chapter 15

40 3 0
                                    

Xavier POV

"KAMI NA!!!!!!!" I can't breathe when I heard Carter said that, hindi ako makakilos sa kinalalagyan ko.

"Congrats pare!" masayang sabi ni Gab.

"Akala ko ba magkaaway kayo?" Sabi naman ni Candy.

"Oo nga? Paano naman kayo nagkabati?" tanong naman ni Mila.

"Alam nyo guys, hindi na importante kung paano kami nagkaayos ni Charlee dahil ang mahalaga mahal namin ang isa't isa. At salamat nga pala sa inyo, dahil sa pangyayaring ito, kaya naman nasabi na namin ang totoo sa isa't isa." nakangiting sabi pa ni Carter.

"Masaya ako para sa inyo, biruin nyo kayo pala ang magkakatuluyan! hahahahaha, bagay na bagay kayo." masaya ko namang sabi sa kanila, pero ang totoo sobrang hirap at sakit ang nararamdaman ko.

"Akala ko ba mahal mo si Lee?" bigla namang extra ni Migz.

"Ah, ayun ba? hindi pa kasi ako tapos magsalita nung nasa camping pa tayo, tama ka Migz mahal ko nga si Lee nung una, pero sa huli narealized ko na nagagandahan lang pala ako sa kanya, akala ko love na! crush lang pala!...at isa pa wala na rin naman akong panahon kay Lee kasi, noong nakaraang taon ko pa na nagplanuhan na bumalik na ako sa Amerika, Talagang tinapos ko lang yung sem na to, kaya naman ngayon aalis na ako at dun ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa Amerika."

         Alam ko sa sarili ko na lahat ng sinasabi ko ay kasinungalingan, pero sa nakikita ko, masaya si Lee sa piling ni Carter, tama na sa akin na makita syang masaya, pero sa susunod kung bibigyan lang ako ng pagkakataon, ipaglalaban ko talaga sya, pero sa ngayon nakikita kong wala na talaga akong pag-asa kay Lee, kaya naman pababayaan ko na lang sila. Siguro ito yung kabayaran sa mga kasalanan na ginawa ko noon kay Carter.

"Hindi ka na ba magpapapigil pa?" sabi naman ni Candy.

"No Canndy, matagal ko na rin kasing gustong umalis."

'Kailan ka ba aalis dude?" si Migz

"hindi ko pa alam. pero this year aalis na ako."

"Buti na lang bago mo maisipang umalis, magkasundo na tayo." sabi naman ni Carter.

"Tama ka Carter, tama ka nga." Nakangiti ko pang sabi kay Carter, pero deep inside nasasaktan ako sa mga ginagawa ko.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon