chapter 23

11 3 0
                                    


Carter POV

Its been 3 years simula ng nagpuntang ibang bansa si Charlee, pero hanggang ngayon wala parin kaming balita sa kanya. Hinanap namin sya pero wala talaga kaming makuhang impormasyon kung nasaan siya. Naka graduate na kaming lahat, at may kanya-kanya ng trabaho. Ngayon isa na akong CEO ng aming kumpanya, kahit na nagtratrabaho na ako hindi parin ako tumitigil sa paghahanap ka Charlee, naniniwala akong buhay pa sya at nasa kung saang panig lang sya ng mundo alam kong makikita ko rin siya, hindi ako susuko hanggat hindi ko sya nakikita. 

"Carter pare! alam mo na bang uuwi si Xavier ngayon sa Pilipinas?" Migz

"Oo, tinawagan nya ako kanina" sagot ko naman kay Migz, makalipas lang ang isang buwan ng umalis si Charlee, ay pumunta naman si Xavier sa Amerika para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at para narin tumulong sa kanilang business doon, at sa haba-haba ng panahon ngayon nya lang naisipang umuwi. Naalala ko pa kahit anong pilit namin sa kanya na umuwi ng Pilipinas para magbakasyon man lang ay ayaw nya talagang pumayag at marami raw syang inaasikaso, napakahirap pang contakin ni xavier pati si ang sarili nyang kapatid na si Candy ay bbihira lang daw itong makausap.

"Paano ba yan, party party na tayo!" biglang sabat naman ni Mila, si Mila at si Migz ay sa company ko nagtratrabaho, kaya naman lagi parin kaming magkakasama, si Candy naman ang namamahala sa company nila dito sa Pilipinas, at doon din nagtratrabaho si Gab.

"Kakaunin ba natin sya sa airport?" tanong naman ni Migz

"Wag na raw, sa bahay na lang daw muna sya dideretso at susunod daw sya sa resort nila, mauna na lang daw tayo dun." sagot ko kay Migz

"Tumawag si Candy sa akin, sabay sabay na daw tayo pumunta sa resort mamaya." Mila 

"Carter, dadating pala si Xavier! nakaka excite naman, so anong oras tayo aalis mamaya, para ma ready ko na yung gagamitin ko" biglang sabat naman ni Cassandra

Tiningnan naman ako ng matalim ni Mila na parang sinasabing "what the hell! kasama yang babaeng yan!" napangite na lang ako ng mapakla kay Mila at nagkibit balikat. Wala naman akong magagawa at baka magsumbong lang yan kay Dad.



Mila POV

Nakakaasar yang si Cassandra! Simula ng umalis si Charlee ay laging na nakabuntot kay Carter, feeling nya girlfriend sya ni Carter! hay naku ang kapal talaga ng mukha, akala ko hanggang graduation ko nalang makikita ang pagmumukha ng malditang yan, pati pala sa trabaho nakahabol pa rin sya kay Carter, Mabilis syang nakapasok sa company nila Carter dahil kaibigan ng Daddy ni Carter ang mga magulang ni Cassandra. Napaka feelingera! napasok lang to sa trabaho para makita si Carter! Si Lee lang ang mahal ni Carter kaya naman kahit anong gawing panglalandi ni Cassandra kay Carter ay no effect! buti nga sa kanya!


"Uy Mila tigilan mo na nga yang kabubulong mo dyan! ma iistress ka lang, hahahaha"pangungulit ni Migz sa akin 

"Hayaan mo na sya, alam naman nating walang pwedeng pumalit kay Lee diba?, kaya kahit anong gawin nya, wag mo na lang pakialaman, hayaan mo syang lokohin ang sarili nya, kahit sya pa ang kahulihulihang babae sa mundo alam naman nating hindi ipagpapalit ni Carter si Lee kay Cassandra."

"Tara na nga at mag-aayos pa ko ng gamit ko,lalo lang umiinit ang ulo ko pagnakikita ko ang babaeng yan!" yaya ko kay Migz paalis ng company




Candy POV

Ng makrating kami sa resort, ay nagpahinga muna kami sa aming mga sariling kwarto. Gabi na ng dumating si Kuya Xavier, masyado daw kasi syang inabot ng traffic, buti nalang umabot sya sa aming paghahapunan. Ng matapos kaming kumain ay nag set kami ng bonfire sa tabing dagat. Malaki ang pinagbago ni Kuya Xavier, kung titingnan mo parang mas masaya sya ngayon kumpara dati. Gaya ng inaasahan nag kwentuhan kami at nag kamustahan sa mga nangyari makalipas ang ilang taon. Napatingin naman ako sa gawi ni Carter, at doon nakita ko ang lintang nakayapos sa braso ni Carter walang iba kung di si Cassandra, pinababayaan na lang ni Carter ito, tutal naman daw  kaibigan lang talaga ang turing nya dito at hanggang doon na lang talaga at alam ito ni Cassandra dahil si carter na mismo ang nagsabi sa kanya ng mga ito, pero ewan ko ba dito kay Cassandra wala atang balak sumuko, nasanay na rin kaming laging nakasunod yan kay Carter kaya naman hindi na lang namin ito pinapansin.

"Namimiss ko na si Lee, kamusta na kaya sya ngayon, alam kong buhay sya, dahil nararamdaman ko yun" biglang banat naman ni Mila, na ikinatahimik ng lahat

"Wala bang bagong balita Carter?" tanong naman ni Gab 

"Wala pa rin hanggang ngayon, pero wag kayong mag-alala hindi ako umitigil sa paghahanap sa kanya" sagot naman ni Carter

"Kuya ikaw, wala ka bang nakukuhang information about kay Lee?" tanong ko kay kuya Xavier

"Ha?" sagot naman niya

"ang sabi ko kung  meron ka bang information about kay Lee?"

"Ah, wala, wala" balisang sabi ni Kuya

"Guys tara na masyado ng gabi, inaantok narin ako, pumasok na tayo sa loob, bukas na ulit tayo magkwentuhan" biglang pang-aaya naman sa amin ni kuya, kaya naman nagsitayuan na kami at nagsibalik sa kanya, kanya naming kwarto.



Gab POV

Lumipas ang isang linggo na nasa resort kami nila Xavier, wala kaming ginawa kundi magkwentuhan, magkainan, mag-inuman at kung minsan ay nag iiscuba diving kami. Masaya ang lumipas na linggong iyon. Ngayon ay nasa bahay kami ni Carter, busy ang girls pamimili ng movieng gusto nilang panoorin, parang bumalik kami sa dati, lagi kaming magkakasama. Pero nung isang linggo ko pa napapansin nasa resort pa kami, ay palaging may kausap si Xavier sa phone, siguro my girlfriend na tong mokong na ito. Nilapitan ko sya ng dahan-dahan dahil my kausap na naman ito.

"Hoy! sino yan!" inagaw ko kay Xavier ang phone nya at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kanya, natawa naman ako ng makita ko ang nakasulat 

"Wow, sino tong BABE na ito!" pilit na inaagaw sa akin ni Xavier ang phone, kaya naman nagtinginan lahat ng barkada sa amin

"Uy ano ba yan, para kayong mga bata, hahaha" Mila

"Hello, hello! HI miss si Gab to! bestfriend ng BABE mo!" sigaw ko sa kabilang linya

"Hello, Hon nandya-" napatigil ako sandali dahil parang kaboses ni Lee yung babaeng nagsasalita, hindi ko na napakinggan ang sasabihin ng babae sa kabilang linya, dahil naagaw na ni Xavier yung phone niya, saka lumayo ng konti sa amin at kinausap ang kanyang Babe, baka naman nagkakamali lang ako ng pagkakarinig hahahaha

"Hello baby, pasensya ka na kaibigan ko yun, oo, ......... sige na, mamaya na lang tayo mag-usap ha, okay, bye... I love you too baby.." sabay pasok ng phone nya sa bulsa nya, 

"Care to explain KUYA!" nakapamewang na tanong ni Candy

"Whooo! pare may pa secret secret ka pa dyan ha!, hahhaha" sabi naman ni Migz sabay appear kay Carter

"Kailan mo ba balak ipakilala sa amin yang baby mo?hahaha" pabiro namang sabi ni Mila

"I love you too baby, hahahaha, bro ang sweet mo naman, kaya pala ayw mo ng umuwi dito sa Pilipinas kasi may baby kana sa Amerika,hahaha" tawa ng tawa si Carter

"Kayo talaga, maloko parin kayo hanggang ngayon, tara na nga sa kusina at gutom na ko, saka ko na ikwekwento sa inyo kung sino sya." sabi ni Xavier sabay lakad pauntang kusina kaya naman, wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya



FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon