chapter 5

106 7 0
                                    

CARTER POV

"Doc ano kamusta na si Charlee?"

"Bakit sya nagkaganon?"

"Ano bang problema?"

"My sakit ba sya?"

"Malala na ba?"

Sunod sunod ang tanong namin sa doctor. Hindi namin alam ang gagawin namin dahil naunahan kami ng kaba.

" Teka lang huminahon kayo, okay na ang pasyente buti nadala nyo kaagad sya dito. Ano ba ang huling nakain nya bago sya nagkaganto?" - Doc

"Street foods po Doc" - Xavier

"pero Doc kami rin naman po kumain din, ang dami ko pa ngang kinain, kaya imposibleng yung street foods yung dahilan" sabat ko naman.

"Kaya nagkakaganyan ang pasyente dahil na food poison sya, pero wag kayong mag-alala dahil natanggal na sa sistema nya ang lason. At soft diet muna ang pasyente."

"Doc bakit sya na food poison tapos kami hindi?" - MIgz

"Ah kasi base sa nakita kong test, okay naman sya medyo nanibago lang sya mga pinagkakaain nya sa tingin ko hindi sya sanay kumain ng mga ganong pagkain. Kaya kung pwede wag nyo syang palaging dadalhin sa maduduming lugar. At wag nyo syang pakakainin ng mga street foods dahil para sa mga katulad nya, mabilis syang mafood poison sa mga ganong pagkain at isa pa hindi masyadong malinis ang mga pagkain doon. Kailangan nya ng pahinga masyadong napagod kasi sya. At kung wala na kayong tanong pwede nyo na syang makita sa room A01 ipapalipat ko na sya doon. sige mauna na ako."

"thank you po Doc." -candy

Pagkaalis ni doc saka naman inilabas si Charlee para ilipat sa kanyang kwarto. Kami naman sumunod nalang doon. 

"Hay kaloka, kasalanan pala natin kung bakit sya nagkaganyan." -Mila

"Sana hindi na sya kumain ng Steet foods"- Candy

"Guys wag nyo ng isipin yan ang importante ligtas na sya. Matanong ko alam na ba ng parents nya ang nangyari?"- Xavier

Hindi ako makapagsalita dahil alam ko ako ang my kasalanan kaya nangnyari sa kanya yan. Kung hindi ko sya pinilipt na kumain dapat hinayaan ko na lang sya! Kasi naman bakit sya kumain kung alam nyang magkakaganyan sya. Syempre pinilit mo syang kumain my pa kj kj ka pa dyang nalalaman!. Hindi ko naman kasi alam! dapat nung una pa lang sinabi nya na! kung hindi naman pala sya tanga.! Eh di ba nga magsasalita na sya pero hindi mo sya pinatapos! bastos ka kasi! ayan tuloy ikaw ang my kasalanan! pwede ba tigilan mo na ako! oo na ako na ang my kasalanan.

"CARTER!" nagulat nalang ako ng sumigaw si Candy. Kaya naman napatigil ako sa pag uusap sa sarili ko.

"What?" iritado kong sagot.

""Anong bakit eh kanina pa kami tawag ng tawag sayo, hindi ka man lang sumasagot. Tara na pumasok na tayo sa loob ayos na daw sabi nung nurse." - Mila

Pumasok kami sa loob malawak yung kwartong nilipatan sa kanya pang VIP pala ito.  Hanggang ngayon wala pa rin syang malay.

"oh ano na? natawagan nyo na ba yung parents nya?"- Migz

" teka lang intayin natin si Gab kinukuha nya yung bag ni Charlee sa kotse. "- Xavier

" Andito na ko!" sabay pasok ,naman ni Gab dala ang bag ni Charlee.

Kinuha ni Candy yung bag saka kinuha ang cellphone nito para tingnan ang cellphone number ng parents nya.

" Eh wala naman akong makitang number ng parents nya eh, tingnan nyo no. lang ng katulong nya at driver nya ang nandito kasama na rin yung no. natin." - Candy

"Yung katulong na lang nya ang tawagan mo ipaalam mo kung anong nangyari sa kanya."- Xavier

"okay" sabay dial ni Candy.

"Hello po. Si Candy po ito classmate po ni Charlee. Ah nasa hospital po sya.....ah hindi naman po okay na po sya..opo...opo...sige po..ah teka lang po naandyan po ba yung parents ni Charlee?.....Ganon po ba sige po....opo.......kami na po bahala kay Charlee......bye!"

"Oh Anong sabi nasan daw yung parents nya dadating daw ba? Ano nagagalit ba?" -Migz

"Ah guys ang totoo nyan sabi ng yaya ni Charlee si Charlee lang daw ang nakatira mag isa sa bahay nya, at yung parents daw nya ay wala dun. hinda daw nila alam yung tungkol sa magulang ni Charlee at sila lang daw ang kasama ni Charlee sa bahay, kaya sabi ko, tayo na muna ang mag aasikaso sa kanya. okay lang ba yon guys?"

"Oo naman" sabi naming lahat.

"bukas daw ng umaga pwede na syang lumabas, ang plano ko alagaan mo na natin sya tutal sabado naman bukas. Pero kaninong bahay naman natin sya dadalhin?" - Gab

"Sa amin na lang" Sabi ni Xavier.

"Hindi sa amin na lang tutal ako naman yata ang my .kasalanan kung bakit sya nagkaganyan, para ,naman magkabati na kami. para din makapag sorry na ako sa kanya." walang pasintabi kong sinabi.

"Okay yang plano mo Carter para naman makabawi ka sa mga ginawa mo sa kanya. so ang plano bukas, kanila Carter muna si Charlee hanggang Sunday wag kang mag- aalala Carter pupunta rin naman kami sa bahay nyo.." -Migz

"Ang tanong papayag ba si Charlee sa gagawin natin?"- Xavier

"Ano ka ba wala naman tayong masamang balak sa kanya pati para sa kanya rin naman an,g ginagawa natin." -Mila

"hayaan na muna nating syang magpahinga, mabuti pa umuwi muna kayo ako na ang bahala sa kanya" Sabi ko sa kanila kasi maghahating gabi na rin.

"Magpapaiwan din ako, maigi na yung pagdalawa tayong nagbabantay sa kanya." - Xavier

"sige"

"sige uuna na kami babalik nalang kami dito bukas ng maaga" paalam nila sabay labasng pinto.

Ewan lang pero ang tahimik lang naming dalawa ng makaalis na sila, at napansin ko rin na nakatitig kaming parehas ni Xavier kay Charlee habang natutulog sya. Para syang angel pagnatutulog sya, ang ganda ganda nya. hindi kko alam nakangiti na pala ako habang tinitingnan sya para tuloy akong baliw dito na ngingiti ngiti sa isang tabi.

Paggising ko ng umaga nakita ko naman na naaarawan na pala si Charlee Kaya naman tumayo ako at tinabing ang kurtina, at nagising naman si Xavier.

"gusto mo ba ng maiinom ikukuha na kita"-Xavier

"Sige"

"ikaw na muna ang bahala kay Charlee pag nagising na sya tumawag ka na ng doktor para ma icheck na sya kung okay na sya, then-" 

"sige na umalis ka na. Ako na ang bahala sa kanya. Juice nga pala yung sa akin ha."

Para namang hindi ko alam ang gagawin, ano ako bata. Bigla naman nagbukas ang pinto at isa isa na silang nagpasukan na lumikha ng ingay para magising si Charlee.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon