SPECIAL CHAPTER

104K 1.9K 106
                                    

AN///Ito na po yun ang hinihintay ng lahat na special chapter ng kwento nina Danica at Bryle. Salamat po sa mga nagabang at naghintay sa chapter na ito...this is for all of you....

----------------------


Two years Later


"Sweety faster please malelate na tayo" sigaw ng napaka gwapo kong asawa mula sa labas ng silid namin.

Ako naman nagkukumahog na sa pagmamadali ni hindi pa ako nakakapanuklay ng buhok at nakakapagpulbos man lang. Kung bakit naman kasi ngayon pa umataki ng husto ang morning sickness ko. At bakit mas matindi yata ngayon kaysa sa noong una.

Teka nga muna, malala ko lang alin ba talaga ang mas matindi itong pangalawa o yung una kong pag bubuntis...Yes po buntis na na naman ako in two  years time mula ng ikasal kami ni Bryle pangalawang beses ko na rin itong pagbubuntis...wala eh...ang tindi ng asawa ko sa sobrang ka sweetan nya pati sperm cells nya at egg cells ko ay ayaw maghiwalay.

Ano nga bang nangyari sa amin ng araw ng kasal namin.

FLASHBACK

The wedding day....

Halos isubsob ko na ang mukha ko sa lababo dahil sa hindi matapos tapos na pagsususka ko. Pagising ko pa lang sa umaga ay nagsimula na ang morning sickness ko at dahil sa wala pang laman kasit ano ang tiyan ko kaya mapait na laway na lamang ang inilalabas ng sikmura ko. Nanghihina na ang tuhod ko at tagaktak na rin ang pawis ko.

"Maam.... Hindi po tayo matatapos nyan ng pag memakeup sayo kung ganyan kayo ng ganyan." reklamo ng bading na make up artist ko.

10AM ang kasal namin ni Bryle 5Am pa lang ay nagsisimula na syang ayusan ako... pero heto mag aalas nuwebe na pero hindi pa rin kami matapos tapos.

"Eh kung ikaw kaya sa katayuan ko... akala mo naman gusto ko tong nangyayari sa akin." galit na sabi ko sa makeup artist.

"Anak tama na yan...wag mo syang kagalitan...ginagawa nya lang ang trabaho nya...at tiyak sya ang papatayin ng groom mo oras na hindi tayo umabot sa simbahan sa tamang oras."

"Ma....ganito ba talaga kahirap magbuntis... parang ayaw ko na."

"Oo anak ganyan talaga yan...ang isipin mo na lang bunga yan ng pagmamahalan nyo ni Bryle..."

"Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ipagbuntis ang isang Lee hindi na sana ako pumayag mabuntis ."

"Hay naku kung ano anong pinagsasabi mo...ayosin mo na yang sarili mo at kanina pa nagpapanic sa simbahan ang groom mo...alam mo bang isang team ng medics ang nakaabang sa labas para lang sigurohon na makakarating ka sa simbahan sa tamang kundisyon. At siniguro nya rin na walang traffic sa dadaanan natin kaya ipinasara nya ang buong kalsada mula rito sa hotel hanggang sa simbahan."

"What..?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.

"Yes po...at alam mo ba na gusto nya na ngang dalhin dito ang Pastor at buong entorage para dito na lang daw gawin ang kasal at ng hindi ka na mahirapan."

Hala...ganun...ako naman bigla ang nagpanic... alam kong kayang kayang gawin yun ni Bryle...at hindi malayong gawin nya nga yun.... kaya nagmamadali na akong kumilos kahit pa nanghihina ako ng husto, pilit kong pinaglabanan ang sama ng pakiramam ko. 

Paglabas ko ng pinto ng hotel room na kinaroroonan ko ay napasinghap ako ng makita ko ay isang napakagandang lalaki na nakatayo sa harapan ko. Hes wearing a white tuxed0 at napahawak ako sa magkabilang side ng damit ko, hindi para iaangat ang weeding gown ko kundi para hawakan ang panty ko na para yatang gustong malaglag dahil sa napakagwapong groom ko.

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon