chapter 17

20 3 0
                                    

Charlee POV

Kinabukasan maaga akong pumasok dahil may project kaming ginawa ni Mila, after naming matapos ipinasa na rin namin kay Ms. Leron, English teacher namin ni Mila.

"Girl sama ka samin ni Candy mamaya sa mall." - Mila

" hindi ako pwede mamaya, may pupuntahan ako." Sabay subo ko ng chocolate, nasa cafeteria nga pala kami ni Mila.

"Girl sige na, please! Malapit na kasi Birthday ni Gab at ni Migz hindi pa
namin alam ni Candy kung ano bang gift ang dapat ibigay dun sa dalawa, kaya sumama ka na!" Pangungulit ni Mila.

"Sige na nga! Tara na at magsisimula na ang class natin, papagalitan na naman ako ni Carter pag hindi ako pumasok." Tatayo na sana ako ng bigla akong nakardam ng hilo, kaya naman napakapit kaagad ako sa table.

" Lee are you okay?" Inalalayan kaagad ako ni Mila para umupo ulit.

"Okay lang ako napadami yata masyado ang kain ko nitong chocolate hahahahaha, tara na at baka malate pa tayo"

Pagdating namin sa room naandon na si Carter at si Candy. As usual tabi kami ni Carter. Pagkatapos ng klase namin, pumunta kami sa mall nila Candy, gusto sanang sumama nila Carter pero ayaw naman nila Mila.

"Lee ano bang dapat kong ibigay kay Migz?" Tanong sa kin ni Candy.

" hay na ko Candy ikaw ang my alam kung ano talagang gusto ni Migz, kayo kaya lagi ang magkasama, kaya dapat ikaw yung masnakakaalam, sa tingin ko naman Hindi mapili si Migz, basta galing sayo, matutuwa na yun, diba Mila?"

" bakit ako? Tara na nga maghanap na tayo ng gifts natin!"

pagkatapos namin mamili ay napagpasyahan ko ng maunang umuwi, nagpakaon na lang ako sa driver ko.

Habang nasa byahe kami ay sumasakit na naman ang ulo ko, ilang linggo na rin ang nakalipas madalas yata sumasakit ang ulo ko, imposible naman yung iniisip ko dahil 3 years na akong magaling, nagpapacheck up naman ako every month, ano kay---- "shit! Simula nga pala ng maglayas ako sa amin hindi pa nga pala ako nakababalik sa Dr. ko!" Pero OA naman masyado baka napagod lang ako ang dami kasing binili nila Candy.

Pagdating ko sa bahay nag shower lang ako at natulog na ako dahil sa sobrang pagod.


Carter POV

"It been 2 years simula nung nawala ka, alam mo bang sobrang sakit ng ginawa nyo sa akin ni Xavier?" Habang sinisindihan ko ang kandila sa puntod ni Shiela, eto ako parang tanga kinakausap sya.

"Pero ang masmasakit dun ay yung nawala ka, siguro mas madali sa akin kung nabuhay ka, okay lang sa akin na sumama ka kay Xavier, dahil ganon kita kamahal, hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita kung sino yung may kasalanan kung bakit ka nawala, ginawa ko na ang lahat para mahanap ang taong yon pero wala talaga, naghire na ako ng mga detective pero wala talaga. Hindi ko alam kung bakit wala man lang ebidensya o clue kung nasaan at sino sya, sabi nila marahil hindi lang basta basta yung taong yon. " napaluhod na lang ako sa kanyang puntod dahil hindi ko na mapigilang umiyak.

"Pangako ko sayo na ako mismo ang gaganti para sayo, hindi ako titigil hanggat hindi ko sya nahahanap. "

Pero sa ngayon unti- unti ng naghihilom ang sakit na binigay nyo sa akin ni Xavier, dahil alam ko naman na kahit papaano minahal mo rin ako, dahil naramdaman at nakita ko iyon at dahil narin siguro sa tulong ni Charlee.


Charlee POV

Habang naglalakad ako papunta sa classroom napasandal na lang ako sa pader dahil biglang sumakit yung ulo ko, at dahil malapit na naman ako sa room namin pinilit ko na lang yung sarili ko na maglakad papasok ng room.

" Lee! Tara dito may chicka kami sayo!" Masiglang tawag sa akin ni Candy.

"Girl okay ka lang ba? Namumutla ka yata? " nag- aalalang tanong sa akin ni Mila.

"Hahahaha, sumasakit lang ng konti yung ulo ko, pero okay lang ako kaya ko pa naman." Pero ang totoo gusto ko ng mahimatay sa sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit.

" Lee sumama ka sa amin at dadalhin ka namin sa clinic!" Tarantang sigaw ni Candy.

"Wag na kay-"

"No! Sumama ka na saamin para makainom ka man lang ng gamot, kaysa naman magtiis ka dyan" suway ni Mila.

Pagpunta namin sa clinic ay nagpaiwan na ako sa kanila, dahil magsisimula na ang class namin. Paglabas na paglabas nila, kinuha ko kaagad ang phone ko at tinawagan ko si kuya Nick.

" Kuya sagutin mo! AHHHH!!!!" Sa sobrang sakit ng ulo ko hindi ko na napigilang mapasigaw.

" Ms. Gomez ito na yung gamot" aalalang iniabot sa akin nung nurse yung gamot , pero tinabig ko sya. Ayokong may nakakakita sa king ibang tao pagnasa ganito akong sitwasyon, dahil laging si kuya Nick lang ang nakakaalam ng lahat ng dinaranas ko.

" No! Wag kang lalapit sa kin! AAAHHH" kuya Nick please answer your phone!

"inumin mo na tong gamot para mawala yung pagsakit ng ulo mo!" Tarantang sabi nung nurse.

" Sinabing wag kang lalapit! Hindi mo ba maintindihan yun!!!"

"Maigi pa tawagin ko na yung mga kaibigan mo at maipaalam na sa kanila na dadalhin na namin ikaw sa hospital! Tawagan na din namin ang parents mo!"

"Don't do that please! " naiiyak na ko sa sobrang sakit ng ulo ko ng biglang nag ring yung phone ko, kaya naman sinagot ko kaagad.

"Samantha bakit ka napa-" Nick
"Nick! Puntahan mo ko sa school! AHHH please...." Umiiyak na ako habang kinakausap ko si Kuya.

"Samantha anong nangyayari? Why are you crying?!" Nag aalalang tanong ni Nick

"Nick Im scared I think bumalik na naman yung sakit ko, please kaunin mo na ko..." Iyak ako ng iyak habang nag uusap kami ni kuya.

"Samantha papunta na ko diyan don't be scared naandito lang ako, ako na ang bahala don't worry, sige na pupunta na ko dyan."

Nick POV

Pagdating ko ng school ni Samantha ay nagmadali na akong pumunta sa clinic, para akong tangang nagtitinakbo sa daan pero wala akong pakialam kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao ang mahalaga ay makita ko si Sam.

Pagdating ko ng clinic sinalubong naman ako ng nurse.

"Kayo po ba ang kuya ni ms. Gomez?" Tanong nung nurse.

"Yes, ako nga. Ano bang nangyari? Nasaan si Samantha?"

"Buti naman po at dumating na kayo, nasa loob po sya sa room A03, gusto po sana naming dalhin sya sa hospital pero ayaw nya hinihintay nya po kayo, ayaw nya nga ring pong lalapitan sya, kaya naman napilitan na si doktora na turukan ng pampatulog at pain reliever."nurse

"Maraming salamat, ako na ang bahala sa kanya, at kung pwede wag na sanang malaman pa ng mga kaibigan nya yung nangyari."

" sige po" sagot naman nung nurse na mukang kanina pa nagpapa cute sa akin.

Pagpasok ko sa room ni Sam ay mahimbing na syang natutulog, bakas pa sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman nya dahil sa bakas ng luha sa kanyang mga mata.

Binuhat ko na sya at dinala sa kotse ko, at sa Hospital na ako dumaretso, tinawagan ko na rin ang mga magulang namin pinaalam ko na sa kanila ang nangyari, dahil sa ganitong sitwasyon ay hindi dapat na itago namin ni Sam ito, kaya naman pauwi na sila sa Pilipinas ngayon.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon