>>>>>
Simula nang dumating si Tommy hindi muna nakikipagkita si Ava kay Brit kailangan niya munang kausapin ang boyfriend at hiwalayan ito. Kahit anung gawin ni Ava si Brit talaga ang laman ng puso at isipan niya . Hindi na siya apektado kay Tommy, wala na itong spark at palagi nalang silang nag aaway.Handa na siyang ipaglaban si Brit ,wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao at handa na rin siyang sabihin kay Brit kung anu ang naging problema at bakit hindi siya nagpapakita at tungkol kay Tommy plano na ni Ava na mag propose kay Brit at magpakasal sa Amerika.
Makalipas ang dalawang linggo bumalik na si Tommy sa ibang at Uu hiwalay na sila ni Ava. Nasaktan si Tommy pero wala siyang magagawa dahil nag desisyon na si Ava at nerespeto nya ito dahil mahal na mahal niya ang dalaga.
Excited na si Ava na makita ulit si Brit hindi sapat sa kanya ang tawag at text lang kaya miss na niya ito at gusto na niya itong mayakap ng mahigpit at mahalikan.
Samantala.
Si Brit naman ay naging busy sa paggawa ng mga bagong project niya, kaliwat kanan ito dahil sa lungkot niya na hindi pa nagpapakita si Ava sa kanya.
Ginugol niya lahat ng oras niya sa mga shoots . Nag tatawagan at nag tetxt sila ni Ava pero hindi sapat yun kaya sa lungkot niya to the rescue agad ang bestfriend nya.
Di niya maintindihan kung ano ang problema ni Ava pero pilit nya itong inintindi dahil sa kanyang pag mamahal sa dalaga.
Kagabi walang idea si Ava na umatend pala ng party si Brit kasama si Drigo. Party ito ng mga kilalang businessman sa bansa at isa na dun ang ama ni Ava.