Nagising na lang ako dahil sa isang marahang katok, pagtingin ko sa relo ko ay ikawalo na ng gabi ibig sabihin nakatulog ako ng halos tatlong oras.
Bumangon ako at binuksan ang pinto.
" sorry to wake you up, Breakfast is ready." bungad ni Bryle na fresh na fresh na, nakapaligo na kasi ito at nakabihis.
Ano daw.? Breakfast. OMG nakalimutan ko nasa New York na nga pala kami. iba na ang oras dito at kung breakfast na ibig sabihin hindi lang ako tatlong oras na nakatulog.
" Sige baba na lang ako."nahihiyang sabi ko.
" okey hihintayin kita."
wala pang 15 minutes ay nakaligo at nakaayos na ako sinadya kong bilisan nahihiya kasi ako na paghintayin si bryle ng matagal.
After breakfast ay pumunta na kami ni Bryle sa Hotel/Residential Building at halos malula ako sa tayog at ganda nito, its a 50 story building napakaganda ng desinyo nito sa labas kung saan naka sulat ang napakalaking L tower nagpapatunay na pagaari nga ito nina Bryle.
" wow..." yun lang ang nasabi ko.
" come on sa opisina muna tayo para sa paper works, mamaya na tayo magikot para tingnan ang kabuuan ng building."
Pagpasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng isang babaing blonde.
' there you are..." sabi nito sabay pulupot ng braso nya sa leeg ni Bryle at hahalikan sana nya sa labi ang lalaki pero umiwas ito.
Biglang kumirot ang dibdib ko, parang gusto kong manabunot ng walang dahilan.
" behave Jane... i' m with my girlfriend"
bigla namang kumabog ang dibdib ko sa sinabing iyun ni Bryle.
" oh sorry.." sabi ng babae ay dahandahan nitong tinanggal ang braso sa leeg ni bryle.
Iniyakap ni Bryle ang kanyang braso sa beywang ko,
" Jane i want you to meet Danica Castro the new VPO of lee groups and my girlfriend... hon this is Jane Lopez the interior designer."
" nice to meet you ma'am." sabi nito sabay abot ng kamay nya sa akin.
" same here...nica na lang please." sabi ko.
Nagtanong lang si Bryle kay Jane tungkol sa trabaho tapos tumuloy na kami sa upesina at nagsimula na kaming magtrabaho.
Naging napaka busy namin ng mga sumunod na araw doon ko mas nakilala ang isang Bryle Lee.
When it comes to work and business hes eyes is always on the ball nobody can distract him, isa rin syang perfectionist kahit ang simpleng pagtabingi ng frame sa ding ding ay napapansin nya masasabi kong naging stressful ang unang dalawang linggo namin sa Newyork halos madaling araw na kami nakakauwi sa bahay para magpahinga at pagdilat ng mata sa umaga kung wala sa laptop ay nasa mga paper works agad ang mata namin, hes always asking for my opinion na madalas ay ikinoconsider nya,
Ang pangatlong linggo ay medyo okey okey na mga finishing touches na lang kasi and by the end of the third week everything is okey, handang handang na kami para sa grand opening na gagawin sa susunod na linggo.
" yes!.... sa wakas..." pasigaw na sabi nya sabay taas ng dalawang kamay at inat ng likod.
Napangiti ako ngayon ko lang kasi sya nakitang ngumiti uli ng malapad.
" Thanks hon... things are much easier because of you. Kung wala ka, siguro nabaliw na ako rito... your ideas are brilliant..thank you so much for sharing them with me."
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN
Romance" i will give you two hours para pagisipan ang proposal ko then gumawa ka ng listahan mo ng sarili mong mga kundisyon tapos iemail mo sa akin give me one hour to think about it then magkita tayo sa conference room ng 12 oclock para pagusapan ang kon...