CHAPTER 11

83K 1.8K 13
                                    



DANICA POV


Magiisang oras na mula ng umalis sina kuya Daniel at Bryle pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik... napatulog ko na ang munting anghel ni kuya at dinala na sya ni ate nessa sa silid nila pero wala pa rin ang dalawang lalaki.

Inutusan na ni ate Nessa ang katulong nila para ihanda ang mesa doon na raw kasi kami maghapunan ni Bryle... sakto naman pagkatapos maihanda ang mesa ay dumating na ang dalawa.

Napansin ko ang kakaibang ngiti ni kuya at ang nakakalokong tingin nito kay Bryle. Si Bryle naman ay tila hindi mapakali, panay ang tingin nito sa akin at napaka atentive din nito sa pagsisilibi sa akin habang kumakain kami. Hindi ko maiwasang mailang lalo pa at kaharap namin si kuya Niel.

 Nagpalipas lang kami mg mga fifteen minutes pagkatapos kumain saka kami nagpaalam... inihatid ako ni Bryle sa condo ko... hindi ko na nga sana sya pinapababa sa sasakyan nya pero mapilit syang ihatid ako hanggang sa unit ko kaya nahiya naman ako na hindi manlang sya ayain sa loob para magkape.

" are you done packing.. ? " tanong nya sa akin habang nagkakape, nasa magkabilang dulo kami ng mahabang sofa.

" kahapon pa..." sagot ko.

" i'll pick you up at 8 tomorrow."

" out of way ako so...magtataxi na lang ako magkita na lang tayo sa airport."

" no... susunduin kita... "

" okey..." yun na lang ang nasabi ko alam ko naman kasing hindi ako mananalo sa kanya.

kapwa kami natahimik.... pinakiramdaman ko sya.... kahit hindi ako nakatingin sa kanya ramdam ko na nakatingin sya sa akin... narinig ko rin na marahan syang bumuga ng hangin mula sa kanyang bibig... bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan...

" kumusta ka na...?" tila pabulong na sabi nya.

Base sa tono ng pagkakatanong nya ay alam kong may ibang ibig sabihin ang tanong nyang iyon.

Tumingin ako sa kanya.

" excuse me..?" sabi ko na ibig sabihin hindi ko alam ang ibig nyang sabihin.

" kumusta na yang puso mo.. masakit pa rin ba...?" tila tumigil sa gitna ang paghinga ko, hindi ako handa sa tanong nyang yun... hindi agad ako sumagot... sinuri ko muna ang sarili ko... ang puso ko... gusto ko ring makatiyak kung ano bang talaga ang lagay niyon.

" i think masakit pa rin maybe  4 months is not enough to heal the wounds..." yun ang totoo.

" that makes me want to kill him..."

Bigla akong napatingin sa kanya nakita kong nakakuyom ang kamao nya, nagiba ang tibok ng puso ko.

" Ano bang pwede kong gawin para mawala yan...?"

" i don't know... dahil kung alam ko matagal ko na sanang ginawa... ang alam ko lang ngayon ay gusto kong bawiin ang lahat ng ibinigay ko sa kanya... buhay ko... puso... pagkatao ko... at dangal ko..." naramdaman kong nagkaroon ng bikig sa lalamunan ko... alam ko naiiyak na naman ako, kaya isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa, tumingala ako at pumikit.

" pero alam kong imposible yun...that's why i wanna pull him down and crush him...gusto ko syang pabagsakin..... if only i could..." doon na tuluyamg bumagsak ang mga luha ko... pumikit na lang ako... alam ko kasing hindi ko kayang gawin yun...kahit gaano pa kasama ang ginawa nya sa akin, kahit gaano nya pa ako sinaktan hindi ko pa rin kayang maging masama sa kanya...."

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Bryle... naramdaman ko na lang na hawak nya na ang kamay ko... marahang pinupunasan ng kamay nya ang mga luha sa aking pisngi.... tapos kinabig nya ako papunta sa kanyang dibdib at niyakap... the moment na nakulong ako sa mga bisig nya ay untiunting gumaan ang pakiramdam ko, pero kapalit naman nito ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Why it is feels so right to be in his arm. Ang init ng mga yakap nya ay tila nagsasabing everything gonna be alright.

" i' m sorry... hindi na ako dapat nagtanong..." sabi ni Bryle.

" no... wala kang kasalanan.." kumalas na ako mula sa pagkakayakap nya... pero muli nyang hinawakan ang kamay ko.

" danica... gusto kong malamam mo na nandito lang ako... nakahanda akong tulungan ka na kalimutan sya... at lahat ng masasakit na ginawa nya sayo... kung hahayaan mo lang ako..."

Hindi ko man maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Bryle tumagos pa rin yun sa puso ko ramdam ko kasi ang sincerity nya.

" Salamat Bryle... pero kaya ko na to... at pasensya ka na ha... lagi na lang akong nagiging OA kapag napaguusapan si troy... pero at least hindi na kasing OA noon..." at pilit akong ngumiti.

" oo nga kasi hindi mo na binasa ang damit ko ng mga luha mo." nakangiti ring sabi nya.

" nahihiya na rin kasi ako sayo."

Muli kong isinandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa at muli akong pumikit... hawak pa rin ni bryle ang kamay ko at hindi naman ako nagreklamo nasanay na yata ako na lagi nyang hawak ang kamay ko mula kasi ng magkunwari kaming magkasintahan ay yun na ang ginagawa nya tuwing nasa mga public places kami lalo nasa loob ng building ng opisina.

Bigla kong naalala na maaga nga pala kami bukas kaya bigla kong inangat ang ulo ko at humarap sa kanya pero gayun na lang ang gulat ko pagdilat ko, dahil magkalapit na magkalapit ang mga mukha namin...bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

nagkatitigan kami... hindi ko makuhang lumayo at mukhang wala rin syang balak dahil sa halip ay lalo pa nitong inilalapit sa akin ang mukha nya hanggang sa naramdaman ko na ang init ng kanyang hininga sa labi ko... palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko halos mabingi na ako sana lang hindi nya naririnig yun.

At ng maglapat ang mga labi namin ay tila isang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko... ilang segundo rin na magkadikit lang ang mga labi namin bago ko naramdaman ang pagkilos ng labi nya... his lips taste so sweet na halos nagpaparalisa hindi lang katawan ko kundi maging ang isip ko hindi ko kayang lumayo pero hindi ko rin magawang tugunan ang halik nya napapikit na lang ako at hinayaan syang paglaruan ang mga labi ko...

After a minute or so ay hindi ko na napaglabanan ang damdamin ko, nalaman ko na lang tinuTugunan ko na ang mga halik nya, puno ng emosyon ang halik nya na sinasabayan ko naman, kusa kong ibinuka ang ibig ko upang tuluyang bigyan kalayaang ang mga dila namin na makipaglaro sa isat isa.  

After a few more minutes of kissing passionately ay magkasabay naming narealize kung ano ba ang nangyayari, kaya mabilis kaming naghiwalay... pero hawak pa rin nya ang nanginginig kong mga kamay. Wala sa aming nagsalita basta nagtitigan lang kami, kapwa may gustong sabihin ang mga tingin namin,pero wala sa aming gustong magsalita.

After a minute more ay binitiwan nya na ang kamay ko at tumayo na sya.

" i think i have to go maaga pa tayo bukas." sabi nya.

"Okey.." sabi ko, nakatingin pa rin ako sa kanya.

Ipinasok nya sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon ang kanyag dalawang kamay at Naglakad na sya papunta sa pinto... sumunod ako sa kanya ng makalabas na sya ay humarap syang muli sa akin, bago ko pa maisara ang pinto.

" nix... about the kiss.. i will not say sorry for it... and i cant promise that it will not going to happen again... goodnight..." at tuluyan na syang umalis ako naman ay naiwang nakatulala at malakas ang kabog ng dibdib.


MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon