Chapter 23

13.2K 273 0
                                    

-Ava-

*

Agad akong umakyat deretso sa guest room kung saan andun si Tommy.
Binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan at nakita kong natutulog pa siya. Sinarado ko ang pinto ng dahan dahan at nilapitan ko siya tinitigan ko ang mukha niya at uu ang gwapo ni Tommy pero parang wala ng spark kagaya sa titig ko kay Brit. Hayss!
Nagtaksil ako pero ano ang magagawa ko. Paano ko ba susuwayin ang puso ko . Ughh! Pero itatama ko ang lahat. Itama ko ang lahat. Bahala na.
At habang nakatingin ako sa kanya, bigla siyang gumalaw at nagising.

"Hon?" agad niyang sambit sa akin at agad niya akong yinakap.

"Ahm hon bat hindi ka nagpasabi, nasundo sana kita sa airport at bakit dumeretso ka dito alam mo naman na ayaw ni Dad na andito ka , darating yun ngayon kasi hindi siya nauwi bukas ."

"Parang di ka masaya na andito na ako?"

"Hindi sa ganun hon."

"Dumeretso ako dito dahil gusto kong sorpresahin ka pero ako ang na surprise na pagdating ko wala ka at ito inumaga ka ng uwi at hindi ka sumasagot sa mga tawag."

"Sobrang busy lang talaga ako sa business tommy alam mo yun, may darating akong mga clients galing ibang bansa yan ang pinaghandaan namin ngayon."

"Ganun bha na intindihan ko yan pero bakit ka pala umaga na umuwi ngayon?"

"Ahm kagabi lang ako dumating di na kita nagising kasi pagsilip ko sobrang tulog kana at pagod ka sa byahe mo, sobrang pagod din ako sa meeting gabi na natapos and na empty ang phone ko " pagsisinungaling ko dahil ayukong magduda siya. ughh! ano ba tong ginagawa ko.

"Okay." tipid niyang sagot.

"Magshower ka na at sabay na tayong mag breakfast."

At tumango siya. Agad siyang pumasok sa banyo at nag shower. Habang nasa shower siya lumabas naman ako at nag tungo sa room ko para mag bihis baka ma amoy niya ang kakaibang amoy na hindi dapat niya maamoy.

--

"Halika na, breakfast na tayo" yaya ko kay Tommy pagkatapos niyang magbihis.

"Yes hon."

"Tom, ihahatid kita sa hotel pagkatapos nating magbreakfast. Ayukong mag abot kayo ni Daddy."

"Okay."

Agad kaming nagbreakfast kasama si Monmy.

"Hindi ka ba mag stay dito Tommy?" tanong ng Mommy .

"Mom alam mo naman si Daddy, ayuko ng gulo."

"Kaya sa hotel ako mag stay Tita. Ayuko ring magsagotan kami ni Sir Drigo."

"Pasensiyahan mo na ang Dad ni Ava Tom."

"Wala pong problema Tita. Naintindihan ko po."

"Thank you Tom sa pagintindi and thank you for loving my Ava."

"Yes Tita."

Pagkatapos naming kumain agad kaming nagpaalam kay Mommy. Baka kasi biglang darating si Daddy kaya nagmadali na kaming umalis ni Tommy.

--

"Something wrong honey ?" tanong ni Tommy sa akin.

"No honey. Walang problema."

"Ang gara ng sasakyan mo, kung ako lang ilang taon ko kayang pag iipunan to."

"Regalo ni Dad sa akin hindi ako ang bumili at lalong hindi ko ito hiningi bigla nalang dumating sa bahay."

"Of course bigtime kaya ang Daddy mo kahit ilang lamborghini pa ang bilhin niya para sayo."

At hindi na ako sumagot, alam kung nag paparining na naman siya tungkol kay Dad. Hayss!

At nakarating na kami sa hotel. Agad siyang nag check in at ako na ang nag nagbayad ayaw niya nung una pero ako na ang nag pumilit 2weeks ang stay niya. Nang makapasok na kami sa room ng hotel agad siyang nag ayos sa mga gamit niya.

Tahimik lang kaming dalawa di ko alam ngayon kung ano ang gagawin ko isa lang ang alam ko gusto kong itama ang lahat.

My Daddy's Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon