chapter 8

86 6 2
                                    

Charlee POV

               Maaga akong pumasok, kasi naman maganda ang mood ko ngayon. As usual, si Carter inaantay na naman ako.

" Ako na ang magdadala ng bag mo Charlee" sabay kuha naman sa akin ni Carter ng bag ko.

"Sige bahala ka, ikaw naman ang mahihirapan.."

"Basta ikaw.." nakangiti pang sabi ni Carter.

"Lets go, pasok na tayo sa room."

               Habang naglalakad kami ni Carter papasok sa room bigla naming y humarang sa aming tatlong babae.

"Hi Carter! Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkakausap ah, masyado ka na kasing busy kasasama sa kanya." Sabay tingin nung babae sa akin.

"Ah Sandra si Charlee nga pala friend ko at Charlee si Sandra fiend ko rin."

Kaya naman nakipag shake ako ng hand sa kanya.

"I'm Charlee Gomez, nice to meet you."

"Sandra, childhood friend ni Carter"

               Tapos bumitaw na sya at humarap sya kay Carter.

"So Carter? Pwede mo ba kong samahan mamaya, gusto ko sanang kumain dun sa lagi nating kinakainan na restaurant?"

"Sorry Sandra, pero kasi sinasamahan ko pa si Charlee, kaya kung pwede sa susunod na lang. Tara na Charlee..." sabay akbay sa akin ni Carter at pumasok na kami sa room.

               Mayamaya dumating na ang prof. namin sa Calculus. Napansin ko lang kay Carter seryoso sya sa pag-aaral, kahit saang subject nagfofocus sya lagi. Ako naman kung hindi tulog, dinadaldal ko naman si Carter.

"Hoy Carter!" pabulong kong tawag sa kanya.

"Bakit ba? Pwede ba making ka na lang!" pabulong din na saway sa akin ni Carter.

               Ang sungit naman parang my itatanong lang! Tinawag ko ulit si Carter ang kaso nga lang nahuli ako ni prof.,binato nya ako ng chalk! Buti na lang dun lang sa my desk ko tumama.

"Ms. Gomez! Gusto mo bang palabasin na kita! Lagi ka na lang ganyan sa klase ko kung hindi ka nakikinig, natutulog ka naman! Bakit nakakawalang gana ba yung pagtuturo ko?" galit na galit nyang abi sa akin.

               Nagtinginan naman sa akin yung mga classmates ko, pati na rin si Carter. Nahihiya tuloy ako kaya naman napatungo na alang ako.

"Answer me Ms. Gomez!!!"

"No Sir! Hindi naman po nakakaantok yung pagtuturo nyo."

"Ganon naman pala! Pero bakit hindi ka nakikkinig? Hindi ko pa nakikita ang performance mo dahil hindi pa ako nag papaexam sayo dahil katratransfer mo lang! Gusto ko muna sanang maka adapt ka sa pagtuturo ko bago kita bigyan ng exam! Pero binabalewala mo lang ang kabaitan ko sa iyo! Kaya simula ngayon magsosolve ka ng problem sa board!!!"

               Narinig ko naman na nagtatawanan at nagbubulungan ung mga classmates ko.

Yari ka ngayon kay Prof.! hahahaha

Kawawa naman sya ang hirap pa naman ng mga sinosolve sa board...

Anong kawawa? Tama lang yan sa kanya, feeling sya ha.. eh lagi nga syang tulog!

Butinga sa kanya!

Kayanin ya kaya nya yan?

Malamang hindi! Mangangalay lang yan katatayo dyan haanggang matapos ang klase!

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon