Carter POV
Hanggang ngayon ay ayaw talagang magkwento ni Xavier tungkol sa kanyang girlfriend, kada bubuksan namin ang topic tungkol sa GF nya, iniiba nya ang usapan, basta ang alam lang namin ay nagkakilala daw sila sa isang university sa Amerika at doon na daw nagsimula ang lahat. Hinayaan na lang namin sya ang mahalaga ay masaya na sya, at naka move on na sya kay Charlee.
"Xavier akala ko ba two weeks ka lang dito? mag-iisang buwan ka na rito ah" tanong ni Migz kay Xavier sabay inom ng juice nito, nasa bahay nga pala kami ni Xavier dahil dumating sila tita kanina, parents nila Xavier nagkaroon ng konting salo-salo, pero umalis din ito kaya naman kami na lang ang natira dito
"May pinaaasikaso kasi sa akin si Dad about sa bagong company na kanilang ipapatayo rito sa Pilipinas, inaasikaso ko lang yung mga papers, aalis na rin ako." sagot naman ni Xavier
"Candy, wala ka bang balak sumama sa Kuya mo sa Amerika?" tanong ni Mila
"Ayoko nga don, mas gusto ko dito sa Pilipinas, hahahha, pati pabor naman kanila mom and dad, kasi may nag ma-manage ng business nila dito." sagot naman ni Candy
Masaya kaming nagkwekwentuhan ng mapansin kong wala pa si Gab.
"Ang tagal naman ni Gab, bibili lang ng Ice cream eh, ilang galon ba ang ipinabili nyo dun Candy" inip na tanong ko sa kanila
'Kung alam ko lang, baka kung anu-ano na ang pinagbibili non." sagot naman ni Mila
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan ng narinig naming my nag doorbell, baka si Gab na yan.
"hay sa wakas dumating na rin" Candy
"Manang pakibukasan ng pinto!" Sigaw naman ni Xavier sa isa nilang katulong
"opo sir!" sagot naman ng kanilang katulong
"Guys ano ba kayo tara nga salubungin natin si Gab for sure ang dami nung dala!" sabi ko sa kanila, kilala ko si Gab, pagyun ang pinabili mo, parang pang isang buwang supply na ang dala nun pauwi
"Kayo na lang tinatamad ako" kontra naman ni Xavier,
"Tara na nga guys" nagsitayuan naman sila maliban kay Xavier
"Kuya kung hindi ka tatayo diyan, wag kang kakain!" sigaw naman ni Candy habang naglalakad kami papunta sa pintuan, paglingon ko naman kay Xavier ay nakasunod na rin sa amin sa hulihan, hahaha susunod din naman pala
Ng medyo malayo pa kami sa pintuan, nakita naming nabuksan na ng katulong ang pintuan, at laking pagtataka namin ng isang maleta ang higit higit ng katulong nila Xavier papasok sa loob ng bahay at pagtingin ulit namin sa pintuan isang maleta na naman ang papasok, hindi namin makita ang nagtutulak ng maleta dahil bahagyang nakasarado pa ang pinto at nauna nyang ipinasaok patulak ang maleta sa loob ng bahay, ano naman kaya itong pinagbibili ni Gab, puro talaga kalokohan yun
"Guys, ang lupit ni Gab nakalagay nasa maleta ang pinamili nya, hahahaha" tawa naman ng tawa ang buong barkada, Ng malapit na kami sa pintuan laking gulat namin ng iniluwa ng pintuan si Charlee habang kapit kapit ang kanyang maleta.
Lahat kami nagulat at napatigil sa aming paglalakad at nakatingin lang kami lahat sa kanya, hindi nya pa kami napapansin dahil may kinukuha pa sya sa kanyang handbag, kaya naman ng pagharap nya sa amin, ningitian nya kami.
"SURPRISE!" sigaw ni Charlee, Lahat kami ay nagulat, totoo talagang si Charlee ang nasa harapan namin, buhay sya.
Hindi kami makapagsalita at parang natuod lang kami sa pagkakatayo namin sa kanyang harapan.
"Hon! I miss you na! ang tagal na nating hindi nagkita!" masaya nyang pagkakasabi sabay bitaw nya sa kanyang maleta, hindi ko alam pero natuwa ako sa aking narinig, miss na daw ako ni Charlee, napatawad na nya kaya ako. Ng makita kong patakbo sya papunta sa akin ay agad din akong sumalubong sa kanya.
Pero laking gulat ko ng nilampasan nya ako at yumakap siya kay Xavier. Lahat kami nagulat sa ginawa ni Charlee, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pakiramdam ko pinaglalaruan na naman ako ng tadhana. Tiningnan ko si Xavier at hindi sya makatingin ng deretsyo sa akin. Walang gustong magtangkang mag-usap sa amin ngayon
"Hon, ano ba? ang sabi ko miss na kita!" pagtatampong sabi ni Charlee kay Xavier habang nakayakap sya rito.
"ha? I miss you too baby, bakit ka pumunta dito, diba sabi ko sayo pauwi narin ako" mahina namang saad ni Xavier
"I know, pero miss na talaga kita at gusto kitang i-surprise!, and gusto kong makilala yung mga friends mo, bakit ayaw mo ba?" malungkot naman na sabi ni Charlee
"Hindi naman sa ganon, nagulat lang ako, hahaha" payak na sagot ni xavier
Lahat kami ay nasa kanila lang ang focus, ng biglang humarap sa amin si Charlee
"Hi guys! I'm Samantha fiance ng kaibigan nyong si Xavier!" masaya nyang pagpapakilala sa amin. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, nag e-echo parin sa akin ang binitawang salita ni Charlee. hindi ako makapaniwala na fiance ni Xavier si Charlee, isa isa syang lumapit kanila Candy at bineso beso nya ang mga ito, lahat sila ay nakatayo lang at parang akward na akward sa mga nangyayari ng malapit na sya sa akin iki-niss nya ako sa chicks na sya namang ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"So ngayong kilala nyo na ako, baka naman kayo naman ang magpakilala sa akin, hahahaha" masayang sabi ni Charlee, nagtaka naman ako kung anong nangyayari, bakit parang hindi nya kami kilala
"Hi Im Candy, hahaha" akward na pagpapakilala ni Candy
"Wait so ikaw pala yung kapatid ni Xavier, hahaha, lagi ka nya sa aking naikwekwento hahaha its nice to finally meet you" Charlee
"Ako nga pala si Mila" sabay yakap nito kay Charlee
"Oh, how sweet, nice to meet you Mila" sagot naman ni Charlee
"Migz pangalan ko, Migz" sabay ngiti nya naman kay Charlee
Ng tumingin sa akin si Charlee, hindi ko makitaan ng pagpapanggap ang kanyang mukha, para talagang nabura kami sa kanyang mga alaala, kaya bago ako mag salita tumingin muna ako kay Xavier gusto kong sabihin sa kanya na anong nangyayari? at binalik ko ang tingin ko kay Charlee.
"Carter, Carter Colton is my name" sabay yakap ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Fate
RomanceSamantha Pirrer mayaman, maganda, matalino at sobrang pasaway. What if she made a decision that will change her life? Sa kagustuhan nyang maranasan ulit ang buhay sa labas ng kanilang mansion, nagawa nyang magpanggap bilang si Charlee Gomez. But...