Chapter I There Are Changes "New Rivals"

17 0 0
                                    


# Dave Fontelion

Dalawang taon na ang nakakalipas simula noong umalis ako sa Blue Crest Academy, umalis ako ng walang paalam lalo na kay April, maraming nangyari sa dalawang taon na iyon, bagamat wala silang kaalam alam sa buhay ko ngayon, ako, updated ako sa kanila, alam ko din na masama ang loob nila sa akin, tanggap ko iyon, kasi naman sa loob ng dalawang taon na iyon hindi lang sila ang may pinagbago, ako din, mas malala nga lang at sa tingin ko hindi talaga nila magugustuhan ito, may isang bagay lang na talagang kahit anong pag iimbestiga ang ipagawa ko ay di ko malaman laman ang dahilan ng pagiging personal maid ni April kay Deina gayung mortal na kaaway nya ito, gusto kong malaman ang totoo ang mga nangyari noon na hindi pa ako napasok sa TIME University noong mga panahon na magkakakilala sina April, Deina at Fatima. Malapit ko ng mabuo at pagtagpi tagpiin ang mga pangyayari, may nawawala lang na bahagi at yoon na lamang ang kulang.

"Dave! Hindi ka pa ba tapos dyan? Tara na kumain pinagluto kita" tawag sakin ni Charmaine girlfriend ko, nasa dormitory ako ngayon at nakakasama ko minsan si Charmaine matulog dito katabi ko sya minsan, isa sya sa pito kong girlfriend ngayon, tama! Playboy na ako ngayon pero sa lahat ng girlfriend ko sya lang ang seryoso, kung naiisip nyo si April eh sa tagal na naming di nagkikita malamang ay break na kami di ba? Wala din naman kaming communication sa isa't-isa eh

"mamaya patapos na ako" sigaw ko rinig naman ako nun nasa baba lang ang kitchen eh, bigla syang pumasok sa kwarto ko

"Dave naman eh wag mo paghintayin ang pagkain, tara na huh, mamaya na yan" at yumakap na sya sa likod ko habang nakaupo ako sa harap ng laptop ko at nagta-type

"ok ok tara na" bumitaw sya at hila hila na nya ako pababa

Pagdating namin sa kitchen nakahanda na nga lahat kakain na lang ako, biglang nag-ring cellphone ko na nasa sala

"wait ako na kukuha" dumiretso si Charmaine sa sala, pagbalik nya pinadulas nya ang cp ko papunta saken sa lamesa at busangot na tumitig sakin, tiningnan ko kung sino natawag, ah.... Kaya naman pala

"hello, Mara goodmorning namiss mo agad ako aga pa eh" kita kong diretso kain si Charmaine sa harap ko at naggigil sa kanyang nilutong ulam

"ah,,,ganun ba sige aagahan ko ang pasok ko, hintayin mo ako okay, kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng breakfast? Ah nakakakain ka na sya sige kakain muna ako ng makapunta na ako jan huh sige bye, I love you too" parang mababasag ang plato sa tinidor ni Charmaine

"kung hindi lang secretary ng student council yang si Mara hindi na akong mag aatubili na ipasagot sayo yung tawag nya"

"Charmaine wag na magselos mas mahal naman kita kesa don okay?"

"what ever" sabay tayo nya at inom ng tubig kinuha ang bag nya at dumiretso sa pintuan

"una na ako pumasok" sabi nya

"oi Charmaine nagtatampo ka na naman?" sabay bagsak ng pinto, ayun galit na yun, hay! Ang hirap ng gwapo, sarap pa naman ng luto nya, nag ring ulit ang cellphone ko hindi ko na tiningnan kung sino natawag sinagot ko na lang agad

"hello?"

"President, confirm po enrolled na si Ms. April Renas sa TIME University as a scholar of the Zeguerra Company" napabuntong hininga ako

"ok thank you pakitingnan ang calendar of activities kung kelan ang first day ng mga freshman"

"June 15 po"

"ah.. one week pa sige salamat good job" sabay baba ng cp ko, iniligpit ko lahat ng pinggan at nag-intindi na sa pagpasok


Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon