chapter 4

113 8 0
                                    

Charlee POV

Nagpahatid na ako kay Manong Jun ang driver ko at asawa ni Manang Sally sa School, pagdating ko naandun na sila lahat ako nalang yata ang inaantay nila kaya naman napatingin ako sa relo ko 8:55 AM pa lang naman. Pag kababako sa kotse kinawayan ako ni Candy at ni Mila kaya kumaway rin ako sa kanila.

"Manong tatawagan ko na lang po kayo pag pauwi na po ako."

"Sige ingat kayo Ma'am Charlee!" sabay alis ni Manong Jun.

Pumunta na ako kung saan naroon sila "Sorry guys! Kanina pa ba kayo dito? Ako na lang ba ang inaantay nyo?"

"Okay lang yun maaga lang talaga kaming nagpunta dito kasi excited kami. At meron pa nga pala tayong inaantay, parating na yon tumawag na sya sa akin malapit na daw sya."-Gab

"Eh sino ba yung inaantay natin? Meron pa ba kayong mga iba pang kaibigan" tanong ko ulit sa kanya..

"Sorry I'm late, ano tara na!" napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. At kung sinuswerte ka nga naman si halimaw pala itong inaantay namin.

CARTER POV

"Sorry I'm late, ano tara na!" sabi ko sa kanila. Napatingin naman ako sa babaeng nakatalikod kausap ni Gab. Sexy! Siguro gf ni Gab. Pero ng biglang humarap yung babae.... Anak ng tokwa sya nanaman. At ang nakakainis pa nung nakita nya ako para bang sya pa yung minalas dahil naandito ako. Kaya naman hinigit ko si Xavier.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kasama pala yung babaeng yan?!" inis kong ibinulong sa kanya.

"bakit pagsinabi ko bang kasama sya sasama ka? At may pangalan sya. Her name is Charlee. Charlee Gomez. At wag ka nang masyadong maarte para kayong bata. Kaya pwede ba umalis na tayo at nasasayang ang oras?"

"Okay tara na!" sigaw naman ni Mila.

Ano ba yan dating gawi nanaman, pag may bagong kaibigan lahat kami ginagawa namin ang ginagawa ng pangkaraniwang mga tao kung baga yung mga pang mga mahihirap. Sabi nila Migz dun daw naamin masusukat kung magandang maging kaibigan ang isang tao sa kabila ng mga hirap na nararanasan namin sa adventure na ganto. At dito rin dawk lumalabas ang tunay na ugali ng bagong kaibigan nila. In short ang gimik naming ito ay para mabilis naming makilala si Charlee. Tama lang pala na makasama ako dito para makita ko ang tunay na ugali ng babaeng ito....

Naglakad kami papunta sa my tabi ng daan malapit sa gate. Para mag- abang ng jeep papunta sa isang public supermarket.

"Ano bang ginagawa natin dito? Akala ko ba aalis na tayo dito? Anong ginagawa natin dito sa gilid ng kalsada? Kaninong sasakyan ba tayo sasakay" ang dami namang tanong ng babaeng to.

"Aalis na nga tayo, sa jeep tayo sasakay nag-aantay lang, siguro naman nakasakay ka na sa jeep?" Sagot naman ni Mila.

Nakita ko naman naman na ngumiti lang sya kay Mila. At parang kinakabahang ewan, mayamaya my jeep ng dumating at mukang magsisiksikan kung lahat kami sasakay. Maganda to kaya naman pinara ko ito kahit siksikan na. Dali dali akong umakyat ng jeep pati na rin sila at napansin ko naman na si Charlee ay hindi pa nakakasakay sa jeep, ang bagal kasi maiwan ka na dyan!.

"Wait Manong hindi pa nakakasakay yung isang kasama namin! Hoy Charlee bilisan mo sumakay ka na!" Sigaw sa kanya ni Mila.

Nagmabilis itong sumakay pero pagsakay nya wala na syang maupuan.

"Hoy Carter umisod ka naman ng konti, maluwag pa naman dyan sa side nyo eh bili na ng makaalis na yung jeep!" Saway naman sa akin ni Candy.

Umatras ako palikod kaya naman nasaharapan ko na si Charlee. Natatawa na lang ako siksikan na talaga at parang wala syang tiwala dito sa jeep na nasakyan namin kasi naman puro kalawang.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon