-Ava-
*
Dali kung inayos ang mga gamit ko pagkatapos kung makapagshower at bumaba agad para maka pag breakfast na. Dumeretso agad ako sa kitchen at naabutan ko dun ang dalawang kusinera namin na nagluluto kasama si Tita.
"Morning Ta, si Mommy?" agad kung tanong sa tiyahin ko.
"Oh Ava gising kana pala ,mag breakfast ka bago ka umalis."
"Yes Tita."
"Ang Mommy mo pala andun sa kwarto dumating na kasi ang magaling mong ama."
"Oh really? Mabuti naman at dumating na siya." sagot ko.
"O siya siya , kumain ka na diyan."
Nang matapos na akong mag breakfast agad akong nagpalaam kay Tita dahil maaga ako ngayon sa shop.
Palabas na ako ng bahay nang tawagin ako ni Daddy.
"Ava?" tawag ni Dad sa akin na kasama si Mommy na pababa ng hagdanan.
"Aalis na po ako, marami po akong gagawin ngayon sa sh0p." sagot ko at nagmadali na akong lumabas ng bahay.
Sa daanan.
Bigla kong hininto ang sasakyan at pinark sa gilid ng kalsasa at di ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgul na At nang lumuwag na ang pakiramdam ko inayos ko na ang sarili at tsaka umalis.
---
Ate Riza
calling....."Hello Ate ,napatawag ka?"
"Ava, uu kasi nabalitaan ko na umuwi si Daddy sa bahay?"
"Uu Ate, andun sa bahay ang magaling mong ama." sagot ko kay Ate.
"Ava, ama pa rin natin siya kahit baliktarin mo man ang mundo. Ama pa rin natin siya."
"I know. I know Ate."
"O siya sige ,pupunta kami dun kasama mga pamangkin mo nagluto daw si Mommy."
"Yes Ate, alam mo naman basta uuwi si Dad , fiesta sa atin. Balitaan mo nalang ako kung anung ganap."
"Okay Ava ,Bye." tugon ko kay Ate at binaba ko na agad ang phone.
Pagkatapos naming mag usap ni Ate , napaisip na naman ako ulit sa kabit ni Daddy, kung makilala ko lang siya ,pagsisihan nya talaga na kumabit siya sa ama ko.
----
"Marky , mauna na ako sa inyo, ikaw na bahala dito." tugon ko kay Marky, ang manager ng boutique na kapatid ni Lucy.
"Yes Miss Ava."
At lumabas na ako ng boutique at naglakad palabas ng mall nang may biglang bumangga sa akin.
"Ouch." at nabitawan ko ang phone na hawak ko at nalaglag ito.
"OH my God! Im so sorry " sabay pulot ng babaeng bumangga sa akin sa phone ko at inabot ito sa akin. "Im so sorry, nahulog ko pa phone mo, tanga lang!"
Gusto ko sana siyang supladahan pero bigla akong natawa sa sinabi niya..
"Nah! its okay, maliit na bagay" at ngumiti nalang ako sa kanya.
"Sorry talaga."
"Okay na! Dont worry. Have to go." sabay paalam sa kanila ng kasama niya.
"Bye." tugon naman ng babae sa akin.
At agad ko na silang tinalikuran. Naglakad na ako dumeretso ng parking area. Naisip ko ang babaeng bumangga sa akin kanina, familiar siya ,maganda ,mataas at sexy parang nakita ko na siya di ko lang ma alala kung saan.
--
Nang makalabas na ako ng sasakyan nakita kung nasa pool sila nagkakasiyahan, fiesta talaga pag umuuwi ang Daddy.
Nakita ko si Mommy na akbay kay Daddy. Tinitingnan ko lang sila at di ko namalayan tumulo na pala ang mga luha ko kakatingin kay mommy na sobrang saya habang inaakbayan ni Daddy.
Pinahid ko ang mga luha at lumapit na sa kanila. Para sa mommy ko ,makikipag plastikan ako kay Daddy.