-Brit-
*
Napangiti nalang ako nang maibaba ko ang phone . Hayss! Ano ba tong na fefeel ko. Parang ayuko ng bitawan ang phone , ayuko ng putulin ang usapan namin. Masarap siyang kausap. Nakakainlab ang boses at tawa niya. Grrr!
Babe
calling....Hmm..
"Hey." agad kong sagot.
"Babe nakuha mo na ba ang mga pinapakuha ko sayong mga docs?"
"Yes nakuha ko na and thank you?"
"You're always welcome my princess."
"Hows your family? Nakauwi ka na ba sa resthouse mo?"
"Yes Brit andito na ako. How are you? Imissyou."
"Im good. Sige na magpahinga na ako. Ikaw din pahinga na maaga kapa sa office mo bukas."
"Yes babe. Pahinga na ako."
"Okay. Goodnight." at binaba ko na ang phone.
Kailan ako makakawala kanya. Kung hindi lang talaga siya mabait matagal ko na siyang pinabayaan pero malaki ang utang na loob ko sa kanya at ayukong basta basta nalang siyang bibitawan.
Nung walang wala ako siya ang kumupkop at tumulong sa akin. Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa kanya. Pero hindi ibig sabihin na forever akong magagapos sa kanya. Darating ang panahon na maghihiwalay kami ng landas. Pero sa mabuting paraan at mabuting usapan.
Mabuti siyang tao at alam kong hindi rin siya papayag na magapos ako sa kanya habang buhay. Hays!
Si Ava.
Anong meron sa kanya. Yung mga titig niya sa akin. Tinginan naming dalawa alam kong kakaiba at special. Ughh! Iisipin ko na lang ba siya buong gabi. Hindi ako dinadalaw ng antok kakaisip sa kanya. Oh Ava ano ang ginawa mo sa akin.
Hayss! Makatulog na nga lang. Ughh!