chapter 22

13 3 0
                                    

Xavier POV

Pagdating ko sa bahay naroon na sila Candy, Mila at Gab. Nakaupo sila at masayang nanonood ng movie.

"Oy nandan na kana pala, bakit di ka man lang nagsasalita dyan" Gab

Lumapit ako sa kanila at sumalampak ng upo sa tabi ni Gab.

"Pare ano bang sasabihin mo? Mukang malaki problema mo ah, hahahahaha!" Pabirong sabi ni Gab

"Stop it Gab, nasaan na ba daw sila Carter?" Seryoso kong sabi kay Gab

"Kuya tinawagan ko na si Migz, malapit na daw. Ano bang sasabihin mo? Si Lee ba nasaan na ba daw sya? Tinawagan nyo ba sya?"-Candy

"Wait I'm gonna call her" maarteng sabi ni Mila

"Wag mo syang tawagan, ang sasabihin ko ay tungkol kay Lee, antayin na lang muna natin sila Carter bago sabihin sa inyo ang lahat." Mahinahong kong sabi sa kanilang tatlo

"Tungkol saan ba yan! Na kaka curious naman, dami pang arte sabihin mo na! Hahahaha" Gab

" SINABI NANG MAGHINTAY KAYO! HINDI BA KAYO MARUNONG UMINTINDI!!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman na sigawan ko na sila, na biglang ikinaiba ng atmosphere ng paligid

"Okay bro, chill ka lang" takot na natatawang saad ni Gab

Tinitingnan ko ang orasan ko at mga 15 minutes na kaming naghihintay kanila Carter, panay ang buntong hininga ko, iniisip ko kung paano ko sasabihin sa barkada ang sitwasyon ni Lee.

Napatayo na lang kami ng may narinig kaming nagsisigawan papasok sa loob ng bahay ko, kaya naman dali-dali kaming pumunta roon.

"Carter Putang-ina mo! Bakit mo yun ginawa sa kanya!" Nagulat kami dahil sa ginawang pagmumura ni Migz galit na galit sya kay Carter at kinukwelyuhan nya ito

"Bitawan mo ako! Bagay lang sa kanya yun! Mamamatay tao sya!" Sabat naman ni Carter, hindi na nakapagpigil si Migz kaya naman sinuntok nya si Carter, kaya naman mabilis naming nilapitan ang dalawa upang awatin sila

"Ano bang nangyayari dito Migz!" Sigaw ni Candy

"Tanong mo sa gagong yan!" Sigaw ni Migz habang dinuduro si Carter

"Tama na yan, pumunta kayo sa sala at saka natin pag-usapan yan, para kayong mga bata!" Sigaw ko sa kanila

Pagkarating namin sa sala ay sinabi lahat ni Migz ang nangyari. Lahat kami nagulat sa mga sinabi niya, pero mas lalo akong nagulat ng nalaman kong si Lee pala ang driver ng sasakyang nabangga namin ni Shiela, hindi ko akalain na dito hahantong ang paglilihim ko ng tunay na nangyari ng mangyari ang aksidente.

Tiningnan ko sila lahat at halos lahat sila ay hindi makapagsalita.

"Hindi lang yun ang nangyari kanina" Migz, lahat kami ay napatingin sa kanya

"Anong ibig mong sabihin Migz?" Tanong ni Mila habang umiiyak sya

"Oo, alam kong nagkamali sya, pero Carter kaibigan natin sya, hinayaan mo sana syang mag-explain. Hindi mo ba nakita kanina, hinabol ka nya Carter hanggang sa hindi na kayanin ng kanyang katawan, hindi ka man lang ba naawa sa kanya? Ng puntahan ko sya may lalaking nagmadaling pumunta sa kanya, at ng malapit na ako sa kanila, kinarga nya si Lee dahil wala na itong malay, kinausap ko sya ang sabi nya, wag na daw nating malapit lapitan si Lee, kaya naman wala na akong nagawa kung di sumunod na lang kay Carter papunta dito" seryosong sabi ni Migz

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon