Charlee POV
Pang apat na araw na namin dito sa camping at sa maniwala kayo at sa hindi, halos kami kami na lang ang natira kasama si Sandra, kasi yung mga alalay nya ay hindi na kinaya kaya naman umayaw na sila. Kaso nga lang ito si Sandra nakakaasar napakaarte! laging nakadikit sya kay Carter!
"Guys sinong sasama mangunguha kami ng kahoy para mamayang gabi, titingin narin kami ng makakain!" -Gab.
"Ako!"- Carter.
"Sama na rin ako"- Xavier.
"Ako rin Carter! para naman makatulong ako!" -Sandra.
"Kami rin ni Mila sasama!"- Candy.
"ikaw ba Lee sasama ka?" tanong sa akin ni Migz.
"Hindi na, kayo na lang! tinatamad ako eh!"
"Hindi pwedeng mag-isa ka lang dito! ang mabuti pa umalis na kayong lahat at maiiwan na lang ako dito para my kasama si Charlee. Sige na baka abutan pa kayo ng dilim." Umalis na sila at kami nalang dalawa ni Caarter ang naiwan dito. At si Sandra naman parang batang inagawan ng candy kasi padabog na umalis.
"Patingin nga ako ng pagkain mo dyan? Kasya pa ba para bukas?" Tanong naman sa akin ni Carter kaya naman inabot ko sa kanya yung bag na my lamang mga pagkain, Simula nung sabihin yung rules, nung una halos lahat sila, nanghihingi sa akin ng pagkain, gusto ko sana silang bigyan ang kaso si Carter ayaw mamigay, ang sabi nya para sa akin lang daw yung pagkain, para daw hindi na ako mahirapang maghanap ng kakainin ko, at sabi nya rin mas safe daw yung dala nyang pagkain kaysa sa mga pagkain na kinukuha nila kung saan saan.
"Okay na to. Buti na lang nagdala ako ng maraming pagkain at mga bottled water, iba talaga pag ready, diba Charlee?!" nagyayabang sabi sa akin ni Carter.
"Oo na! oo nga pala, di ba bukas na tayo uuwi?"
"oo, bakit Charlee ayaw mo pang umuwi? sabagay bakit namang gugustohin mo pang umuwi kung dito sa camp, gabi-gabi kitang kinakantahan at kinukwentuhan, Ano pa ba ang hahanapin mo dito? my pagkain ka naman, okay naman yang hinihigaan mo, eh halos kompleto nga yung gamit mo dyan eh, pasalamat ka naandito ako, kung wala ako dito baka kasama ka na nung ibang students na umuwi." sabi naman ni Carter.
"Okay, okay tama na po ang kayabangan mo, at baka humangin ng pagkalakas lakas at tangayin pa ako!" biro ko naman kay Carter.
Mayamaya dumating narin sila Migz at ang dami nilang dalang mga kahoy, at mga prutas.
"Hay nako lagi na lang prutas yung nakukuha nating pagkain! Minsan naman puro kamote, gusto ko nang kumain ng masarap! Lee pwede bang makahingi ng isang Corned Beef?" Nagmamakaawa namang sabi sa akin ni Candy. Tumayo ako para kunin yung bag na my lamang pagkain, pero pinigilan naman ako ni Carter.
"teka saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Carter.
"Ikukuha ko si Candy ng Corned Beef"
"Sorry Candy wala ng Corned Beef dun, tiningnan ko na yun kanina, wala na talaga.." sabi naman ni carter kay Candy.
"Carter ang damot mo naman, aalis na naman tayo bukas ah!" Sagot naman ni Candy kay Carter.
"Wait! parang my Spam pa akong nakita kanina dun sa bag. Wait lang kukunin ko." sabi ko naman kay Candy.
"Yay! thanks Lee!!"
"Hindi mo kukunin yung spam dyan Charlee! at kahit ano pang laman ng bag na yan!" sabay sigaw naman sa akin ni Carter.
"at bakit naman?" sagot ko.
"Kasi nung una nating punta dito, my nakasalubong akong mga bata at mukang gutom na gutom na sila, at ang sabi ko pagbalik ko pag my natira pa, ibibigay ko sa kanila lahat, Kaya ikaw Candy Yung kamote na lang ang kainin mo ngayon at bukas maawa ka naman sa mga bata." Sabi ni Carter kay Candy.
BINABASA MO ANG
Fate
RomanceSamantha Pirrer mayaman, maganda, matalino at sobrang pasaway. What if she made a decision that will change her life? Sa kagustuhan nyang maranasan ulit ang buhay sa labas ng kanilang mansion, nagawa nyang magpanggap bilang si Charlee Gomez. But...