chapter 3

134 8 0
                                    

Charlee POV

" HOY IKAW BABAE KA! AT ANONG GINAGAWA MO DITO?" sigaw ni halimaw. Natawa na lang ako sa sinabi nya at ikinikilos nya, dahil para syang batang inagawan ng laruan at higit pa sa lahat daig pa nya ang isang babae kung magalit.

At dahil dun nawala ang pagkagulat ko dahil sa katatawa ang cute kasi nya! Ay anong cute ang sinasabi ko ang pangit pala ng muka nya hanggang ngayon sigaw parin sya ng sigaw ako naman napaupo na dahil sa katatawa.

" ANO BA?! BAKIT KA TAWA NG TAWA? SA TINGIN MO BA NAKAKATAWA YUNG GINAWA MO SA AKIN?" sigaw nya ulit, at sa nakikita ko pulang pula na yung muka nya sa sobrang inis at kasisigaw.

Kaya naman natigilan ako sa pagtawa, at napatingin din ako sa paligid ko halos lahat ng tao sa canteen ay nakatingin sa amin. Kaya nakaramdam namam ako ng konting hiya, inayos ko kaagad yung sarili ko, inadyas adyas ko yung damit ko saka ako tumingin sa kanya.

" Parang nabibingi yata ako, pwede bang pakiulit yung sinabi mo parang mali yung pakirinig ko kanina" mahinahon kong pagkakasabi.

" HAY NAKO! BULAG KA NA NGA BINGI KA PA! ANG SABI KO SA TINGIN MO NAKAKATAWA YUNG GINAWA MO SA AKIN KANINANG UMAGA! O AYAN INULIT KO NA BAKA NAMAN GUSTO MO PANG ULITIN KO PA ULIT! PARA SABIHIN KO SAYO HINDI KO NA UULITIN UNG SINABI KO!" hindi ba nahihiya ang halimaw na to hindi ba nya napapansin na marami ng nakatingin sa amin.

"Ay sabi ko na nga ba, hindi ako ung my mali, kung di ikaw" sabay turo ko sa kanya.

"AT BAKIT AKO NAMAN ANG MY MALI DITO" sigaw na naman nya.

"Unang una sa lahat bago sagutin ung tanong mo pwede ba sa susunod wag kang sumigaw nakakairita ka eh. Ika-" putol nya.

"AT BAKI-" tinakpan ko ng kamay ko ang bunganga nya, dahil asar na asar na ako saka sisisgaw ng halimaw na to.

"Bastos ka ba? Hindi pa ako tapos mag-usap diba? Kaya tumigil ka kakausap mo, balik tayo sa sinasabi ko. Yung kaninang umaga, kung di kanaman pala tanga eh di sana naiisip mo na accident lang yung nangyari, sa tingin mo sino bang tao ang nasakatinuan ang gagawin yon? At pangalawa sigurado ka bang ako ang my kasalanan eh paano kung ikaw naman pala ang may kasalanan?"

Migz POV

Ano bang nangyayari dito sa dalawang ito kanina nagsisigawan, ngayon naman parang maghahalikan na sa sobrang lapit ng muka nila sa isa't isa. At isa pa hindi ba nahahalata ni Charlee na hanggang ngayon ay nakatakip parin yung kamay nya sa bibig ni Carter? "Ano bang nangyayari? Magkakilala pala sila" tanong ko kay Candy.

"Aba malay ko ba dyan sa dalawang yan, pero nakita mo naman yung itsura ni Carter, ngayon ko lang yan nakitang kumilos na parang isang bata. Siguro my something dyan sa dalawang yan." Sabi naman ni Candy.

Bigla naman dumating sila Gab, Mila at Xander, kaya naman kinawayan ko sila na pumunta sa pwesto namin.

"So anong kaguluhan ito? At sino yung Girl na iyon?" ginamit pa nya pa yung nguso nya para ituro si Charlee.

"Maganda sya, sila na ba ni Carter?" sabi naman ni Xander.

"Sexy pa!" dagdag pa ni Gab.

" Her name is Charlee Gomez ka tratransfer palang nya dito ngayon at hindi ko rin alam kung anong meron sa dalawang yan."

Nabigla naman kami sa ginawa ni Carter, tinabig nya yung kamay ni Charlee at kinapitan nya ang mga balikat ni Charlee at unti-unting nilalapit ang muka nya sa muka nito. Si Charlee naman ay tila nagulat din sa ginawa ni Carter kaya hindi sya makagalaw. At napansin ko rin nahalos hindi na pala kami humihinga dahil sa pag-aabang kung anong gagawin ni Carter.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon