dumating si Charlee, katulad lang ng dati lagi akong gumagawa ng paraan para makasama ko sya at lagi ko ding iniiwasan na magkasama sila ni Xavier. Dahil dun hindi ko napansing unti-unti ko na pala syang nagugustuhan. Natandaan ko pa nung yayain sya ni Xavier na kumain sa labas at hindi nila ako sinama, talagang naramdaman ko na nagseselos ako. Kaya naman simula noon nagpakatotoo na ako sa sarili ko. Lagi na akong nasama kay Charlee hindi dahil kay Xavier kung di dahil mahal ko na sya. Hindi ko pa nga lang masabi sa kanya dahil sa tingin ko hindi pa ito nag tamang oras.

"Hoy! ang lalim yata ng iniisip mo!' Nagulat naman ako kay Charlee.

"Ikaw talaga, dito ka nga sa tabi ko, magreview na lang tayo at malapit na ang finals!' 

"Ayoko nga! Ano ba Carter magpunta tayo sa Quantum! Saka kana magreview! Bilis tara na!" hinihila ako ni Charlee paalis sa room. kaya naman wala akong nagawa kung hindi sumama sa kanya.

Xavier POV

              Sa loob ng 6 na buwan hindi ko man lang masabi kay Lee ang nararamdaman ko, ang daming beses ko ng tinangkang sabihin sa kanya, kaso nga lang si Carter mukang ayaw nyang nakikitang magkasama kaming dalawa ni Lee, sa kabila ng pag-amin ko kay Carter na mahal ko si Lee, paraang binaliwala nya lang iyon. Hindi ko alam kung sinasadya lang ni Carter ang lahat o talagang mahal na ni Carter si Lee. Kaya naman ako eto, hanggang sa malayo ko na lang sya  minamahal, kahit na si Carter ang magustuhan ni Lee, basta ako hindi ako magsasawang mahalin sya.

               Kahit na nakakasama ko lang si Lee, tuwing naandyan ang buong barkada ayos lang. Ayos lang kahit ako lang ang nagmamaahal sa kanya.

               Nasa mall ako ngayon, pero paalis na rin ako, paglabas ko nakita ko sila Lee at Carter na bumaba sa kotse, mukang mag pupunta na naman sila sa quantum. Napailing na lang ako, sanay na naman akong nakikita sila laging magkasama, pero kahit ganon, hindi ko pa rin maintindihan bakit pauliit-ulit  akong nasasaktan.

Cahrlee POV

"Carter dun naman tayo sa basketball!" sabay higit ko ulit sa kanya, at dun naman kami naglaro.

"Carter dun naman tayo!"

"Carter dun naman tayo!"

"Carter dun naman tayo!"

"Carter dun na-" hindi ko na natapos yung sinasabi ko.

"Teka teka! magpahinga naman tayo, tara nga muna dito kumain muna tayo.!"

           Pumunta kami sa kainan ni Carter at pina-upo muna ako ni Carter sya na daw ang bibili ng pagkain namin, kaya naman ako na ang naghanap ng mauupuan namin. Nung makakita ako ng bakanteng table.

"Hi Charlee." bitter na pagbati ni Sandra, kasama nya na naman yung mga alipores nya.

"Kayo na naman! Lagi ko na lang kayo nakikita tuwing my pinupuntahan kami ni Carter. Sinusundan mo ba kami?" tanong ko naman kay Sandra.

"Oo matagal na!" sabi nung alipores nyang isa.

"Franzine tumigil ka nga! at ikaw Charlee, tigilan mo na si Carter! Dahil akin lang si Carter, kung hindi mo sya titigilan ako na ang gagawa ng paraan! at di magtatagal mapupunta rin sa akin si Carter!" sabi naman ni Sandra.

"Sandra tara na! parating na si papa Carter!"-Franzine

"Lets go girls!"-Sandra

            Pagdating ni Carter umupo na sya, ang sabi nya i-seserve na lang daw yung pagkain.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon