chapter 13

75 4 0
                                    

Charlee POV

              Hindi ko matanggap na lahat pala ng kabaitang ipinapakita sa akin ni Carter ay pagpapanggap lang. Ako naman si tanga paniwalang paniwala sa mga ginagawa ni Carter. At dahil dun, tumakbo ako palayo sa kanila, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang lahat. Alam pala ni Migz ang lahat, pero bakit hindi nya sinabi sa akin? Ang akala ko pa naman kaibigan na ang turing nila sa akin!

                       Bigla naman akong napatigil sa paglalakad ng napansin kong hindi ko na alam kung nasaan ako, masyadong napalayo ata ako sa kanila, at ang tanging nagliliwanag na lang sa dinadaanan ko ay liwanag na nanggagaling sa buwan. Kaya naman nagmamadali akong bumalik sa dating dinaanan ko.

                       Ilang oras na rin akong naglalakad pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakabalik. Dahil dito napaiyak na ako ng tuluyan, kung hindi ka nga naman minamalas, ako na nga yung ginamit tapos nawawala pa ako ngayon! Dahil sumasakit na yung paa ko,umupo muna ako dun sa malaking bato.

                       Mayamaya nakarinig ako ng sigaw, kaya naman pinakinggan ko kung saan nanggagaling yung sigaw na yun, hanggang sa lumapit na ito ng lumapit sa akin.

"CHARLEE!" parang si Carter yun.

"CHARLEE NASAAN KA NA?" Si Carter nga!

"NAANDITO AKO!" sigaw ko naman para marinig ako ni Carter, sa ngayon dapat isangtabi ko na muna ang galit ko sa kanya ang mahalaga ay makabalik na ako sa site.

              Nagmamadaling nagpunta sa akin si Carter, at ng makita nya ako bigla nya akong niyakap.

"Charlee okay ka lang ba? my maskit ba? sorry,sorry sorry." sunod sunod ang tanong sa akin ni Carter. 

"Carter bakit, mo ginawa sa akin yun? Lahat ba ay pagpapanggap lang?" malungkot kong tanong sa kanya.

"Charlee, I' sorry but please let me explain. Please..." Nagmamakaawa namang sabi ni Carter.

"Okay, sige sabihin mo sa akin ang lahat. Pero wag mong asahan na maiintindihan ko ang mga paliwanag mo." sabi ko naman kay Carter.

                 Sinimulang sabihin sa akin ni Carter ang lahat, kaya nya daw nagawa yun ay dahil sa pagmamahal nya dun sa girlfriend nyang namatay na, at si Xavier daw ang sinisisi nya dahil ito ang my kasalanan kung bakit sila naaksidente, inagaw daw ni xavier yung Girlfriend nya, kaya naman ng nalaman nyang my gusto sa akin si Xavier, dun nya na naisipang maghiganti. 

"Pero Charlee, hindi ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa iyo. Alam ni Migz ang lahat, dahil sinabi ko sa kanya ang plano ko. Wag ka sanang magalit sa kanya dahil sya pa mismo ang pumipigil sa akin para itigil ang panggagamit ko sa yo. Pero Charlee maniwala ka totoo ang nararamdaman ko sayo. Hindi kita pinipilit na maniwala sa akin pero ang masasabi ko lang ay,,, Mahal kita Charlee." Nabigla ako sa sinabi ni Carter, pero alam ko sa sarili ko na mahal ko narin sya, pero hindi madaling magpatawad.

"Tama na Carter, maigi pa itigil na natin ito." Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Carter.

"Wag!"-Carter

"Anong wag? tara na umalis na tayo."

"Wag! wag kang tatayo!" 

"Bakit naman? pwede ba Carter pinagbigyan na kita! pinakinggan ko na yung explanation mo! ngayon naman ako naman yung pakinggan mo!"

"Charlee! wag kang gagalaw! my ahas sa likod mo, paggumalaw ka, baka matuklaw ka!" dahil sa sinabi ni Carter natakot ako at nagmamadali akong tumayo, Bigla naman akong niyapos ni Carter at inikot nya ako, kaya ang nangyari nagkapalit kami ng pwesto.

"Ah!" Bigla naman akong binitawan ni Carter, Medyo itinaas nya yung binti nya sa bato at nakita ko naman na nakakagat pa sa kanya yung ahas, Hinawakan ni Carter yung ulo ng ahas at dahan dahan nyang tinanggal yung pagkakakagat sa kanya. Halos mamatay na yung ahas dahil sa pagkakahawak ni Carter, pagkatapos kumuha sya ng bato at ipinukpok nya ito, hanggang sa tuluyan na itong mamatay.

"Carter okay ka lang ba?!" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako, tara na umalis na tayo dito, masyado ng delikado."

"Pero natuklaw ka nung ahas!"

"Sinabing okay lang ako! Umalis na tayo dito, baka mapahamak ka pa dito."

                 Medyo matagal tagal na kaming naglalakad. Ang sabi ni Carter malapit na daw kami. Kaya naman naglakad lakad pa kami, hanggang sa bigla namang bumagsak si Carter!

"Carter! Anong nangyayari sayo?" pagkapit ko kaay Carter napakainit nya, parang nilalagnat sya!

"Charlee.......Sorry.....hindi ..ko ..sinasadya....sorry...." Nawawalan na ng malay si Carter! ipinatong ko yung ulo ni Carter sa legs ko, saka ko sya tinapik tapik sa pisngi.

"Carter, gumising ka! Carter!!! Tulong! tulungan nyo kami!"

"TULONG! TULUNGAN NYO KAMI!!!!!!!!!!"

Xavier POV

                  Mag-iilang oras narin pero wala pa rin sila Carter at Lee kaya naman hinanap na namin sila ni Candy at Sandra. Si Mila naman naiwanan dahil, inaasikaso nya sila Migz at Gab. Hindi pa man kami nakakalayo nakarinig kami ng sigaw, kaya naman hinanap namin kung saaan nanggagaling yung sigaw na iyon. 

"TULONG!!!  TULUNGAN NYO KAMI!!!!" si Lee yun ah!

                   Nagmamadali kaming pumunta kung nasaan si Lee, at ng makita namin sya, iyak sya ng iyak at si Carter ay nakahiga sa legs ni Lee.

"Xavier! tulungan nyo si Carter!" nagmamakaawang sabi ni Lee.

"Anong nangyari sa kanya?!" Sigaw naman ni Sandra.

"Natuklaw sya ng ahas kanina, ang sabi nya okay lang daw sya pero bigla nalang syang bumagsak, tapos nawalan na sya ng malay! Xavier dalhin natin sya sa hospital!" nag-iiniyak na sabi ni Lee, kitang kita ko kung gaano nya kamahal si Carter, kahit na hindi nya sinasabi, alam ko ang nararamdaman nya kay Carter, dahil ganon din ang nararamdaman ko para sa kanya.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon