Chapter 12

16.7K 342 2
                                    


-Brit-

*

Dumating na ako sa condo at agad akong nagshower. Hindi mawala sa isipan ko si Ava , Hindi na ba talaga siya mawala sa isipan ko. Parang nakatita na siya dito. Ughh!

Bakit gusto ko na naman siyang makita. Kakatapos lang naming magdinner ah. Ugh!

Kung pwede lang di matapos pag uusap namin hindi ko tatapusin. Gusto ko siyang makita at makausap palagi . Ugh!

Nang makapagbihis na ako at makapag dry na ng buhok. Agad akong humiga sa kama at tinawagan sa facetime si Ava. Sana di ako nakadisturbo. Bahala na. Kakapalan ko na mukha ko gusto ko lang makita siya bago matulog.. Baliw na ako Uu.

Ava
Facetime....

Nagring na ito..

"Hey." agad niyang sagot. Ang ganda talaga niya lalo na at nakangiti.

"Hi. Nakadisturbo ba ako?"

"No of course not! Nakahiga na rin ako." tugon niya sa akin. "Binusog mo kasi ako kata ito inaantok na."

"Nabusog ka ba?"

"Yes and thank you. Huwag mo lang araw arawin ang libre Brit, ayukong tumaba."

"Ha ha ha kahit tataba ka pa ikaw pa rin ang pinakamagandang babae na nakilala ko." wtf! talagang nasabi ko yun.

"What? Ha ha ha ang korni mo."

"Super korni. Yuck!"

"Di bagay sayo supermodel."

"Supermodel . Okay boss okay." tugon ko sa kanya habang nakabite siya sa kanyang daliri.

"Ayaw mo ba akong patulugin.?"

"Mamaya na boss. Hindi pa ako inaantok eh. Gusto pa kitang makausap."

"Hmm. So hindi ko na kasalanan kung tutulugan kita ?"

"Sige lang. Babantayan nalang kitang matulog."

"Ikaw talaga. Nakakatakot kana. Di ko alam kung seryuso ka o niloloko mo ako Britanny."

"Kompleto talaga pangalan ko ?" sago ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Tutulugan kita bahala ka diyan, binusug mo ako."

"Sige na boss. Matulog kana. Ako nalang mag ooff sa phone."

"Okay. Goodnight ."

"Goodnight."

Ngumiti siya sa akin at pumikit na. Hmm. Ang ganda niya. Sarap niyang yakapin at halikan habang nakapikit.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa nakapikit na rin ako at nabitawan ko na ang phone . Matutulog akong nakangiti at sana makita ko siya sa panaginip. Hayss Aviana.

My Daddy's Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon