-Ava-
*
Tommy
3missedcallsDi ko alam kong ano ang naramdaman ko ngayon mali itong ginagawa ko , nagtaksil ako sa boyfriend ko. Nagawa kong pagtaksilan ang taong ni minsan hindi niya nagawa sa akin. Ughh!
Nangyari na ang hindi dapat mangyari."Hmmm boss?" si Brit sabay yakap sa akin. "Are you okay?"
"Yeah. Im okay. Tulog ka muna. Maaga pa."
"Bakit ka nagising?" tanong ng bedroom voice niya.
"No. Sige na tulog ka muna. Dito lang ako."
"Okay. I love you boss." tugon niya at pumikit ulit. Hinaplos ko ang kanyang buhok sabay dampi ng halik sa kanyang noo. Hayss!
--
Hindi na ako nakatulog ulit kaya hinintay ko nalang si Brit na gumising.
Nang magising na siya agad siyang ngumiti sa akin. Habang nakatayu ako sa gilid ng kama umiinum ng kape.
"Hi boss. Goodmorning."
"Goodmorning gorgeous"
"Hindi ka na ba nakatulog ulit? Di mo ako ginising?"
"Sarap kasi ng tulog ni sleeping beauty. Kakahiya naman kung gigisingin ko pa."
"Ayy daya naman nito."
"Ha ha ha o sige na bangon ka na diyan ayun ang bathroom maligo ka or maghilamos na ready ko na lahat ng kailanganin mo at isuot mo yang damit na nakahanger." sabay turo ko sa dress na naka hanger sa labas ng closet.
"Hmm may lakad ba tayo?"
"Yes. Kaya dalian mo na hintayin kita sa baba."
"Yes boss."
Ngumiti ako sa kanya at agad nang lumabas ng kwarto.
--
Bumaba na si Brit sa hagdanan at sabay kaming napatingin ni Mommy sa kanya. Nakangiti siya sa amin at napangiti na rin ako sa kanya.
"Goodmorning Tita." bati niya kay Mommy.
"Goodmorning hija. Breakfast muna kayo?"
"Sa labas nalang Mommy. Mauna na kami."
"O siya. Mag ingat kayong dalawa."
"Yes Mom. Bye." sabay beso ko kay Mommy at ganun din si Brit. At agad na kaming lumabas ng bahay.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta."
"Hmmm. Ako ata ang unang chix na makakasakay sa lamborghini ni Aviana."
"Of couse kasi you're special."
"Naks naman! Ang aga pa boss huwag mo akong pakiligin."
"Ha ha ha fine!"
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at agad nang umalis.
"Wohhh lamborghini baby." tugon ni Brit. Napangiti lang ako sa kanya. At bigla niyang dinampian ng halik ang pisngi ko sabay sabing "I love you boss."
Napalingon ako sa kanya at sinalubong niya ng halik ang aking mga labi. Napangiti kaming dalawa. Alam kong mali pero mali pa ba ang naramdaman kong kaligayahan pagkasama ko si Brit. Ugh! Mahal ko na rin ata siya. Ano pa ba ang tawag dito. Hindi na "ata" to eh. Mahal ko na siya.
--
Makalipas ang kalahating oras dumating din kami. Agad kong pinasok ang sasakyan sa isang public beach.
"Ano ang ginagawa natin dito?"
"Magpapalunod."
"Seryuso ka ?" si Brit.
"Gusto ko lang ipakita sayo ang favorite place ko and dito na rin tayo mag bebreakfast. May restaurant sa unahan. Fresh sea foods. Favorite ko din kasi."
"Wow! So ibig sabihin inlove ka na rin sa akin?"
"Ha ha ha ewan ko sayo. Gutom lang yan kaya halika na."
"Denial queen."
"Ewan ko sayo."
At agad hinawakan ni Brit ang kamay ko. Naglakad kami sa dalampasigan papunta sa restaurant na sinabi ko. Habang dinadama ang init ng araw na dumadampi sa balat namin.
Gusto ko mang aminin sa kanya pero ayukong umasa at masaktan si Brit. At hindi lang si Brit pati si Tommy. May problema pa ako sa Dad ko, ang pamilya ko. Ayuko ng dagdagan pa. Kung ano man to ngayon sa amin ni Brit eenjoy ko nalang sa dami ba namang stress ko i need a break.