Chapter 26

14.2K 301 4
                                    

-Brit-

*

Si Ava. Bakit hindi siya tumawag o nag text man lang. Bakit ganito na naman kakakita lang namin tas ngayon wala na naman siya. Hindi na ba matatapos ang problema niya? Hayss!
Hindi ko na alam ang naramdaman ko ang saya na sana kami ni Ava ko tapos ngayon ang lungkot na ulit. Ughh!

At napaisip ako sa Daddy niya , gusto ko siyang dalawin. Nag alala ako sa kanya pero wala naman akong magawa. Sana okay lang siya kaya pala matamlay siya kagabi sa party at parang nahihilo . Hayss!

Bumangon ako at lumabas . Kumuha ako ng tubig sa kitchen at umupo sa couch at nanuod ng TV.

Breaking News!!

Nasa ICU ngayon ang business tycoon na si Rodfrigo De la Cuesta dahil inatake ito sa puso. Kagabi ay umatend pa ito ng malaking party na dinaluhan ng mga malalaking negosyante sa ating bansa at ayon sa mga nakakita kasama daw ni Mr De la Cuesta ang 25 years old freelance model na mistress niya. Sinubukan naming kunin ang panig ng pamilya De la Cuesta pero mailap sila sa media. Nakatanggap kami ng text na galing sa abogado ng kanilang pamilya magbibigay sila ng statement sa susunod na mga araw.

Natigilan ako sa nakita ko sa TV.

Kabit? Mistress?

Kinabahan ako at naawa kay Ava kong paano niya ehahandle ang ganitong problema.

Matapos ang isa niyang problema may sumunod agad. Ava andito lang ako para sayo dahil mahal kita pero kong gusto mong solohin ang problema mo e rerespeto yun. hayss!

Sinubukan kung tawagan si Ava pero cannot be reach ito.

tok! tok! tok!

Napatingin ako sa may pintuan nang may biglang kumatok, agad ko itong binuksan baka ito na yung pinadeliver ko na pagkain.

Kaya agad ko itong binuksan.

"PAK!!!!"

Isang malaking sampal ang sumalubong sa mukha ko.

"AVA???"

Habang hawak ko sa pisngi na sinampal niya.

"Ang kapal ng pagmumukha mo? Ginawa mo akong tanga pinaglaruan mo ako? Anung kasalanan ko sayo Brit? Minahal kita!! "

"Wait! Ano ba yang pinagsasabi mo at bakit mo ako sinampal? Anong kasalanan ko Ava? Dito ka nga sa loob." sabay hila ko sa kanya sa loob ng condo at sinara ang pinto.

"Hindi kaba naawa sa Mommy ko kahit sa kanya man lang tapos ngayon ako dinamay mo pa?"

"Hindi kita maintindihan !!

"Alam mo ba sa tuwing umuuwi ang daddy ko sa amin once a week or twice a month parang nanalo si mommy ng lotto , fiesta sa amin palagi dahil umuwi si Daddy , ni minsan hindi naghanap si mommy ng gulo, ni minsan hindi nya ipahanap si daddy kung bakit hindi ito umuuwi , ni minsan hindi nya inaway si daddy dahil alam mo kung bakit dahil sa sobrang pagmamahal ng ina ko sa ama ko, kahit gaanu kalungkot si mommy kahit umabot na sa point na susuko na siya pero hindi ,tinatagan pa rin nya ang loob nya dahil sa lintik na pagmamahal nya sa daddy ko" sambit ni Ava sa akin habang umiiyak sabay duro niya sa akin.

"Tapos ngayon ako? Dinamay mo ako? Nakikipagsex ka sa ama ko for how many years ayt ngayon nakipagsex ka sa anak nya? Ang kapal ng mukha mo, sabi ko sa sarili ko pag mahanap ko ang kabit ng daddy ko papatayin ko siya para sa mommy ko. Pero paano ko mapapatay ang kabit na yon kung ang taong yon ay ang nasa harapan ko , ang pinakamamahal ko!?

"Ava, hindi ako ang kabit ng Daddy mo, wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Ava mahal na mahal kita, mali ka sa paratang mo sa akin. Mali ang akal mo. Ava? Maniwala ka sa akin hindi ko magagawa sayo yun at hindi ako pumapatol sa may asawa at lalong hindi sa lalaki. Ava??"

"Eh anu to, nakuha mo pang mag deny huli huli na kita " sabay pakita niya sa picture namin ng Daddy niya kagabi.

"Ava let me explain!"

"Ikaw ang kasama ng Daddy ko at ikaw lang ang nakaka alam kung bakit siya inatake ?!"

"Ava, listent to me ,Nagkakamali ka, Mali ka!"

"Wala na tayo tapos na tayo at wag ka ng magtangkang sumunod sa akin kung ayaw mong masaktan kita ulit."

"No Ava ! wait" sabay bukas niya sa pintuan.

"Hiniwalayan ko ang taong nagmamahal sa akin higit pa sa buhay nya. Hiniwalayan at sinaktan ko ang bestfriend ko ,ang boyfriend ko dahil sayo , pero ito lang ang mapapala ko pala, Pinagpalit ko siya sa taong inakala ko ay santa, demonyita pala , pinagpalit ko siya sa kabit ng Daddy ko !" natigilan ako sa sinabi ni Ava at tuluyan na siyang lumabas ..

Napa upo ako at humagolgol sa iyak, hindi ako makapaniwala sa nangyari ..

Agad kong tenxt si Sab...

"Pls puntahan mo ako dito please"

Para akong pinapatay ang sakit . Ang sakit sakit .. Ava bakit mo to nagawa sa akin... bakit???

My Daddy's Mistress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon