chapter 21

18 3 0
                                    


Carter POV

Nasa bar ako ngayon kasama ko si Migz, sinabi ko sa kanya ang lahat ng nalaman ko, pero bakit parang ayaw niya akong paniwalaan, ang sabi nya hayaan daw naming makapagpaliwanag si Charlee, hindi pa ba sapat sa kanya ang mga ebidensya na nagtuturong si Charlee ang may kasalanan kung bakit naaksidente sila Shiela.

"Pare tama na yan, lasing ka na, umuwi na tayo!" pang-aawat sa akin ni Migz

"PUTANG-INA!!!, niloko nya ako, pinaglaruan nya ako at higit sa lahat pinatay nya si Shiela!" sigaw ko kay Migz, wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng ibag tao, basta ang alam ko nasasaktan ako ngayon sa ginawa sa akin ni Charlee

"Pare naman huminahon ka nga! tara na umuwi na tayo!"

"TANG-INA!!! hindi ka ba marunong umintindi o talagang nagpaloko ka na rin dyan kay Charlee! ay hindi pala Samantha nga pala ang tunay nyang pangalan, hahahahhaha"



Migz POV

Kanina pa ako awat ng awat kay Carter, oo inaamin ko na na bigla rin ako sa mga nalaman ko, pero kilala ko si Lee alam kong may dahilan sya kung bakit nagawa nyang magpanggap, at yun ang gusto kong malaman , eto naman si carter ay talagang sarado na ang kanyang utak.

Bigla namang nag ring ang phone ni Carter kaya naman agad niya itong sinagot

"HAHAHAHAHA..........hindi ako lasing may pinagdadaanan lang ako ngayon, HAHAHAhAHA........bakit pupuntahan mo ba ako? hahahahaha........naandito ako sa XXX bar, sige aantayin kita, hahahahaha"nababaliw na ata itong si Carter

"pare sino ba yung kausap mo?, pwede bang umuwi na tayo, marami ka ng naiinom eh" pagpupumilit ko kay Carter

"Migz, dito lang tayo, maydadating na mamamatay tao, aabangan natin sya dito, hahahaha" sagot naman sa akin ni Carter

"Si Lee ba yung tumawag sa iyo?"

"Tumpak! hahahaha"

"Nababaliw ka na ba! At anong gagawin mo pagdating nya dito, Carter baka masaktan mo lang siya!" galit na sigaw ko kay Carter

"Hindi lang sya ang may karapatang manakit at manggamit! kaya ikaw manahimik ka!"



Charlee/Samantha POV

Tinawagan ko si Carter at nasa bar daw sya, mukang lasing na nga, kaya naman ng makarating kami sa Bar sabi ko kay Kuya Nick na ako na lang ang mag-isang kakausap kay Carter at hintayin na lang niya ako sa kotse, buti na lang at pumayag siya.

Pagpasok ko sa bar marami ng tao, at karamihan sa kanila ay lasing na o kaya naman sumasayaw sayaw. Hindi ako nahirapang hanapin si Carter dahil narinig ko siyang sumisigaw, kaya naman dali-dali akong nagpunta sa kinaroroonan niya.

"Carter!" sigaw ko sa kanya dahil sobrang ingay sa loob ng bar, bigla naman napatingin sa direksyon ko si Carter at napansin kong kasama pala niya si Migz.

Bigla naman nagmamadaling lumapit sa akin si Migz at hinigit ang kamay ko palabas ng bar

"Migz ano ba! bitiwan mo nga ako! ano bang nangyayari? bakit lasing na lasing si Carter?" takang tanong ko kay Migz

"Lee sa ibang araw na kayo mag-usap ni Carter ang mahalaga umalis ka na muna, dahil hindi ko alam kung anong pwedeng gawin nya sayo!" nag-aalalang sagot sa akin ni Migz

"At saan mo sya dadalhin Migz?" nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni carter sa likuran namin

'Di ba pare sabi ko sayo wag kang makikialam!" natakot naman ako sa tono ng boses ni Carter mukang galit na galit sya.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon