Chapter 2 Know Them! "Apple and the Race at the Bar"

6 0 0
                                    


#Dave Fontelion

Bumukas ang pintuan ng aking apartment, isang tao lang ang my susi ng apartment ko yun ay si Mama, napangiti ako ng makita sya

"good evening Mr. Fontelion"

"good evening ma" lumapit ako at humalik sa kanya sabay sarado ng pinto

"gabi na ah napadalaw kayo bigla?"

"masama bang kamustahin ang anak ko?" napangiwit ako parang alam ko na kung ano itatanong nya sakin

"so ano? Kamusta? anung balita kay April?" hay! Sabi ko na nga ba, hanggang ngayon si April pa rin ang gusto ni mama para sakin

"mas cute si Charmaine kesa sa kanya"

"kahit ilan pa yang girlfriends mo si April pa rin ang nararapat para sayo"

"Mama wala na kami"

"kasi iniwan mo sya"

"wala akong choice alam nyo yun"

"eh di balikan mo"

"ayoko nga mas mahal ko si Charmaine kesa sa kanya"

"ah....kaya pala pinapabuntutan mo sya lagi simula nung malaman mo sakin na sa TIME papasok si April" saglit na katahimikan ang gumitna samin ni Mama paano ko ba ito sasagutin, ngumiti ng makahulugan si Mama

"alam ko kung bakit sa Time sya papasok, gusto mo malaman?" tumayo ako at nagbuntong hininga

"gutom na ako tara kumain" kelan ba naman ako nanalo kay mama, tumawa lang sya at sumunod sa akin sa kusina

# Jr Macaluan

"sampung libo para dito sa kotse ko ako ang magmamaneho"

"wala ka bang isasakay sa passenger seat mo?" sabi nung isang lalaki habang nakatigin kay Apple

"wala!" tumingin sakin si Apple with her usual pokerface

"ok! Bring it on, get on your cars let's start the race!" sigaw ng lalaking nagmamanage ng race, tuwing alas dyes ng gabi dumadayo ako dito para makipagrace, sayang naman yaman namin kung di ko ipagyayabang di ba?

Nakahanda na ako at tumingin ako sa kabilang sasakyan, nagtetext pa ang mokong, habang yung sa kanan ko naman ay nanlilisik ang mata sa akin, hahaha mukhang mag eenjoy ako tonight

"ready, set, go!"

#April "Apple" P. Lee

Yung lalaking kalaban ngayon ni Jr parang nakita ko na sya dati sa ibang event na race, nagsimula na sila woah! Ang alikabok! Tsk! siguraduhin lang ni Jr na mananalo sya kasi may hinala akong mahihirapan sya ngayon

"Apple!" napalingon ako sa tumawag sakin, si Jessa pala, ang pang lima ni President, abat kasama pala nya napatitig ako kay President

"wow President Dave, wala pang 12 iba na kasama mo ah Monday pa rin naman ngayon ah di ba dapat si Charmaine kasama mo"

"nagtatampo sakin eh tsaka hinahanap ko si Jr, kaya si Jessa ang tinanong ko kung asan sya" tsk! babaero talaga! Pano kaya to nanalo sa eleksyon, nandaya siguro tu

"asan sya?"

"on the race"

"hay! Wala syang kasawaan"

"babe tara muna sa loob uminom mamaya pa yan matatapos eh" wika ni Jessa

"sama ka?"tanong ni Dave

"no thanks!" sabay talikod sa magshota at umalis na sila

"so Apple pala pangalan mo ms. sungit" hindi ko pinansin ang kumag na iyon mga kolokoy lang naman sila na katulad ni Pres babaero, mga tambay dito sa race na wala naman kinalaman at nambababae lang

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon