-Ava-
*
"Thank you Lucy. Congrats to us. " tugon ko kay Lucy sa kabilang linya. Na aprubahan kasi ng mga kleyente namin lahat ng designs na pinadala ko.
"Yes congrats to us and of course sa supermodel natin. Kung hindi lang talaga bagay sa kanya yung mga designs mo ey ewan ko nalang."
"Yeah I know. Anyways, RD ko muna today ha , ikaw na bahala sa shop. Nasa talyer pa din yung sasakyan ko at wala akong gana magwork ngayon."
"Kailangan mong magpahinga Ava. Ako na bahala dito. Tawagan nalang kita kung may importante."
"Thanka Lucy."
"No problem."
At binaba ko na ang phone. Hays! Dahil sa nangyari kagabi parang nanghihina pa rin ako at walang ganang pumasok aa shop. Hindi lang ako makakafocus sa gagawin ko. Ugh! Si Brig kasi kakainis ! Hays!
Brit
Calling....Hindi ko siya sinagot. Kagabi pa ang gaga na to. Hindi ata to natutulog eh.
Brit
Calling...Tumawag ulit. But nope! Manigas ka diyan! Ayuko ng magkasala! Grr! Pero sa puso ko gusto ko siyang kausapin marinig ang boses niya pero sa isipan ko mali. Sobrang mali!
Brit
1newmessageIm sorry please talk to me boss.
Nagtext na talaga. Bahala ka diyan!
Gusto ko naman ang nangyari eh aminado ako dun masaya ako pero mali eh sobrang mali lang talaga. Pareho kaming babae at isa pa may boyfriend ako. Ughh!!!
---
"Hi anak. Buti at nagising kana." masaya at malaking ngiti ng Mommy ang sumalubong sa akin .
"Hmm yeah Mom? What's new, parang ang saya natin ah?"
"Here. " sabay abot ni Mommy sa akin ng maliit na box agad ko itong binuksan.
Isang susi ng sasakyan. What??? Dali dali akong lumabas ng bahay at agad bumungad sa akin ang isang black lamborghini.
OMG!!!
Alam kasi ni Dad ang dream car ko na pinag iipunan ko ngayon.
"You love it, right Ava?"
"Of course Mom alam mo naman ito ang gusto kong sasakyan." paluha luha ko pang sagot. "Joyride?" offer ko kay Mommy.
"Sure."
Agad sumakay si Mom , pina ikot ikot lang namin sa buong subdivision at pinuntahan namin mga kapatid ko para ipakita sa kanila.
Pagkauwi namin ng bahay. Tinawagan ko si Daddy para mag thank you. Galit ako sa kanya pero hellooo dream car ko na yun magmatigas paba ako? Yayy!
--
Brit
5missedcallsIto ang nakita ko sa screen ng phone pagkabalik ko ng kwarto . Ughh! Bahala ka diyan.