Chapter 13

17.4K 331 10
                                    


-Ava-

*

"Ava? Ava?!" si Tita sa labas ng kwarto ko.

"Yes Tita?"

"Anong oras ang lakad mo ngayong araw.

"Tita after lunch po . Wait lalabas na po ako ng kwarto." at lumabas na ako mg kwarto. "Yes Tita?"

"Anong oras ka ba daw aalis ngayong araw?"

"After lunch po. Why?"

"Gagamitin daw muna niya ang sasakyan mo Ava. Nasa talyer ang kanyang sasakyan."

"Sure po. Mamaya pa naman ako pupunta ng shop."

"May bibilhin lang kami ni Monmy mo sandali."

"O sige po Tita."

"Salamat Ava."

"Okay po."

Bumalik na ako sa loon ng kwarto at humiga. Kinuha ko ang phone at agad tiningnan ang IG account ni Brit.

Ang ganda naman talaga ng makulit na to. Nakakainis ang ganda sarap kagatin. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanyang mga IG pictures. Grr!

--

"Lucy wala bang update sa mga photos, kailangan ko na siya before friday."

"Bukas na niya maeemail sa atin, kakatawag ko lang kanina Ava kaya dont worry."

"Oh thats good, kumusta naman kahapon sa shoot?"

"Alam mo Ava, perfect talaga ang nakuha nating model, bagay sa kanya lahat ng damit at ang ganda niya talaga. Nakakainis!"

"Sobrang nakakainis and super bait pa kaya perfect talaga si Brit.

"Nakakatibo diba?"

"Ha? Ewan ko sayo. Ikaw lang ang nagsabi niyan."

"At bakit ganyan ka maka react? Uyyyy?"

"Magtigil ka nga diyan. Lumabas ka na nga."

"Uyyyyyy??!!"

"Sira ka! Layas na nga!"

"Uyyyy!!" panunukso pa rin niya sabay labas ng opisina ko.

"Ay naku!" napailing nalang ako. Manunukso bha. Ugh! Kainis!

At nang biglang tumunog ang phone ko.

Brit
1newmessage

Coffee?

Agad akong napangiti sa text niya.

Sure - sent

Ito na naman ako nakangiting parang baliw.

Agad akong lumabas ng shop at pinuntahan si Brit sa coffeeshop.

--

"Hi" agad beso sa niya akin, hmm ang bango at ang ganda talaga niya. Sa araw araw ko siyang nakikita mas lalo din siyang gumaganda.

"Bigla atang napacoffee ang supermodel ko ha?"

"Wala akong magawa and gusto kitang makita. Ewan ko ba hindi na ata kompleto araw ko without seeing you."

"Oh wow! Nakakatakot kana talaga. Di na ako makipagkita sayo. Last nato."

"Grabeh ! Mukha ba akong kriminal?"

"Hindi! Mukha kang kidnapper baka bigla nalang akong himatayin dito at pagkagising ko nasa basement na ako at humihingi ka na ng ransom sa Dad ko."

"What???? Ha ha ha nakakainis ka!"

"Joke lang! Ito naman."

"Joke? Marunong pala magjoke si boss."

"Tao din ako uy."

"Ha ha ha okay. Order nga lang tayo."

Natawa nalang ako sa kanya. Hayss Brit.

--

Dumating na ang coffee namin at habang umiinom nagsimula na kaming mag kwentuhan. Tungkol sa pamilya hobbies and dreams. Nakangiti lang talaga ako sa kadaldalan niya.

Sa kalagitnaan ng aming pag uusap biglang nag ring ang phone niya.

Babe
calling....

Nakita ko ito sa screen ng phone niya na nilagay sa ibabaw ng table. Hindi nya ito sinagot at agad niya itong pinasok sa bag niya.

"Oh bakit hindi mo sinagot?"

"Ay wala yun."

"Baka importante."

"Ex ko yun mangugulit lang yun, ma bad trip lang ako." agad niyang sagot sa akin.

"Ah ex."

"Yes boss. Ex."

"Yes ex." at natawa nalang kaming dalawa.

Di ko napansin gabi na pala, nawala sa isip ko ang oras kaya nagpasya na kaming umuwi..

Habang nasa daanan ako wala pa ring tigil ang ngiti ko habang iniisip siya. Baliw na talaga ako. Waah!

My Daddy's Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon