DANICA'S POV
7:30 pm patungo na kami ni Bryle sa testaurant na sinabi ng mommy nya... sya ang nagmamaneho, tinanggal nya na ang coat nya at bahagya na ring naka lose ang necktie nya, pagdating namin sa restaurant ay nandun na ang parents nya...kunting kwentohan then isinerve na yung pagkain namin...
" Bryle bakit hindi ka na lang muna kumuha ng ibang EA para bigyan mo na ng posisyon sa company itong si Danica... " sabi ng daddy niya.
" dad... paguusapan pa ho namin yan... at tulad ng nasabi ko kanina sa board... gusto ko muna syang masolo." at tumingin sa akin si Bryle bigla na namang naginit ang mukha ko at kumabog ang dibdib ko.
" Mahal... hayaan mo na nga muna yang anak mo at si Nica..." ang mommy nya.
" okay... pero yung sa New York... kayo ang magaasikaso nun... gusto ko pumunta na kayo roon next week .
" okay dad..." sabi ni Bryle.
Palihim kong kinurot ito sa hita para sabihin dito na hindi ako pweding sumama... pero hinawakan nito ang kamay ko pinagsalikop ang mga daliri namin at dinala iyun sa ibabaw ng mesa. ang siste naka holding hands kami habang kumakain... mabuti na lang at patapos na kaming kumain... at hindi nya ito binitiwan kahit nung isenerve na yung coffee namin.
At habang nagkakape ay pinagusapan namin ang magiging plano pag punta namin ng Newyork ng may marinig akong isang pamilyar na boses mula sa likuran ko... kilalang kilala ko ang boses na yun, pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Bryle kaya napatingin sya sa akin... mula sa gilid ng mata ko ay may nakita akong naupo sa katabi naming mesa... pinigilan ko ang sarili kong lumingon.
" What do you want girls...?" narinig kong sabi ng pamilyar na tinig sa katabing mesa.
" Anything troy... ikaw ng bahala babes." sabi ng isang malanding boses ng babae.
so confirm its him... Troy Balesteros ang gago kong ex... umusog si Bryle palapit sa akin... hinalikan nya ang kamay ko...it gives me quiver... enough to divert my attention to him... pero sandali lang yun dahil naramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin.
" hmm...excuse me punta lang ako ng rest room." sabi ko.
" go ahead iha..." sabi ng mommy ni Bryle.
Hindi agad binitiwan ni Bryle ang kamay ko... tiningnan ko sya.
" cr lang ako.." sabi ko.
" sasamahan kita...' sabi nya.
" okay lang ako..." sabi ko.
" Bryle iho... let go of her... hindi naman yan mawawalang girlfriend mo dyan sa cr... " sabi ni tita Bree.. mommy ni Bryle.
Ng binitiwan ako ni Bryle ay kinuha ko ang bag ko at nagmamadali akong pumunta ng cr.
BRYLE'S POV
Habang hawak ko ang kamay ni nica sa ibabaw ng mesa ay naramdaman ko ang biglaang pagiging uneasy nya, naramdaman ko ring naging mahigpit ang hawak nya sa kamay ko... lalo syang mahing uneasy ng may umupo sa katabi naming mesa... isang lalaki na may kasamang mga babae...nakilala ko ang lalaki... ang dahilan ng pagiging uneasy nya si Troy Balesteros.
Hinila ko ang upuan ko palapit sa kanya pinagdikit ko ang ka balikat namin... tapos hinalikan ko ang kamay nya para madistract sya... pero hindi lang yata utak nya ang matalas kundi ang pakiramdam nya rin,... ng maramdaman nyang nakatingin sa kanya si Troy ay nagpaalam syang pupunta sa cr... gusto ko sana syang samahan pero ayaw nya... sinundan ko na lang sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa cr.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN
Romance" i will give you two hours para pagisipan ang proposal ko then gumawa ka ng listahan mo ng sarili mong mga kundisyon tapos iemail mo sa akin give me one hour to think about it then magkita tayo sa conference room ng 12 oclock para pagusapan ang kon...