Chapter 1

53.8K 702 12
                                    

-Ava-

Hinayaan nalang namin ni mommy at nang dalawa kong nakakatandang kapatid na babae si Daddy na minsanan nalang itong umuuwi ng bahay dahil mas binibigyan niya ng oras ang kabit niya..

Naawa na ako sa mommy ko pero pinapalakas ko parin ang loob niya ,ayaw niya namang hiwalayan si Dad ,dahil ayaw niyang matawag na broken family kami kaya nilunok nalang niya ang pride na meron siya para hindi maging wasak ang pamilyang ito...

Kilalang businessman at haciendero ang Daddy ko na si Rodrigo De la Cuesta .

At ang mommy ko naman na si Letecia De la Cuesta ay isang hamak na sekretarya niya nuong araw at nagka-ibigan sila ,nagpakasal at bumuo ng pamilya.

Nasa bahay lang palagi si Mommy, pag minsan pinapasyal ko siya ,nag babakasyon kami kasama mga kapatid at mga pamangkin ko. Sa bahay na rin nakatira ang kapatid niya na mayordoma namin para pag wala ako sa bahay may makakausap siya at palagi naman siyang binibisita ng mga kapatid ko halos araw araw.

May dalawa akong babaeng nakakatandang kapatid may mga pamilya na sila at bumukod na sila ng tirahan pero malapit lang dito sa amin. Kaya kami nalang ni mommy ,ako at ang aming mga kasambahay ang nasa malaking bahay namin nakatira.

Isa akong fashion designer sa edad na 25 at nag mamay ari ng boutique sa isang malaking mall sa aming siyudad.

Aviana ang pangalan ng boutique ko, kinuha ko to sa aking pangalan.. Aviana Ava De la Cuesta.

Ito ang gusto ko kaya ito ang ibinigay ni Daddy sa akin kahit ganun ang Dad, Mahal na mahal ko pa rin siya ,hindi niya kami pinabayaan ,yun nga lang naghanap siya ng ibang babae.

Hindi namin kilala ang babae niya , may 2years na silang relasyon, magaling magtago ang ama ko , sa mga naririnig namin ka edad ko lang daw ang babae at 65 naman ang Daddy. Isa raw itong freelance model.

Ne minsan hindi gumawa ang mommy ko ng gulo o ipahanap ang kabit ng ama ko. Okay na kay Mommybna umuuwi ang daddy ko sa bahay namin ,once or twice a week. Mas mabuti na yun kaysa hindi na daw magpapakita si Dad at tuluyan na kaming iiwan.

-----

(dont mind the "!" thingy will edit soon.. Thank You)

My Daddy's Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon