chapter 2

145 10 1
                                    

Kringgggg!!!!!!!!

kringgggg!!!!!!!!!

kringgggggg !!!!!!!!!!!!!

Nagising ako sa ingay ng alarm ko 6:00 am na, inabot ko ito at pinatay,dahil sa sobrang excited ko kagabi masyadong napuyat ako. Sa tingin ko naman masyado pang maaga kaya natulog ulit ako.

Toktok!

toktok!

toktok!

Ano ba yan ang ingay! "Sino yan?!" sigaw ko habang nakapikit pa ang aking mga mata, abala kasi... "Charlee! Akala ko ba my pasok ka ngayon! Anong oras na! malalate ka nang bata ka!"

Shit! napabangon ako sa kinahihigaan ko at tumingin sa oras 7:00 am na pala! shit malalate na ako!

" gising na po manang sige po maliligo na po ako!"

Nagmamadali akong nagshower at ng matapos na ako gumamit na ako ng blower para mabilis na matuyo na ang buhok ko. Kinuha ko ang uniform ko, okay na rin naman sya white long sleeve, bow tie at dark blue skirt and then sinuot ko na ang white High heels ko pagkatapos tumingin ako sa salamin okay na, kahit naman wala akong make-up maganda parin ako, and I think bumagay naman yung long hair ko na medyo wavy ng konti sa uniform ko.

"Manang nandyan na ba yung kotse ko?"

"Ah ung kulay red bang kotse ang sinasabi mo Charlee?"

"opo Manang, sige po aalis na po ako!" tumakbo na ako palabas ng bahay.

" Charlee! bata ka! hindi ka pa nakain!"

" Sa School na po!" at sumakay na ako sa kotse papunta sa School.

Pagtingin ko sa wristwatch ko 7:25 na! Buti na lang naandito na ako sa school. Nagmamadali akong bumaba sa kotse at hindi na ako nakapagpaalam kay Manong driver. Habang naglalakad ako napansin ko naman na ang daming nakatingin sa akin at pinagbubulungan nila ako, pero dahil .nga malalate na ako hindi ko na lang inintindi ang sinasabi nila. dumaretso aako sa office para kunin ang Schedule ko Buti na lang wala ng masyadong tinanong tungkol sa akin.

Nagmamadali akong naglalakad habang hinahanap yung room ko, may 2 mins. pa ako para hindi ako malate. Kaya naman palingon lingon ako sa paligid ko.. Perp napatigil na lang ako, dahil my nakabungguan akong isang gwapong nilalang na amoy kape? ay Shit! natapunan pala sya ng kape. At dahil dito nadumihan tuloy yung damit nya. Mag sosorry sana ako ng napansin kong my sinasabi pala sya kaya pinakinggan ko muna yung sinasabi nya.

"SHIT ANG INIT!!! ANG INIT!!! ANG TANGA TANGA MO NAMAN HINDI MO BA NAKITA NA MAY TAO SA HARAPAN MO!!! NATAPUNAN TULOY AKO NG KAPE! ALAM MO! MAGANDA KA NGA WALA KA NAMANG UTAK! ANO NGAYON ANG GAGAWIN MO? MAGSO-SORRY!?! PWES NGAYON PALANG SINASABI KO NA SAYO APPOLOGY NOT ACCEPTED!!!!" sigaw sa akin ng halimaw na ito.

Ng marinig ko ang mga pinagsisigaw nya sa muka ko, hindi ko na magawang magsorry sa kanya. Dahil napalitan ito ng inis at galit! para bang binihusan ako ng malamig na tubig at natauhan ako. Nung una ang tingin ko sa kanya perfect ng magsalita sya nakakapangilabot at nakakatakot. Pero sino ba sya para katakutan ko? Tumingin ako sa kanya ng diretso at tinitigan.

" ang dami mo namang sinabi...dyan ka na nga, malalate na ako" bulong ko sa kanya.

Sakto naman nakita ko na yung room ko, kaya naman dumaretso ako doon at kumatok. hindi ko na pinansin yung halimaw na yun.Bigla naman nagbukas yung pinto, bago ako pumasok tiningnan ko ulit si halimaw at napatawa naman ako ng nakita ko syang nakanganga saka ako tumingin ulit sa nagbukas ng pinto.

"Come in" sabi ni teacher..Maganda sya at mukang may asawa na."

"Sorry I'm late" kasalanan to ng halimaw na yun!

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon