CHAPTER 25

77.3K 1.6K 28
                                    

Walang katok katok na pumasok ako sa upesina ni Bryle, ibinagsak ko sa mesa nya ang Dyaryo na hawak ko.

" totoo o hindi ?" yun lang ang sinabi ko. Nagsukatan kami ng tingin ni Bryle.

" kapag sinabi ko bang hindi paniniwalaan mo ako.?"

" oo... dahil lagi naman akong naniniwala sayo, totoo man o hindi ang sinasabi mo, kaya nga ako nasasaktan ngayon dahil naniwala ako sa lahat ng sinabi mo." Pinigilan ko ang maiyak.

" Danica, pinagdududahan mo ba ang katapatan ko sayo.?"

" Binibigyan kita ngayon ng pagkakataon na alisin lahat ng pagduda sa puso."

Tumayo sya at untiunti syang lumapit sa akin.

" Please no touching, yan ang kahinaan ko pagdating sayo, madali mo akong mapapasuko pagginawa mo yan."

" Honey, i miss you so much, i just wanna feel you in my arms."

" start talking Bryle bago pa tuluyang lamunin ng pagduda ang puso ko, at hindi ko na paniwalaan ang kahit anumang sabihin mo." At bago pa tuluyang malaglag ang mga luha ko, gusto ko sanang idagdag.

" Saan mo gustong magsimula.?"

" you can start with that." itinuro ko ang dyaryo.

" wala akong kinalaman dyan. kung pabagsak man ngayon ang JB yun ay dahil sa kagagawan ng CEO nila."

" i know him Mr Lee hindi man sya kasing galing mo sa pagpapatakbo ng negosyo, pero may kakayahin din sya na patakbuhin ang JB at alam ko na hindi babagsak ng ganunganun na lang ang JB sa pamununo nya."

" wow... you just hurt me big time honey, mas pinaniniwalaan mo si Balesteros kaysa sa akin.? ako ang boyfriend mo pero mas pinaniniwalaan mo ang eX mo."

" no...not him, common sense Mr. Lee ikaw lang ang may kakayahang pabagsakin ng ganun kabilis ang JB, at ikaw na rin ang may sabi you can ruin A company just by a snap of your finger."

Pareho kaming nakatayo nasa magkabilang side kami ng mesa nya.

" Yes thats true, pero hindi ko ginawa yun sa JB, dahil sabi mo wag, kaya kahit gaano ko pa kagustong pabagsakin si Balesteros hindi ko ginawa dahil sabi mo wag ko syang pakikialaman. kung bumagsak nan ang JB wala akong kinalaman dun, yung ex mo ang may kasalanan, nawala na sya sa katinuan mulang iwan mo sya." puno ng galit at sakit ang boses ni Bryle, hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

" yes Danica ikaw ang dahilan ng pagbagsak ng JB. At ganun din ang mangyayari sa Lee kapag iniwan mo ako, "

Tila nanghihinang napaupo si Bryle sa upuan nya.

" I love you so much, your my life honey, kapag nawala la sa akin hindi ko alam ang gagawin ko, So please dont do this to me."

" Tulungan mo ang JB, na makabangong muli.'

" what... no way."

Nagsukatan kami ng tingin ni Bryle,

" then i do it myself, mag re reresign ako sa Lee at Babalik ako sa JB." tinalikuran ko na sya, bago ko pa mabuksan ang pinto ng upesina nya ay marahas nya akong hinila sa braso at isinandal nya ako sa pinto, nakita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata, mabilis ang kanyang paghinga at nanginginig ang kanyang kamay.

Marahas nya akong siniil ng halik halos mapisa ang mga labi ko, pero kahit ganun ang ginagawa nya, nagdudulot pa rin yun sa akin ng kakaibang sensasyon, isang araw ko lang hindi natikman ang mga labi nya pero pakiramdam ko ay miss na miss ko na yun, napapikit ako at dahan dahan kong ginantihan ang halik nya, unti unti at naging mahinahon si Bryle at nagong banayad ang halik nya, iniyakap ko ang braso ko sa batok nya, humigpit ang yakap nya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal naghalikan, basta tumigil lang kami ng kapwa na kami nangangapos ng paghina at kapwa payapa na ang mga damdamin namin, magkayakap at magkadikit ang mga noo namin.

" May kulang ba sa akin nica.. may mali ba sa akin, ? sabihin mo at aayosin ko"

" wala Bryle your more than enough." Tuluyan na akong naluha.

" kung ganun bakit gusto mong bumalik sa kanya... mahal mo pa ba sya.?"

" Bryle, kung meron mang pinakasiguradong bagay ngayon sa buhay ko, yun ay ang pagmamahal ko sayo,... sayo ako hindi sigurado... Babalik ako sa JB hindi para kay troy kundi para sa mga taong umaasa sa kompanya." Umalis ako mula sa pagkakayakap nya at walang lingong likod na lumabas ng upesina nya. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko dahil sa halikan namin ni Bryle, hes kiss and touch is my weakness aminado ako dun.

Pagkalabas ko ng upesina nya ay derediretso akong naglakad ni hindi ko pinansin ang mga empleyadong bumabati sa akin.

" okey fine, i will help JB..." sigaw ni Bryle mula sa likuran ko.

Tumigil ako sa paglalakad.

"Just don't leave, dont do this to me Nix, hindi ko kaya."

Bulls eye na naman ang puso ko dun. Humarap ako sa kanya.

" At ako sa palagay mo kaya ko, Mr. Bryle Lee, kahit yata harap harapan mo pa akong lokohin, kahit yata iparada mo pa sa harapan ko lahat ng babae mo, kahit yata ako pa ang magtapon ng ginamit mong condom sa ibang babae, hindi pa rin kita kayang iwan."

Alam ko pinagtitinginan na kami ng lahat ng empleyado nya.

" Miss Danica Castro ilang ulit ko bang sasabihin sayo na mula ng makilala kita wala ng ibang babae sa buhay ko, ikaw na lang ang nakikita ko, ikaw na lang ang gusto ko, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal,na nakahanda akong gawin lahat ng gusto mo, kung sasabihin mo sa akin ngayon na tumalon ako mula sa building na to, gagawin ko kung yun ang makapagpapaligaya sayo. ibaba ko ang sarili ko mula sa pedistal na kinalalagyan ko, kakainin ko lahat ng pride ko, ibabangon ko ang negosyo ng ex mo kung yun ang gusto, mapatunayan ko lang sayo kung gaano kita kamahal, kahit nasasaktan ako, kahit unti unti akong pinapatay ng selos, gagawin ko para sayo." at tinalikuran nya na ako, bumalik sya sa loob ng upesina,naiwan ako na nakatulala.

" Back to work people..." si kuya niel.

" And you... magusap tayo." Galit na sabi sa akin ni kuya.

MY ASSISTANT, MY WOMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon