-Brit-
*
"Brit , dumating na kami ni Dad mo. Punta ka dito sa bahay para kunin ang mga pasalubong namin sayo."
"Yes Mom. See you later."
"Okay. See you nak."
At agad ko nang binaba ang phone. Nagising ako sa maagang tawag ni Mommy. Nakauwi na pala sila galing sa vacation nila sa France.
mamo
1newmessageBawal ma late Brittany! 1pm sharp!
Muntik ko pang makalimutan may last shoot pala kami ngayon sa isang sexy magazine, kung hindi nag text si Mamo malamang hindi ko ito maalala. Ughh!
Pagkatapos kung maligo ,di na ako nag ayos ,dali dali nalang akong nagbihis at nang maka alis na.
Papunta na ako sa location ng last shoot , naka drive thru na ako ng pagkain. Hindi ako male late nito may 1hour pa akong maka pag make up and everything .
Dumating na ako sa location . At kasunod na ring dumating sa akin si Sab.
"Hi love."
"Hi Sab. Early bird tayo ngayo ah."
"Uu dapat maaga tayo, kasi baka atakihin na naman si Mamo sa sakit sa ulo ,palagi nalang tayong late "sabay tawa .
"Baliw ka talaga "
"Uu nababaliw na ako sayo love , please fvck me ."
"Tumigil ka nga. Sira ulo!"
Nagkatawanan nalang kami ni Sab. Naputol ang harutan namin ng simulan na kaming ayusan.
----
"Sab uuwi ka na?"
"Uu love , alam mo na. Kailangang umuwi ng maaga, chat nalang tayo." sabay beso naming dalawa at nagpaalam na sa isat isa.
At umalis na si Sab. Sumunod na rin ako sa kanya at dadaanan ko pa ang mga pasalubong ko sa bahay namin at dun na rin mag dinner.
Nakarating na rin ako sa bahay. Medyo gabi na kaya nagpasya nalang akong kunin nalang ang mga pasalubong at uuwi na sa condo at dun na maghapunan.
Habang binaybay ko ang daanan pauwi biglang may nag text.
Babe
1newmessageImissyou.
Di ako nagreply. Binilisan ko nalang ang pag papatakbo ng sasakyan at nang makarating na ako agad sa condo.
Agad kong pinark ang sasakyan at bumaba na sa sasakyan. Papasok na ako ng elevator nang may tumawag sa akin.
"Maam Brittany, flowers po para sa inyo." sabay abot ng flowers sa akin ng isang receptionist sa condo.
Hindi na ako nagtanong kung kanino galing dahil alam ko na kung sinong nagpapadala nito.
"Thank you." sabay kuha ko sa flowers at dumeretso na sa elevator paakyat sa unit ko para makapag dinner at nang makapagpahinga na.