chapter 1

225 13 2
                                    

"Sam come back here! your not going anywhere!" hell no!.. Gagawin ko ang gusto ko...Ngaun pa na wala si Daddy at si mommy... "OPEN THE DOOR SAMANTHA!!!"

" Sorry kuya Nick! don' t worry babalik din naman ako! but I'm not sure kung kailan! bye kuya Nick..!" tumakbo na kaagad ako paalis ng bahay...

Nagmamadaling pumunta sa garage kung saan na ka park ang aking Ducati 1199 Panigale, hindi nyo lang natatanong pero mahilig ako mag collect ng mga branded cars and motorbike, pagkasakay ko nakita ko si kuya Nick  na nanakbo papunta sa akin, kaya agad kong pinaandar at nagmadaling umalis dahil baka ipasara ni kuya nick ang main gate. Pagdating ko sa main gate tama nga ang hinala ko, pasara na ito hindi na ata ako aabot, pero hindi ako basta basta susuko kaya ini-full speed ko na ito pero konting konti na lang hindi na aabot, kaya wala na kong nagawa kung di lumiko pabalik at nakita ko naman si kuya Nick sa di kalayuan at ang mokong na iyon nakangisi pa....

"So anong masasabi mo Sam hanga ka na ba sa kuya mo? alam mo na man kahit minsan naiisahan rin kita. hahahahaha.." nagtatawang sabi ni kuya Nick.

At humarap sya sa mga guards " at kayo! simula ngayon lagi nyo nang isasara ang main gate at wag na wag nyong papaalisin sa bahay si Sam!"

Humarap ulit siya sa akin "at ikaw naman Sam, baka gusto mo nang ibalik sa garage yang motorbike mo...hahahahaha dyan ka na nga." At tumalikod na siya sa akin. 

"DARN YOU NICK!"

Pabalik na sana ako ng napalingon ako sa field kung saan madalas akong nagprapractice ng paggamit ng mga motorbike ko. Ibig sabihin meron din doong mga bandahan at rampahan. tiningnan ko kung malaki ang possibilities kung magagawa ko ang naiisip ko, sa tingin ko naman my 50-50 ang chance ko. At dahil wala akong choice kailangan ko itong subukan, hindi ko namn ikamamatay ang gagawin ko.

Pinaandar ko na ang motorbike ko at nilampasan ko si kuya Nick na hanggang ngayon tatawa-tawa parin, akala nya siguro babalik na ako papunta sa garage, pero bigla akong lumiko at nagtungo papunta sa field.

" Tama yan Sam magpractice ka na lang dyan, pero mag-iingat ka lang hahahaha!" sigaw pa ni kuya Nick sa akin.

Dumaretso ako papunta sa rampahan kung saan plano kong parampahin ang motorbike ko palabas sa mataas naming bakuran. At sa huling pagkakataaon lumingon ako kung nasaan si kuya Nick

" Bye kuya Nick! take care!" sigaw ko, kaya naman napalingon siya sa akin at kitang kita sa muka nya ang pagkagulat kaya na pa smile na lang ako.

" SAMANTHA YOUR NOT DOING THAT!"

Pagkasabing pagkasabi nya non pinaandar ko na ang motorbike ko na nasa full speed sa rampahan at ramdam na ramdam ko ang pag-angat ng motorbike ko at kasabay nito ang kaba na nararamdaman ko, para bang nagslow motion ang lahat at bumilis ang nasa paligid ko ng napansin kong nasa labas na ako ng aming mataas na bakuran at biglang bagsak ng motorbike ko, pero don't worry professional yata ako pagdating sa mga motorbike. Then nagmadali na akong lumayo sa aming bahay...

Ako nga pala si Samantha Pirrer diba ang cool ng pangalan ko!, 18 years old,  Anak mayaman, mabait, pasaway, maganda, sexy, matalino, magaling pagdating sa motorbikes at higit sa lahat ma adventure! Siguro nagtataka kayo kung anong nangyari kanina. Tumakas lang naman ako sa mala mansyon naming bahay dahil wala naman ang aking daddy and mommy..my business trip sila sa U.S. at aabutin sila doon ng 4-5 months dahil isa iyong big project.. At ang tanging natira na lang sa bahay ay si kuya Nick, at ang mga maids... Malakas ang loob ko mag adventure dahil kay kuya nick ako pinagkatiwala nina Mom and Dad at kilala ko si kuya ayaw nyang madisappoint sa kanya si mom and dad kaya kampante ako na hindi nila malalaman ang ginawa ko..

Gusto ko sanang makita at maranasan ulit ang buhay sa labas ng malaki naming mansyon. Kasi sino ba naman ang hindi mabobored kung palagi kang nasa bahay, mas okay pa siguro kung pinapapasok ako nila Mom and Dad, ang problema masyado silang paranoid ang dami nilang dahilan para hindi ako parating lumalabas ng bahay. Ang sabi nila baka daw makidnapped ako ang dami nilang alibay pagdating sa akin, pero alam ko naman ang tunay na dahilan kung bakit ayaw na nila akong palabasin ng bahay. Hay nako kung hindi ko lang sana ginawa yun, siguro malaya parin ako hanggang ngayon.  Kaya ngayon sa bahay lang ako nag-aaral ang sabi ni Dad magagaling naman daw yung kinuha nilang mga tutors ko kaya wala daw problema. Minsan pinapayagan nila akong lumabas para magmall, pero sino ba namang mag eenjoy kung ang dami kong kasamang bodyguards mga naka disguise pa! Kaya ngayon wala sila Mom and Dad I'm FREE!

Dahil planado ko na ang lahat, nagpatulong ako kay Secretary Leo na tulungan akong isaayos ang lahat ng plano ko para makatakas, nung una hindi naman dapat ako magpapatulong sa kanya pero nalaman nya ang mga pagpaplano ko kaya pinigilan nya ako, pero ang sabi .ko naman sa kanya wala syang magagawa kung sa ayaw nya at sa hindi aalis parin ako sa mansyon, kaya naman napilitan nya na akong tulungan. Pero lagi parin daw nya akong ichecheck para malaman ang kalagayan ko. Inihanda nya na ang lahat ang tutuluyan ko ang ang school na papasukan ko, at bukas na ang first day ng pasok ko sa isang private school, gusto ko sana sa public pero hindi pumayag si Sec. Leo. Ng makarating na ako sa bahay na tutuluyan ko sakto naman na naandun na si manang sa my gate at binuksan niya ang gate, maliit lang ang bahay na ito pero kumuha parin ako ng katulong dahil hindi naman ako marunong gumawa ng gawaing bahay at naisip ko na mahihirapan ako ng bonggang bongga kung hindi ako kukuha ng katulong. Hindi ko naman kasi sinabi nagusto kong maranasan ang mabuhay ng sobrang hirap no!.

" Ma'am pasok na po kayo..." sabi niya sa akin. At pumasok na ako sa loob at ipinark ang motorbike ko. namis ko tuloy yung mga collections ko.

Dumaretso na ko sa loob ng bahay.." Ma'am ano po-" putol ko

" just call me Charlee, Charlee Gomez at wag na po kayong mag po sa akin at ano nga po palang pangalan nyo?"

 "Tawagin mo nalang akong Manang Sally..Ayos na nga pala ang mga gamit mo at ang mga gagamitin mo sa eskwelahan Charlee at yung kwarto mo yung sa taas ayos na rin."

"thank you po!"  nagpaalam na ako kay manang at umakyat sa kwarto ko.....

------------------------------------------------------------------------------------------------

Yung picture po ng Character nandun sa side >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Please don't forget to vote!!!!

Kung my comment po kayo or any suggestion sabihin nyo lang po...

thank you!!!

ATTENTION! kung sino po sa inyo ang wiling na gumawa ng cover nitong story na to, sabihin nyo lang po. (^_^)

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon