Charlee/Samantha POV
Nang magising ako ay nasa hospital na ako at naandun sila Mommy at daddy pati na rin si Kuya Nick, sinabi nila sa akin ang kalagayan ko, at gusto nila akong dalhin sa Amerika upang doon ako magpa opera. Ng nalaman ko ang sitwasyon ko takot na takot ako siguro ito na ang kabayaran sa nagawa kong kasalanan ilang taon ang nakalilipas na. Ng dahil sa aksidenteng iyon ay nakapatay ako. Pero hindi ko pa kayang mawala, hindi ko kayang iwanan si Carter, kahit na alam kong mapanganib ang operasyong ito, pumayag ako dahil gusto ko pang makasama ng matagal si Carter.
"Mom kailangan kong lumabas ng hospital, kailangan kong magpaalam kay Carter" kung nagtataka kayo kung bakit ko sinasabi ito sa aking parents, dahil alam na nila ang nangyari ng sila ay nasa business trip, sinabi ko sa kanila na mahal ko talaga si Carter, wala naman nagawa si dad basta ang sabi niya sa akin ay kailangan ko munang magpagaling bago ako bumalik kay Carter, yun lang ang kapalit na hinihingi sa akin ni daddy.
"Iha, bakit ayaw mo pang sabihin kay Carter ang sitwasyon mo, alam kong maiintindihan ka nya." pagkukumbinsi sa akin ni Mommy.
"Mom, ayokong mag-alala sya sa kalagayan ko, alam ko namang kakayanin ko ang operasyon, sasabihin ko lang sa kanya na magbabakasyon lang ako, and after kong maka recover babalik na ako dito" pagkukumbinsi ko kay Mommy
"Sige na sige na pero magpapasama ka sa kuya mo pag punta mo kay Carter"-Mommy
"Okay, thanks Mom!"
"Nasaan na ba si Kuya Nick?, kanina pa ako ready." bagot na tanong ko kay Mommy, wala si Daddy dito dahil bumalik na sya sa macau dahil my important meeting daw sila, pero uuwi daw kaagad siya.
"Nandito na ko, tara na." aya naman sa akin ni Kuya Nick
"Dominick, ikaw na bahala kay Sam, mag-iingat kayo, bumalik kaagad kayo ha." pahabol ni Mommy, nag kiss lang kami ni Kuya sa kanya saka tuluyan ng umalis.
Xavier POV
Palabas na ako ng Hospital ng makita ko si Lee na may kasamang lalaki palabas na rin ng Hospital, akala ko ba may family gathering sila bakit sa hospital sila nanggaling?
"Hoy, baka matunaw yung chicks na tinitingnan mo!" nagulat naman ako kay Tito Miguel, isa siyang doktor sa hospital na ito na pagmamay-ari namin.
"Tito talaga, hanggang ngayon maloko ka parin" pabirong sabi ko kay Tito
"Sino ba kasi yung tinitingnan mo?" tanong ni Tito sabay lingon kay Lee at sa kasama nitong lalaki
"Pasyente ko pala, tinitingnan mo ha" malokong sabi ni Tito
"kaibigan ko yun Tito." sagot ko naman
"Wait sinong pasyente mo? Yung Lalaki?"tanong ko kay Tito
"Hindi, yung babae si Ms. Samantha."
"Samantha?" pagtataka kong tanong kay Tito dahil sa pagkakaalam ko eh, Charlee ang pangalan nya, bakit Samantha ang tawag sa kanya ni Tito
"Akala ko ba kaibigan mo sya, bakit hindi mo sya kilala, ikaw ha gusto mo lang malaman pangalan nyasa akin eh, hahahaha" pilyong banat ni tito
"Bakit may sakit ba sya?" tanong ko
"ooops bawal kong i-disclose yan Iho, hindi ka naman kamag-anak ng pasyente labag sa rules naming mga Doktor yan."
"Please Tito kailangan ko lang talagang malaman, walang makakaalam kung di tayo lang, sige na Tito minsan lang ako humingi ng favor sayo, tatanggihan mo ba ako?" pagpipilit ko kay tito, kailangan kong malaman kung bakit naandito si Charlee at bakit Samantha ang kangyang ginagamit na pangalan.
"hay naku, ikaw talaga, tara sa office ko tayo mag-usap."
Pagkarating namin sa Office sinabi sa akin ni Tito Miguel ang kalagayan ni Lee, na sobrang ikinagulat ko, bakit hindi ko man lang napansin na may malubhang sakit pala si Lee, kaya pala madalas syang nanghihina o kaya naman ay nahihilo ng mga nagdaang linggo. Nalaman ko rin na anak pala siya ng sikat na negosyante sa buong mundo. Ang pinagtataka ko bakit ibang pangalan ang kanyang ginagamit, may pinagtataguan ba sya o for safety purpose kaya iba ang ginagamit nyang pangalan. Pagkatapos naming mag-usap tinawagan ko ang buong barkada upang masabi sa kanila na magkitakita kami sa bahay ko upang masabi ang kalagayan ni Lee, ngunit si Carter ay hindi sumasagot sa aking mga tawag pati na rin si Migz.
BINABASA MO ANG
Fate
RomanceSamantha Pirrer mayaman, maganda, matalino at sobrang pasaway. What if she made a decision that will change her life? Sa kagustuhan nyang maranasan ulit ang buhay sa labas ng kanilang mansion, nagawa nyang magpanggap bilang si Charlee Gomez. But...