-Brit-
*
Plano kong mamasyal today kahit saan magpasama ako kay Sab , gusto kong mag beach , mag mall. Namiss ko ang lugar na ito.
"Ang aga aga nag sesenti ka naman bah akala ko wala na?" sambit agad ni Sab nang nagising siya at nakita niya ako sa may sofa nakatulala malalim ang iniisip."Wala noh wala na, tsaka hindi ako nag sesenti nag iisip lang ako kung saan tayo ngayon kaya ikaw wag ka munang umuwi , miss kita."
"Ay ses binobola mo lang ako may balak ka pang gagawin akong panakip butas?"
"Pwede ba yon?"
"Ay wag na masakit yan mabuti ng ganito kaysa mag on tayo iba namn ang tinitibok yang lintik na puso mo."
Napailing nalang ako sa sinabi ni Sab.
"Oh saan gusto mo pumunta?"
"Kahit saan."
At agad kaming nagshower dalawa at nagbihis sasakyan ni Sab ang ginamit namin ayuko munang mag drive.
Pinasyal nga niya ako kahit saan. Na miss ko ang lugar na ito kahit matraffic at nang bigla akong natigilan sa nakita ko.
"Oh bakit natahimik ka dyan?"
"May billboard ako? "
"Ah yan sa ex mo. Avaiana baby, uu mag isang buwan na yan at hindi lang meron diyan sa labas ng mall kung nasaan andun ang aviana mas malaki ang mukha mo dun pati sa boutique ni Ava andun ka rin."
At hindi ako nakaimik sa nalaman ko sobrang galit niya sa akin tapos ginamit nya pa rin ang mga photos ko.
"Hoy anu ang iniisip mo hwag kang assuming dyan na si Ava ang may gusto nyan sa katunuyan nasa amerika sila dun nagpapagamot ang ama niya ,isang taon na ata sila dun di ko alam kung nakabalik na ba sila dito o may balak pa ba silang babalik dito."
At mas nagulat ako ngayon sa sinabi ni Sab.
"Yung katiwala niya ang nagdadala sa negosyo niya dito at sa narinig ko yung mga kanong clients daw ang nagpapalagay sa mga billboards mo at sila din ang pumili sa picture na yan na ilagay sa billboard kaya wag kang assuming. assumera" sabay tawa ni Sab sa akin.
"Eh tika! chismosa ka, san mo nasagap ang balitang yan?"
"Sa friend ko na ang pinsan niya ay nagtatrabaho nuon sa Aviana, pero nag resign na siya kasi nag abroad kaya wala na akong balita na narinig."
At natahimik ako.
"At meron pa hiniwalayan ni Ava yung boyfriend niya dahil sayo natandaan mo ba yung 2weeks siyang hindi nagpapakita sayo sabi ng friend ko dumating daw yun dito sa hotel ito nag stay kasi nga di daw yun tanggap ng ama ni Ava dahil hindi ito kasing yaman nila seaman ang lalaki. 5years daw yun na karelasyon ni Ava, hindi daw talaga yun mahal ng ex mo, sinagot lang daw yun ni Ava dahil bestfriend nya ito at super bait daw ni lalaki, tanggap namn daw ni lalaki ang desisyon ni Ava kaya bumalik nalng ito sa amerika kung saan andun siya sumasakay ng barko pero di natin alam baka nagbalikan na sila."
"What??"
"Oh anung tingin yan magtatanong ka naman san ko nasagap sa friend ko nga kasi si pinsan nya close nung katiwala ni Ava si Lucy, kilala mo yun db?"
At tumango ako.
Wala na pala dito sa pinas sina Ava. Nakakapanghina naman. Uggh bakit paba ako bumalik dito. Ughh!
" Wait! Eh bakit ngayon mo lang sinabi yan?"
"At bakit nagtanong ka ba eh palagi mong sinasabi sa akin wag pag usapan eh , di ko na sinabi"
Di ko nalang inisip pa ang mga sinabi ni Sab, Kailangan kong mag enjoy sa trip namin ngayon kailangan kong maglibang at kailangan ko na siyang kalimutan.
*******************
ouch ... brit noooo!!! 😀
May pag asa pa kaya sa kanilang dalawa ni Ava...?
Abangan....... ❤️
Thank you for reading ;)