CHAPTER 24

76.1K 1.4K 8
                                    


Nanghihina ang mga tuhod ko na napaupo ako sa kama, sya namang pagpasok ni Bryle sa silid.

" Hey hon... ano yan.?" tanong nya, at lumapit sya sa akin para tingnan ang hawak kong folder.

At mukha talagang wala sya kaidi ideya kung ano ang laman ng folder na yun. Hindi ko na napigilan ang sarili ko ibinato ko sa kanya ang folder.

Marami akong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko.

Binuklat buklat nya ang laman ng folder.

" Shit!. saan mo nakuha to.?" hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya, kinuha ko mula sa drawer ang mga kahon ng condom at ipinagbabato sa kanya, na hindi nya man lang inilagan.

" i hate you.!" yun lang ang sinabi ko at tumakbo na ako palabas ng silid, naiiyak na kasi ako.



BRYLE'S POV


Hindi agad ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko, hawak ko ang folder ng mga naging babae ko, at nakita yun ni Danica. Shit! pano ba kasi to napunta sa kwarto ko, akala ko itinapon na yun ni Daniel.

Si Danica galit na galit sya. Noon lang ako nakakilos para habulin sya, pero wala na sya, pagkabas ko ng penthouse ay pababa na ang elevator. Naibato ko ang hawak kong folder, kailangan kong magpaliwanag sa kanya, pero papano.?



DANICA'S POV


Hindi ko alam kong papano ako nakarating sa condo ko, hindi ko rin alam kung papano ko nagawang pigilan ang mga luha ko, ang sakit sakit ng dibdib ko.

Bakit ganun ang nararamdaman ko.? alam ko naman noon pa na babaero si Bryle, dapat expected ko na yun.

Mahigit isang oras na akong nakatulala, patuloy sa pagpatak ang luha ko, na lowbat na ang celfone ko dahil sa katatawag at katetext ni Bryle, namamaos na rin ang doorbell sa unit ko, alam kong si Bryle ang nasa labas, at hindi ko pa sya kayang harapin ngayon.


Kinabukasan tumawag si tita Bree ang mommy ni Bryle pinaghahanda ako, may pupuntahan daw kaming party.

Gusto ko sanang tumangi, pero ayaw kong idamay sila sa problema namin ni Bryle, napakabuti sa akin ng parents nya at gusto kong gantihan sila ng kabutihan din.


kinagabihan ay magisa akong pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang birthday party ng isa sa mga kilalang tao sa business comunity. Doon na lang daw kami magkikita ni tita bree.

pagdating ko sa venue ay marami ng bisita agad kong nakita sina tito Brian at tita Bree at agad akong sinalubong ni tita.

" Nasaan ba si Bryle, hindi ko sya makontak mula pa kahapon, nagaway ba kayo." tanong agad sa akin ni tita.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong na yun ni tita Bree, napakabait nya sa akin at hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.

"Kunting miss understanding lang po." nakayukong sabi ko.

" Dahil ba yan sa mga babae nya.?'

Hindi aku kumibo, baka kasi maiyak na nman ako.

Hinawakan ni tita Bree ang kamay ko,

" Hay naku pinagdaanan ko rin yan sa tito Brian mo. Magusap tayo mamaya. Sa ngayun kalimutan mo na muna ang problema, lets enjoy the party comeon ikaw muna ang representative ni Bryle ngayon, ipapakilala kita sa mga player ng business world."

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon