CHAPTER 3

102K 2K 16
                                    

DANICA'S POV

Ang unang araw ko ng pagiging EA ay hindi naman naging ganun kahirap kaysa sa inaasahan ko... nag timpla lang naman kasi ako ng kape at nag encode ng mga figures sa computer na naging madali lang naman para sa akin kasi sanay na ako sa ganung trabaho.

Ang mga sumunod na araw ang medyo stressful na mula kasi sa pag aayos ng schedules ni Bryle, pagremind sa kanya ng mga meetings nya, pakikipagusap sa mga taong kailangan nyang imeet... at pagsama sa kanya sa mga meetings nya ay ako ang personal na nagaasikaso...sa akin din dumadaan ang lahat ng papers na pa punta sa kanya at kailangan kong itseck yun ng isaiasa, pati pagbayad sa mga bills nya sa mga condo at bahay nya pati telephone bills, credit cards at kung ano ano pang bills ay ako rin ang nagaasikaso,... at pati pag grocery at pagbili ng damit nya ako pa talaga.... dalawang linggo pa lang ako sa trabaho ko pero pakiramdam ko isang buwan ko ng kasama si Bryle, 9am-9pm ang trabaho ko sa kanya monday-friday... Saturday tatawagan ko ang house keeper nya para sa listahan ng mga kailangan nya sa condo nya at mga bills na kailangan kong bayaran... salamat na lang at ipinaubaya nya na sa akin ang linggo.

Pero tama si kuya sa loob ng dalawang linggo ay kinasanayan ko na ang minsan ay pagiging masungit at mainitin ng ulo ni Bryle... kinasanayan ko na rin ang pagaayos at pagkilos lalaki... medyo umiiwas nga lang akong mapalapit kay Bryle kasi kapag nadidikit ako sa kanya para akong nakukuryente at nakakalimutan kong lesbian nga pala ako. Tulad na lang ngayon magkasama kami sa loob ng limo nya may pupuntahan kasi kaming meeting, amoy na amoy ko ang pabango nya nanonoot ito sa ilong ko, at lumapit pa talaga sya sa akin may ipinapakita kasi sya sa akin sa laptop nya, business proposal yun para sa ka meeting nya.

" What do you think of this Dani, " sabi nya habang may itinuturo sya sa laptop nya..ang lapit lapit nya sa akin halos naamoy ko ang mabango nyang hininga... magkadikit rin ang mga braso namin, para akong nakukuryente na hindi ko maintindihan... wala ring pumapasok sa utak ko.

" Dani..." sabi nya para pukawin ang atensyon ko.

" ah...sir .."

Mabuti na lang at biglang nag ring ang cellphone nya.

" shit .!" sabi nya sabay takip sa speaker ng phone nya para hindi marinig ang pagring nun...ng matapos ang tawag ay isinilent nya ang phone nya.

Muli ay may tumawag pero naka vibrate na lang iyun.

" Sir... bakit hindi nyo sagutin. " sabi ko.

" Hayaan mo lang yan... ang Mommy ko yan... kukulitin na naman ako nyan."

Nakailang tawag din ang Mommy nya bago ito tumigil.

" Salamat nagsawa rin." sabi nya.

Ilang minuto rin ang lumipas ng ang service phone naman ng kompanya na hawak ko ang tumunog, Mrs Lee ang caller... ipinakita ko iyun kay Bryle.

" Ano ba yan...." nangigil na sabi nya.

" Sagutin mo... wag mong sabihing magkasama tayo ang sabihin mo nasa meeting ako."

Sinagot ko nga ang tawag pero ini loud speaker ko para marinig nya rin.

" Hello Madame good morning." sabi ko.

" Hello... sino ka... nasaan si Daniel... " sabi ng ma awtoridad na boses ng isang babae.

" Ah madame naka leave po si sir Daniel..."

" And who are you..?"

Bago pa ako makasagot ay biglang inagaw ni Bryle ang cellphone mula sa akin.

" Hi... mom... sorry... i'm in a middle of a meeting kaya hindi ko nasagot ang tawag nyo... naka leave si Niel..."

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon