CHAPTER 4

110K 2.1K 44
                                    

DANICA' S POV

Nabangit na sa akin ni kuya ang tungkol sa sinasabing mga babae ni Bryle pero hindi ko yun pinansin, subalit ng marinig ko mismo mula kay Bryle iba ang naging dating sa akin bigla kong naalala si Troy.

Pareho lang sila Bryle.... akala ko iba si Bryle wala naman kasi akong nakikitang babae nya... pero mismong sa bibig nya nanggaling lahat ng lalaking katulad nya ay meron nun.

Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako... or maybe its because of Troy... nasasaktan pa rin ako dahil sa kanya... yes its all because of him... akala ko nakapag move on na ako pero hindi pa pala at pakiramdam ko mas lalo akong masasaktan ngayon dahil araw araw ko syang makikita kay Bryle... magkaparehong magkapareho sila parehong Presidente ng isang kompanya ang pagkakaiba nga lang mas malaki ng apat na beses ang Lee groups kaysa sa JB pareho silang mainitin ang ulo, parehong subsub sa trabaho at higit sa lahat parehong may harem.

Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha mula mga mata ko... agad ko iyung pinunas.

" Okay ka lang..." tanong ni Bryle.

" ha...oo... naman... hindi lang ako sanay ng naka makeup kaya naluluha ako sa eyeliner.." Pagsisisnungaling ko.

" Here...use this..." at iniabot sa akin ang panyo nya.

" No okay lang ako may tissue naman ako rito." at kumuha ako ng tissue at pinusan ang mata ko.

Ang buong byahe papunta sa airport ay binalot ng katahimikan wala sa aming nagsasalita ni Bryle, nakatingin ako sa labas ng bintana samantalang si Bryle may ginagawa sa laptop nya.

Pagdating namin sa airport at inayos ko ang sarili ko bago kami bumaba.

Naka light pink mini dress ako na above the knee at medium heels sandals.

Ipinagbukas ako ng pinto ni Bryle at inalalayan ako sa pagbaba... tila nakuryente ako ng dumikit ang kamay nya sa siko ko kaya lumayo ako ng kunti sa kanya, pero bigla nya akong hinawakam sa kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin, ng tinangka kong bawiin ang kamay ko ay hinigpitan nya ang pagkakahawak rito.

Magsasalita sana ako pero may kinawayan si Bryle isang babae... napakaganda nito kahit may edad na at napakasopistikada nitong kumilos, may kasama itong isang singkit na matandang lalaki.

" Mom... dad... " sabi ni Bryle sabay halik sa pisngi ng babae na tinawag nyang mommy at nagyakap namam sila ng lalaki.

" I miss you son..." sabi ng mommy nya.

Inakbayan ako ni Bryle.

" Mom... dad... this is Danica Castro girlfriend ko."

Ibinukas ng mommy nya ang mga bisig nito at niyakap ako.

" Hello... nice meeting you Danica..." nakangiting sabi nito.

" Nice meeting you too po madame." sabi ko.

Ganun din ang ginawa ng daddy niya.. niyakap din ako nito.

" Hello...hello... your so beautiful.."

" Thank you sir...." sabi ko.

Magkakasama kaming sumakay sa sasakyan, magkakaharap kami ng upuan... magkatabi kami ni Bryle magkatabi naman ang mommy at daddy nya, sa buong byahe papunta sa bahay nina Bryle ay hawak niya ang kamay ko... panay naman ang kwento ng mommy nya tungkol sa trip nila.

Sa bahay na nila kami kumain ng tanghalian, pagkakain namin ay may pinagusapan sa loob ng isang silid si Bryle at ang daddy nya kaya kami ng mommy nya ang naiwan sa sala...

" Castro ang apelyedo mo di ba..?"

" yes maam..."

" Oh no... dont call me maam mas gusto ko ang mommy or tita... Castro kaano ano mo si Daniel...?"

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon