Carter POV
"hahahaha! Talaga Charlee ginawa mo yun? Ikaw talaga Carter kalalabas pa lang ni Charlee sa hospital ginawa mo na sya kaagad na katulong!" nagtatawanan sila Mila dahil sinabi ni Charlee sa kanila ang nangyari kaninang umaga.
"Ano ba kayo sinabi na ngang hindi ko sya inutusang magluto talagang si Charlee talaga ang gumawa nun! Pero alam nyo ba na sobrang sarap ng luto ni Charlee? sayang nga lang at hindi kayo nakatikim, kasi para sa akin lang talaga yun."
"Charlee alam mo hindi mo na dapat ginawa yun, ayan tuloy nasugatan pa yang kamay mo. Alam mo simpleng sorry lang okay nay un kay Carter kaya sa susunod wag mo nang uulitin yun baka masaktan ka na naman." Kontra na naman ni Xavier.
"Sabi ko nga rin sa kanya kanina na okay lang yun. Pero Charlee nagustuhan ko talaga yung ginawa mo, biruin mo ako ang kauna unahang nakatikim ng luto mo!. Thank you ulit!! Sa susunod ipagluluto rin kita."
"Hi guys! Sorry I'm late ang traffic kasi! So?? bakit ka naman magluluto Carter? Ano bang meron?"Tanong kaagad ni Candy pagdating nya sa bahay. Ito naman si Mila ipinakwento ulit kay Charlee yung nangyari.
Nakita ko naman si Migz na sumesenyas sa akin para lumabas kaming dalawa, kaya naman lumabas ako at sumunod naman kaagad sya.
"Carter sabihin mo nga ano bang pinaplano mo? Alam mo napapansin ko simula ng dumating si Charlee lagi na naman kayong nag-aaway ni Xavier! Ano ba kayo mga bata?! Kahapon sinabi sa akin ni Xavier ang nararamdaman nya kay Charlee alam mo ba yung tungkol dun?"
"Yes, because he told me"
"Yun naman pala! Alam mo pero bakit ganon ka kung makakilos pagdating kay Charlee? Do you like her Carter!?"
"No. But I need her"
"You don't like her,but you need her for what Carter?! TELL ME?!!!"
"Because of Xavier, masaya kana? Gusto kong maramdaman nya ang sakit na ipinaramdam nya sa akin ng agawin nya sa akin si Sheila!"
"Carter mag-isip ka nga! That was an accident! At si Shiela mismo ang sumama sa kanya! Hindi mo pa rin ba matanggap! Carter kung nasaktan ka ng nawala si Shiela nasaktan din naman ako! Because I am her brother!Carter hindi lang si Xavier ang masasaktan mo pagpinagpatuloy mo ang binabalak mo pati na rin si Charlee!"
"I don't care!!! Kung masaktan man sya!!! Just please stay away from this!"
"Carter isa lang ang sasabihin ko sayo! Saktan mo na si Xavier but not Charlee!!! Carter she's not a tool! So don't use her, She's our friend now ! At sa tingin mo matutuwa si Shiela sa gagawin mo? Mag-isip ka Carter."
"I'll try not to hurt her. "
"ewan ko sayo Carter sa ngayon hindi muna kita papakielaman but please stop this."
Hindi ko alam pero pag si Migz na ang kaharap ko wala akong bagay na maitago sa kanya, siguro dahil bestfriend ko sya at wala syang hindi alam pagdating sa akin. Alam ko mali ang ginagawa ko pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang patawarin si Xavier.
Pagbalik namin sa loob nagreready na sila para ihatid si Charlee sa bahay nila. Gusto sana ni Xavier na magtagal pa sya kahit konti , pero ang sabi ni Charlee marami pa syang kaailangang tapusin na homework kaya naman wala na kaming nagawa at pinayagan na syang umuwi. Si Xavier na rin ang nagprisintang maghahatid sa kanya sa bahay. Kaya naman naiinis ako sa nangyari.
Xavier POV
Habang nag didrive ako hindi ko mapigilang mag-isip dahil sa mga ikinikilos ni Carter, alam kong my ginawa ako sa kanyang kasalanan kaya hanggang ngayon hindi pa rin nya ako napapatawad. Pero baka gamitin lang nya si Charlee para saktan ako. Halos hindi ko na nga makausap si Charlee kasi pag nag-uusap kami ni Charlee laging nakikisingit si Carter hindi ko tuloy maintindihan ang tunay na nararamdaman ni Carter para kay Charlee.
BINABASA MO ANG
Fate
RomanceSamantha Pirrer mayaman, maganda, matalino at sobrang pasaway. What if she made a decision that will change her life? Sa kagustuhan nyang maranasan ulit ang buhay sa labas ng kanilang mansion, nagawa nyang magpanggap bilang si Charlee Gomez. But...