CHAPTER 11

88.6K 1.9K 42
                                    



The next two weeks ay naging napaka busy para sa amin ni Bryle.

Meeting dito meeting doon.... we spend almost half of our time sa loob ng conference room nakikipagmeeting through skype sa mga staff nya all over the world... lahat ng mga papel na kailangan nyang pirmahan ay dumadaan muna sa akin, sa akin na rin nakikipagusap ang mga empleyadong may kailangang papirmahan o ibigay sa kanya, mas madalas rin ako sa opisina nya kaysa sa opisina ko, dahil madalas nyang hingin ang opinyon ko sa mga business transaksiyon na kailangan nyang pagtuunan ng pansin.

" Are you ready for tomorrow...?"

" yes...."

Pinaguusapan namin ang flight papuntang new York.

" Good....i think kailangan nating umuwi ng maaga ngayon."

" i don't think so... ang dami mong kailangang tapusing trabaho ngayon... since ilang weeks din tayong mawawala..."

" yes boss..." pabirong sabi nya.

" pero pwedi bang mauna na ako sayo kasi kailangan ko pang dumaan kay kuya Daniel may mga ibibilin kasi ako sa kanya."

" you wait for me sasamahan na kita." sabi nya.

" wag na tapusin mo na yan magtataxi na lang ako..."

" there's no way nA ang girlfriend ni Bryle Lee ay sasakay ng taxi..."

" wag kang OA president lee...  i can even ride a jeep if i want to."

" there's no way that my girlfriend will ride a jeep... nakabandera na sa lahat ng pahayagan ang mukha mo bilang girlfriend ko sa palagay mo ba walang magkakainteres na kidnapin ka..."

" ay oo nga pala ano... bakit ba hindi ko naisip yun... wala pa naman akong pantubos sa sarili ko... "

" mabuti kong ipapatubos ka lang dahil kahit ilang milyon magbibigay ako... pero pano kung may gawin silang masama sayo."

Napatingin ako kay Bryle.

Tiniklop nya ang folder na hawak nya. Tumayo sya at inayos ang damit nya.

" Lets go." sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Hanggagg makababa kami ng ground floor ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakahanda si Bryle na magbigay ng ransom kahit ilang milyon para sa akin.




Nadatnan namin si kuya Daniel na syang nagaalaga sa 2 weeks old niyang anak, nasa banyo daw kasi ang asawa nya... naiiling na natatawa si Bryle sa hitsura ng kapatid ko na best friend nya.

" Mr president wag mo akong pagtawanan ang dapat kaingitan mo ako kasi ang sarap maging daddy Bryle... hinding hindi ko ipagpapalit ang pagiging daddy kahit sa isang multi billion na kompanya."

" not yet niel... hindi pa ako nababaliw..."

" how about you sis...? " tanong sa akin ni kuya... tiningnan ko ang munting anghel na hawak hawak ko...

at hindi ko inaasahan ang labas sa bibig ko.

" sana pala nagpabuntis... na lang ako kay troy... napakinabangan ko sana ang gagong yun..."

Nakita kong nagkatinginan sina kuya at Bryle...

" Eh di sana may asawa kang gago..." si kuya...

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon