-Ava-
*
"Wala pa ba tayong nahanap na model para sa bagong design natin Lucy." agad na tanong ko sa kanya pagkadating ko sa shop.
"Meron na , may nakausap na ako na handler at may model na siya na ibibigay sa atin."
"Oh thats great. Nakipag set kana ba ng meeting sa kanila ?" tugon ko kay Lucy.
"Yes Ava, tapos na. Mamayang 5pm" sagot agad sa akin ni Lucy.
"Oh good good kasi nagmamadali tayo hinihingi na ng mga clients natin ang mga copies ng design so mamadaliin natin na para makapag shoot agad."
"Yes at bukas na bukas din mag shoot na tayo."
"Great!"
--
Dumating na rin kami sa meeting place at agad kung pinark ang sasakyan at pumasok na kami sa loob ng coffee shop.
May kumaway sa amin isang matandang bakla , malamang ito na ang handler na kausap ni Lucy.
Nilapitan namin ito at agad itong tumayo at sinalubonh kami.
"Mamo?" si Lucy.
"Yes, Miss Lucy?" sagot naman niya kay Lucy.
"Yes Hi, nice meeting you." at sabay beso "By the way Mom, This is Ava ,the owner of Aviana."
"Hi Miss Ava , nice meeting you Madamme." sabay beso naming dalawa.
Napansin ko na siya lang mag isa.
"Miss Ava ang ganda niyo po pala sa personal, nakita ko na po kayo sa tv Madamme.
"Thank you." sabay ngiti ko sa kanya.
"Bakit po kayo kumuha ng model eh pwede mo naman e model ang mga gawa mo." patuloy ni Mamo sabay upo namin sa table.
"Wala akong hilig. Hanggang sa pag dedesign lang ako."
"Sayang, pang supermodel po kayo."
"Salamat."
"Mamo, Saan po ang model natin?" biglang tanong ni Lucy.
"Pasensya na kayo ha? Late siya pero parating na siya. Ngayon lang kasi siya nasabihan, yung una kong model para sa project na to, nagkasakit ,kaya siya ang pinalit. Siya ang supermodel namin, indemand kaya mas mahal. Okay lang ba sa inyo? " sabay pakita ni mamo sa amount at umuu na ako para makapag shoot na kami bukas na bukas.
Makalipas ang ilang minuto.
"Finally! She's here." sabay tayu ni Mamo at sinalubong ang babaeng pumasok sa coffeeshop.
"Miss Lucy , Madamme, This is Brittany ,Brit for short."
At tumayo si Lucy .
"Hi. Nice to meet you Brit. Ang gandang babae naman nito." sabay beso.
"Hi Miss Lucy. "
"Nag aartista ka ba din Brit."
"Yes and sometimes commercial." nakangiti niyang sagot kay Lucy.
"Kaya pala familiar ka. Anyways, Brit, si Ava the owner of Aviana."
At paranf nagulat si Brit sa narinig niya na Aviana.
"Aviana? Yung super sikat na boutique ?"
"Yes Brit."'sagot naman ni Mamo.
At kinuha ko ang shades ,sabay tayu para makipag beso sa kanya, at tinanggal din niya ang shades niya.
"Hi Im Ava." sabay abot ko sa kamay para makipag shake hands at agad siyang nakipagkamay sa akin.
At bigla siyang natigilan.
"Wait! I know you.." sambit ni Brit sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Lucy sa aming dalawa.
"Diba ikaw yung nabangga ko sa mall last day, right?"
At natahimik ako sabay titig ko sa kanya. Uu nga naalala ko na . Siya nga.
"Oh Yea. What a small world." tugon ko sa kanya.
"OMG! What small world. Ang swerte ko naman ang may ari pa talaga ng Aviana ang nabangga ko sa katangahan ko. Im so sorry Miss Ava."
"Wala yun. Don't worry." sabay tanggal ng kamay namin sa isat isa.
Nang mapag usapan na ang lahat ng detalye agad kaming nagpirmahan ng kontrata .
"Thank You Miss Ava sa pagtitiwala." tugon ni Mamo sa akin .
"Wala pong anuman. And thank you Mamo. You are my hero kasi kahit saan na kami naghanap ng model puro busy."
"Busy din naman to si Brit, hindi lang talaga namin matanggihan ang Aviana."
"Thank you Mamo."
At nagpaalam na kami sa isat isa.