CHAPTER 1

219K 2.9K 60
                                    

"Vacation leave for two months..."

Dumagundong sa loob ng opisina ko ang aking boses, sabihin ng OA ako pero yun ang paraan ko para sabihing imposible ang hinihingi sa akin ng executive assistant kong si Daniel.

" President Bryle my wife needs me."

" So do I... "

" Sir...Its just for 2 months."

" No... one week.... But two months thats a big no... alam mo namang dahil sayo kaya nagiging mas madali ang trabaho ko... kapag wala ka papano na ako."

EA ko si Daniel ng mahigit limang taon na, mula ng maupo akong president at CEO ng kompanya na pagaari ng pamilya ko, sya na yata ang pinaka efficient na empleyado ko wala syang hindi kayang gawin pagdating sa trabaho, kaya nyang patakbuhin ang kompanya kahit wala ako, pero ako pakiramdam ko ay hindi ko kaya kapag wala sya, kaya hindi ko maaring ibigay ang gusto nya.

"Mr. President hahanapan ko po kayo ng makakapalit ko pansamantala." apila ni Daniel.

" Kung hindi rin lang sya kasing galing mo... wag na."

" Mas magaling pa sya kaysa sa akin..."

Iniaangat ko ang tingin ko mula sa papel na binabasa ko at tiningnan sya.

" Mas magaling pa kaysa sayo...?" hindi ako makapaniwala sa sinabi nya,  sya na kasi ang pinaka magaling para sa akin.

" Yes Boss... kaya nyang gawin ng mahusay ang trabaho ko... kahit pa ang trabaho nyo... dati syang nagtrabaho bilang Vice-president for operation sa isang malaking kompanya."

" Dating Vp tapos magiging EA ko, lang niloloko mo ba ako Niel."

" No... nagresign na kasi sya dun sa dati nyang pinagtatrabahohang kompanya kaya wala syang trabaho ngayon."

" Bakit sya nagresign.?"

"Mahabang kwento Boss..."

" Its still a no Neil... alam mo kung gaano kasilan ang trabaho mo hindi lang kita EA dito sa kompanya kundi pati sa personal na buhay ko rin, kaya hindi ko pweding ipagkatiwala sa iba ang trabaho mo."

" Tulad ko mapagkakatiwalaan mo rin sya kaya nya ring ihandle pati ang mga personal affair nyo.... Bryle please.. nakikiusap ako sa inyo dalawang buwan lang... mahigit limang taon na akong nagtatrabaho sa inyo ngayon lang ako humingi ng ganito kalaking pabor sayo, dalawang buwan lang naman... hindi mo ba ako mapagbibigyan...?"

Bakas ko sa mukha ni Daniel ang sensiredad ng kanyang sinasabi tama sya ngayon lang sya humingi ng pabor sa akin.

Napabuntong hininga ako.

" Okey fine... bring him to me at kikilatisin ko."

Nakita kong nagliwanag ang mukha nya, pero agad din iyong naglaho.

" Boss... hindi sya lalaki..."

" Wha.... Daniel... alam mong ayaw ko ng babaing katrabaho how much more ng EA..."

" Boss hindi nga sya lalaki... pero hindi rin sya babae..."

" Lalo ng ayaw na ayaw ko sa mga bakla... gusto mo bang ma rape ako ng di oras..." napatayo na ako sa upuan ko.

" Hindi rin ho sya bakla."

DANICA'S POV

" What.... ako lesbian.... kuya naka drugs ka ba.?" halos tumilapon ang kaping tinitimpla ko para sa kapatid ko na himalang bumisita sa akin sa condo ko.

" Baby please just for two months."

" Shut up kuya sabi ko naman sayo wag mo na akong tatawaging baby 26 years old na ako for god sake..."

" Sorry naman nakalimutan ko na kahit 26 years old ka pa lang pero ang isip mo pang 40 years old na.... hirap mgkaroon ng kapatid na genius."

" Gifted kuya... gifted ako hindi genius."

" Ok fine whatever.... so ano... pumayag ka ng maging EA ni Bryle for two months."

" Ayaw ko...."

" Sis... pagisipan mo to... magiisang buwan ka ng walang trabaho ... may binabayaran kang condo, may hinuhulugan kang sasakyan, may pinapakain kang mga aso... malaking tulong sayo ang sasahurin mo kay Bryle 100k a month din yun.

" Ganun kalaki ang sahod mo sa lalaking yun bilang EA...?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni kuya.

" Yes... at buo yan walang bawas plus 1k allowance per working days at double pay pa yan pag lumalabas kami ng bansa."

" Kaya naman pala mas mayaman ka pa sa akin eh EA ka lang samantalang ako VP..."

" So ano payag ka na."

" Hindi pa rin... I have my part time jobs, college prof ako, tutor, at on call accountant.... kaya pa akong buhayin ng mga trabaho kong yun... at yung sasakyan ko pinagiisipan kong isurender yun kaya ko namang mag commute."

" Sis... come'on... pumayag ka na.... sa trabahong inooffer ko sayo mapagtataguan mo pa rito yung Troy na yun ng hindi ka nagkukulong dito sa condo mo."

" Kuya hindi ko sya pinagtataguan ayaw ko lang syang makita."

"Pareho din yun.... teka lang bakit ba ayaw mong magtrabaho kay Bryle... di ba crush na crush mo sya noon..."

Kumabog bigla ang dibdib ko... ipaalala ba kasi sa akin yung kabaliwan ko noon sa kaibigan nya na ngayon ay boss nya ng si Bryle Lee.

" Wag mo ng ipaalala sa akin yun... matagal na yun..."

" Danica... seryoso na ito... please nakikiusap ako sayo... malapit ng manganak ang ate Vanessa mo at gusto ko syang personal na alagaan bago at pagkatapos nyang manganak, pero ayaw akong bigyan ni bryle ng bakasyon, ng walang nakukuhang pansamantalang kapalit ko."

" At ako ang naisip mo, ganun.?"

" Dahil ikaw lang ang alam kong may kakayahang gawin ang trabaho ko.... sis....please dalawang buwan lang para sa akin at sa ate Vanessa mo at sa magiging anak namin nakikiusap ako sayo."

Naipadyak ko ang mga paa ko... yun kasi ang kahinaan ko ang pamilya ko.

" Kuya naman eh...nakakatakot kaya yung boss mo... at isa pa bakit kailangan kong mag kunwaring lesbian... sa ganda kong to gagawin mo lang akong tomboy."

" Mabait si Bryle... medyo mainitin nga lang ang ulo pero lahat naman yata ng boss ay ganun maliban siguro dun sa Troy mo kaya ka nga na in love sa kanya di ba.?"

" Wag mo ng ipaalala please..." sabi ko.

" Sorry..... kailangan mong magkunwaring lesbian kasi ayaw nya sa babae... lahat kasi ng naging empleyado nyang babae ay kung hindi nagpapa cute sa kanya, ngpapapansin the worst is nilalandi sya at ayaw nya ng ganun..."

" Ang kapal naman yata ng boss mong yan."

" Hindi... habulin lang talaga sya ng mga babae.. magandang lalaki kasi..at tungkol naman sa kagandahan mong yan... mapaparaanan natin yan."

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon