chapter 19

12 3 0
                                    

Carter POV


After ng class ay hinanap ko kaagad si Charlee, but sila Mila at Candy lang ang nakita ko, sabi nila nauna na daw si Charlee dahil may family gathering daw sila. Kanina ko pa siya tinatawagan, pero hindi naman niya sinasagot, siguro masyado lang syang nag-eenjoy sa gathering nila.  Biglang nag ring yung phone ko kaya naman dali-dali ko itong kinuha, baka si Charlee na ito, pero pag tingin ko si Detective Robert pala, yung inutusan ko para imbestigahan yung nangyaring aksidente kanila Shiela.

"Hello, Robert napatawag ka, meron ka bang nakuhang lead?........sige, okay, magkita na lang tayo......pumunta ka na lang sa bahay at doon tayo mag-usap." ibinaba ko na ang phone ko at nagmadaling umuwi sa bahay.

Habang nagmamaneho ako, naisip ko ang sinabi sa akin ni robert na tukoy na daw nila kung sino ang walangyang may kasalanan kung bakit namatay si Shiela. Pagdating ko sa bahay nakita kong nag-aabang na si Robert sa labas habang nakaupo sa kanyang sasakyan. 

"Boss, kapit ko na!" Iniwagayway pa niya ang kapit niyang envelop 

"Tara, sa loob na tayo mag-usap." seryoso kong anyaya kay Robert

Pagkapasok namin sa bahay dumaretso kami sa sala, at doon ibinagsak ni Robert sa lamesa ang isang brown envelop.

"Boss, basi sa imbestigasyon na ginawa namin, talagang masasabing aksidente ang nangyari. Pero ang mahirap po talaga ay hindi namin matukoy kung sino sa dalawag driver ang may kasalanan dahil sa masyadong mahirap kumuha ng ebidensya dahil, matapos ang aksidente umulan po ng malakas."

"Pero ang suspetya po namin talaga, ang may kasalanan po ay yung driver ng isang kotse, nalaman po namin na lasing po ang driver ng mangyari ang aksidente." dagdag pa ni Robert

"So, kilala nyo na ba kung sino ang walangyang driver na yan?" galit na tanong ko kay Robert

"Opo Sir, sa katunayan nyan, sobrang nahirapan kami sa paghahanap sa kanya dahil, anak ng isang sikat na negosyante ang driver nung kotse."

"Kaya pala, ginamitan nila ng pera para pagtakpan at ibaon ang kaso, tingnan mo nga naman Robert, akala siguro nila makukuha nila ako sa mga ganong galawan nila, pwes nagkakamali sila. So, robert sino, sino ang hudas na yan?"

"Sir, Samantha Pirrer po."

Kinuha ko ang envelop sa ibabaw ng lamesa at ng bubuksan ko na, biglang nagsalita na naman si Robert

"Sir sa katunayan nyan, hinanap na po namin kung nasan sya, nung una nahirapan kami,'

"At bakit naman?" pagtataka kong tanong kay Robert

"Kasi Sir, kahit na sikat ang mga pamilya Pirrer, hindi pa nila ipinakikilala sa buong mundo ang kanilang anak na babae, hindi nila ito isinasama sa mga business trip nila, hindi kagaya ng kanyang kapatid na si Dominick na bata pa lamang ay kilala na ang pangalan sa business world. Akala namin umalis sya ng bansa dahil, wala siya sa mansyon nila. Ngunit napag-alaman namin na gumagamit pala siya ng alyas at hindi sa mansyon nakatira, pero nasa Pilipinas parin siya."

"Nasaan sya Robert?" inis na tanong ko kay Robert

"Sir wag po kayong mabibigla, pero sa parehas na unibersidad po kayo napasok. At ginagamit nya ang pangalang Charlee Gomez."

Nabitawan ko ang envelop na hindi ko pa nabubuksan matapos kong marinig ang pangalan ni Charlee, parang paulit-ulit na nag eecho sa akin ang kanyang pangalan.

"Nagkamali yata ako ng pagkakarinig Robert, pakisabi nga ng malinaw kung sino ang driver ng kotseng iyon?"

"Samantha Pirrer po Sir, na kilalang Charlee Gomez po sa inyong paaralan."

Pagkarinig ko ng pangalan ni Charlee, bigla ko na lang sinuntok ang salamin ng lamesa, dahilan upang ito'y mabasag.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" pag-alalang tanong ni Robert

"Umalis ka na." walang emosyong sagot ko kay Robert

"Sir ano pong gagawin ko sa kasong ito, ipapa open ko na po ba ulit ang case na ito?" tanong ni Robert

Dahil sa galit ko kinuwelyuhan ko si Robert. " Wala kang gagawin hanggat hindi ako nag-uutos sayo, maliwanag ba?" galit na sambit ko kay Robert

"opo Sir, maliwanag po.' takot naman na sagot ni Robert

"Sige makaka-alis kana"


Pagka-alis ni Robert nagwala ako sa bahay dahil sa sobrang galit, bakit sa dami-daming tao, bakit si Charlee pa? dahil sa pagod napaupo na lamang ako sa sala, at napansin ko ulit ang envelop na nalaglag kanina. Pinulot ko ito at tuluyang binukasan. Pagkakuha ko ng laman hindi ko maitatangging hindi si Charlee ang nasa larawan, ibang iba sya sa Charlee na kilala ko napaka elegante ng kanyang suot at mas mukhang matured sya sa larawan. Dahil sa galit ko nilukot ko yung picture saka itinapon sa basurahan. Hinding hindi ko mapapatawad si Charlee sa kanyang kasalanan, nagawa nya pa akong paglaruan. Minahal ko sya ng higit kay Shiela, pero sya pala ang dahilan ng pagkamatay ni Shiela. Napakalaki kong tanga hinayaan ko syang paglaruan ako.

"Charlee, hindi dito matatapos ang lahat." 


FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon