chapter 11

73 4 0
                                    

Charlee POV

              Lumabas na ang result ng Finals at natawa na lang ako ng makita kong ako ang nasa top at si Carter ang 3rd, kung anu-ano pa ang sinabi nya sa akin, Hindi naman sya yung nasa top! Natuwa naman ako kay Xavier, bukod sa mabait na sya matalino pa pala ito, sigurado ako na swerte ang magiging gf nya! Samantalang si Carter mayabang, laging naka sigaw ang kaso nga lang mabait rin naman sya, at masaya ring kasama!

             Hindi ko akalaing magugustuhan ko, ang magpanggap bilang si Charlee Gomez, Nung una nagalit si dad sa ginawa ko, pero sa huli pumayag na rin sya gawa ni Mom. Umuuwi rin ako sa mansyon, pag umuuwi sila Dad galing sa ibang bansa, then pag-alis nila bumabalik ulit ako sa bahay ko. 

                 Dahil tapos na ang first semester magkakaroon daw kami ng camping! Kaaya naman excite na excite na ako, kasi bukas na ang alis namin! Bigla namang nagring yung phone ko, Tumatawag pala si Carter.

"Hello?" sagot ko.

"Charlee, okay na ba yung gamit mo para bukas?"

"Hindi pa, pero nag-aayos na nga ako. Bakit ba?"

"Ah, kasi medyo malaki yung lagayan ko ng gamit ko, kaya gusto ko sanang sabihin sayo na para hindi ka na mahirapan bukas sa pagdadala mo ng gamit mo, ako na lang sana ang magdadala. Para ang dadalhin mo na lang bukas ay yung mga damit mo."

"Okay lang sa akin, pero okay lang ba sayo? Baka masyado ka namang mahirapan?"

"Hindi, ako na ang bahala dun. Kaya naman wag kanang mag-alala ako narin ang maagdadala ng mga pagkain natin!"

"Sige bahala ka, and Carter, Thank you!"

"Welcome! sige na Charlee.. mag-ayos ka na ng gamit mo, At maaga kang matulog ha!"

"Okay po, Boss!! Sige na po at mag-aayos pa po ako ng gamit ko"

"Okay Charlee, bye!"

"Bye!"

            Si Carter talaga, lahat na lang inorganize nya, paano na lang kaya ako kung hindi ko nakakilala si Carter? Hay nako maiayos na nga lang yung mga dadalhin ko bukas! 

Kinabukasan...........................................

Carter POV

                Maaga akong umalis ng bahay, para magpunta sa School excited kasi ako, kasi kasama si Charlee! Talagang pinaghandaaan ko ang araw na ito. Ready na ang lahat! yung sa tingin ko kakailanganin ni Charlee para sa Camping ay dinala ko na!

               Pagdating ko sa school, nag-aayos na yung mga teachers para sa pag-alis, tinanong ko narin, kung aling bus ba ang gagamitin namin. Bus 16 daw kami, Kaya naman hinanap ko na yung bus at nireserved ko na ung medyo sa bandang unahan, para naman hindi masyadong mahilo si Charlee sa byahe.

              Mayamaya dumating na sila, maliban lang kay Charlee kaya naman niyaya ko na sila kung saan yung bus na sasakyan namin.

"Uy, dito na ko sa medyo unahan!"- Migz

"Hindi ka pwede dyan, may nakaupo na dyan!"

"Bakit bakante pa naman to ah!"-Migz

"Dun na lang kayo sa my dulo kasi nakareserved na yan!"

"Ang dami naman arte! tara na nga guys! dun tayo sa hulihan para sama-sama tayo!" sabi naman ni Migz sabay punta sa dulo kaya sumunod na lang sila Xavier.

"Ano ba yan! ang tagal naman excited na ako!"- Gab

"Hoy Carter bakit nakatayo ka pa? umupo kana! teka lang nasaan na naman ba si Charlee?"

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon