chapter 14

69 3 0
                                    

Carter  POV

           Pagkamulat ko tiningnan ko ang paligid at napansing kong nasa hospital ako, naalala ko na, natuklaw nga pala ako ng ahas. Babangon na dapat ako ng napansin kong my nakadagan sa kamay ko. Si Charlee pala. Napangiti na lang ako ng nakita ko syang natutulog at ginawa nya pang unan yung kamay ko.  Gigisingin ko sana sya, pero maganda ang view, kaya  naman hinayaan ko na muna syang matulog. Habang ako naman tinitingnan ko lang sya, inilapit ko yung kanang kamay ko sa muka nya, hahawiin ko sana yung buhok nya, ng biglang gumalaw si Charlee. Kaya naman nagtulog tulugan na lang muna ako.

             Naramdaman ko namang gumalaw si Charlee, then kinapitan nya yung kamay ko na kanina nyang ginawang unan, naramdaman ko rin na hinipo nya yung noo ko.

"Okay ka na naman, hindi ka na nilalagnat, pero bakit ayaw mo pang gumising?" malungkot na sabi ni Charlee.

"Carter, gumisin ka na. 2 days ka ng tulog. Hindi ka ba nagsasawang matulog dyan? Kasalanan ko itong lahat kung nakinig lang sana ako sayo, hindi ka sana magkakaganyan. Carter, gumising ka na.......paggumising kana dyan, promise papatawarin na kita....ang totoo nyan sa tingin ko mahal na rin kita, pero hindi ko alam kung papano ko sasabihin sayo, pero paano ko naman sasabihin sa yo kung lagi ka na lang matutulog dyan.......kaya naman gumising ka-" hindi ko na napigilang hindi magsalita, dahil sa sobrang saya ko, dahil sa mga pinagsasabi ni Charlee.

"Sawang sawa na nga akong matulog eh, buti na lang narinig ko yung boses mo kaya naman eto nagising na ako! ano nga ba yung sasabihin mo sa akin?" Pang-aasar ko pa kay Charlee.

"Carter! kanina ka pa ba gising? niloloko mo ba ako? narinig mo ba lahat ng sinabi ko!" gulaat na sabi ni Charlee.

"paano kung sabihin ko sayong hindi, uulitin mo ba?" nakangiti ko pang sabi sa kanya.

"Tunigil ka nga! wala naman akong sinasabi kanina! baka naman nananaginip ka lang!" sigaw nya sa akin sabay bitaw sa kamay ko.

          Pero bigla kong hinila pabalik yung kamay nya, at hinila ko sya papunta sa akin, kaya naman napayopos sya sa akin, then niyapos ko rin sya.

"hindi mo na kailangang ulitin pa. Dahil ngayon ang importante ay ang nalaman kong mahal mo rin ako."

Xavier POV

"Candy bilisan mo naman! Kung sasabay ka sana sa akin dapat kanina ka pa nagready!" sigaw ko kay Candy.

        Pinagmamadali ko na sya, baka nag-iisa na naman si Charlee sa hospital, gusto ko sanang samahan sya sa pagbabantay kay Carter, ang kaso ayaw nya, sya na daw ang bahala kay Carter, ayaw ko namang ipagpilitan yung gusto ko. Kaya naman pumayag na ako sa gusto nya, pero lagi akong maaga kung magpunta sa hospital.

"Naandyan na!" sigaw naman ni Candy habang palabas na sya ng bahay.

"Ang tagal mo, alam mo ba yun?"

"Eto na nga! para naman kasing ewan, masyado kang nagmamadali." sagot pa sa akin ni Candy.

.

.

.               Pagdating namin sa hospital, hindi pa man kami nakakapasok ng pinto, rinig na namin ni Candy, na may nagtaatawanan sa loob, baka naandyan na sila Mila. Nagmamadaling binuksan ni Candy yung pintuan ,pero pagbukas nyaa ng pinto tumigil sya.

"Ouch, kuya..."

"Ano bang sinasabi mo dyan? tumabi ka nga." tinabig ko si Candy papasok dun sa room, pagpasok ko naman nakita ko si Carter gising na at si Charlee naman tawa lang ng tawa.  Alam ko na kung bakit ganon ang naging expression ni Candy kasi nung gabing nangyari yung gulo sa camp sinabi ko lahat ang totoo kay Candy.

"Gising ka na pala Carter!" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Pare! salamat nga pala, sabi ni Charlee sa akin ikaw raw yung tumulong sa akin." nakangiting sabi sa akin ni Carter. Bigla naman akong nagtaka sa kanya, ayan ba ang epekto ng kamandag ng ahas sa kanya? Parang naging mabait yata si Carter sa akin.

"Okay lang yun." sabi ko naman sa kanya. Bigla naman naagsidatingan sila Mila.

"Carter bro!!!" sigaw ni Migz at Gab sabay pa silang pumunta kay Carter para kulitin sya.

"Carter sorry hindi ko naman sinasadya!" biglang sigaw ni Migz, tapos lumuhod pa!

"Tumayo ka na nga dyan! para kang bata!" sigaw naman ni Candy.

                  Nagsimula na ring magsalita si Mila, Gab, Lee at Carter pero hindi naman sila magkaintindihan dahil sabay sabay silang nag sasalita, para kasing mga bata.

"STOP!!!" nagulat naman kami dahil sa sigaw ni Carter. Kaya naman natahimik ang lahat.

"Pwede na ba akong magsalita?" tanong ni Carter sa aming lahat. kaya naman nag nod kami sa kanya.

"My gusto sana akong sabihin sa inyong lahat," excited na sabi ni Carter.

"Okay lang ba Charlee?" bigla namang tanong ni Carter kay Lee.

"Bahala ka." sabi naman ni Lee.

"KAMI NA!!!!!!!!!!!!" 

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon