chapter 9

94 5 1
                                    

Carter POV

         Hindi ko na alam ang gagawin  ko kay Charlee,  sa bawat minutong magkasama kami lagi na lang akong nagugulat sa mga pinaggagawa nya.

        Sa totoo lang talagang napahanga nya Ko kanina,  nung sinagutan nya yung mga problem sa board.  Kaya hindi ko sya pinapansin nung tinatawag nya Ko kanina kasi pinipilit kong sagutan yung problem, pero sa number 3 palang ay nahihirapan na ako.  Samantalang sya hindi na nga sya nakikinig na sagutan nya pa ng saglit lang! Parang hindi nga sya nahirapan ng konti!

           At dahil napahanga nya ako,  nag madali akong umalis,  at lumabas ako para ibili sya ng ice cream sa tapat lang ng school. Sabi ko sa kanya sa canteen na kami magkita.

          Pagdating ko sa canteen wala pa sya, pero mayamaya dumating na rin sya.  Kaya ibinigay ko na sa kanya yung ice cream. Hinihintay ko syang mag Thank you,  pero halos maubos nya na, hindi parin nagpapasalamat! Ang kapal naman yata ng mukha nito!

          Bigla nya namang napansin yung kapit kong papel at tinanong nya kung para saan ito.

"Ah eto ba? meron kasing motorbike Competition manunuod ako. Bakit sasama ka bang manood?" Tanong ko sa kanya, baka kasi gusto nyang sumama di parang date na yun!

"Hindi." Sabi ko na nga ba! Halata na naman sa itsura nya na hindi sya napunta sa mga ganong klaseng lugar.

"Sabagay kababae mong tao hindi nga bagay na pumuta ka sa mga gantong competition."

"Hindi ako manunuod, sasali ako!" 

"What?! ikaw sasali dito? nababaliw ka na ba?" nagulat naman ako sa sinabi nya! Anong sa tingin nya simpleng competition lang ito! Nababaliw na nga talaga si Charlee...

"Trust me at makikita mo ang hinahanap mo. Patingin nga ng rules!" sabay agaw nya sa akin nung pamplet.

       Trust her? hindi ko yata kayang maimagine na si Charlee nakasakay sa motorbike eh mukang hindi nga to marunong gumamit ng bike tapos motorbikes pa! At kung makaasta pa eh parang kabisadong kabisado nya na ang mga paligoy ligoy pagdating sa mga motorbikes.

" Tulungan mo akong mag sign-up ha!" Aba't! sumosobra na to ah! Anong sa tingin nya hahayaan ko syang sumali dun, kahit naman kung maalam sya, delikado pa rin ang competition na ito. Yung iba nga nagkakabali-bali ang buto dahil dito.

"No, tumigil ka na nga, kainin mo na lang yang ice cream mo." hindi porket magaling ka sa math eh magaling ka narin sa motorbikes!

"Kung di mo ko tutulungan kay Xavier na lang ako magpapatulong!" Bastos tong babaeng to! Ako yung laging kasama nya,pagkatapos binilhan ko pa sya ng ice cream! hindi man lang ako pinilit kahit konti! Tapos si Xavier na kaagad yung lalapitan nya!

"My motorbike ka na bang gagamitin? ready ka na ba? Bukas mag-ready ka na. Ako na ang bahala sa mga requirements mo! Ano masaya ka na? Pag ikaw napahamak wag mo akong sisisihin! dyan ka na nga!' Dahil sa sobrang inis ko inawwanan ko na sya. Hindi naman ako papayag na magkaron sya ng utang ng loob kay Xavier, baka mamaya maungusan ako nun, mahirap na.

        Pagbalik ko sa room hindi ko na nakita si Charlee, saan na naman kaya nagpunta yung babaeng yon! Nakita ko naman si Mila na nakaupo dun sa my medyo gitna kaya naman pinuntahan ko sya.

"Mila nakita mo ba si Charlee?"

"Oo kanina."

"Saan mo sya nakita?"

"Palabas na sya ng gate, tinanong ko nga kung bakit sya aalis? Ang sabi nya naman sa akin, my kailangan lang daw syang paghandan para bukas. Tinanong ko ulit sya kung para sa saan naman yun, ang sabi nya naman abangan ko na lang daw bukas. Tapos ayon, nagmamadali na syang umalis."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon