#Aleya Villas
Kasalukuyan akong nakaharap sa laptop ko at nakatitig duon nagkakagat ng kuko at di mapakali, bwisit na Dave yun! Inexcite lang ako sa wala! Akala ko naman talagang may scoop na sya para sakin, pero okay lang may nasagap na naman kasi akong tsismis hahahaha pero bago yun kailangan ko muna mag isip ng trial para kay Charmaine
"Ms. Aleya may naghahanap po sa inyo"
"papasukin mo"
"goodmorning"
"maupo ka, anung kailangan -------Deina?!"
"surprised?"
"ba-bakit ka nandito?"
"I just want to confirm something"
"what?"
"did Dave say anything to you?"
"nothing but kahapon may sasabihin ata sya kaso nagbago isip nya, do you perhaps know what is it?" tumayo sya t dumiretso sa pintuan
"hey! Manners please"
"I don't know, and you better not know about it" sabay sara nya ng pinto tsk! lalo tuloy ako nacurious kung ano ba talaga ang scoop na sinasabi ni Dave
#Harvy Deeds
"kayo na ba ni Deina?" biglang tanong ni Dave
"no were just friends"
"talaga eh bakit parang close na close kayo?"
"close lang kami yun lang tsaka mula nung nalaman ko na kaaway sya ni April lalo ako dumikit sa kanya to know more about April, tinanong kita noon kung may gusto ka pa sa kanya sabi mo wala na, but look at you now"
"shut up! I'll get over this"
"sige pangatawanan mo yung sinabi mo basta wag kang eeksena kapag nagkakamabutihan na kami"
"hindi ako ang dapat sinasabihan mo nyan, yung boyfriend nya o kaya yung bagong lalaking kasama nya ngayon"
"ah si Jin" napatayo ng ayos si Dave at tumitig sakin
"kilala mo din sya?"
"of course, nagkasuntukan na kami nun before, malakas sya, mas malakas pa kay Philip, nag away kami gawa sa laro at inis ako dun kasi malapit sa kanya si April, si April pa nga naghahabol dun sa Jin na un eh, nakakaasbag" naiinis akong naalala ang noon
"ano masasabi mo kay Jin?" muli kong tanong kay Dave
"wala akong pakialam sa kanya"
"ahahahahahahahaha! Your pathetic Dave! Alam mo sa lahat ng manliligaw ni April ngayon, your on the lead kaso ikaw tong umiiwas takot ka ba kay April o sadyang nagpapataas ka lang ng pride napakadaming lalaking gugustuhin ang pwesto mo ngayon pero siguro hindi na din mas gugustuhin nila ang pwesto ni Jin, sa bagay hindi ka na balakid, si Jin ang tunay na problema"
"wag mo akong sermonan Harvy, hindi mo alam pinagdaanan ko ng iwan ko sya"
"at di mo din alam kung ano Pinagdaanan ni April ng iniwan mo sya"
"anung ibig mo sabihin?"
"alam yun lahat ni Jin, sya ang pumalit sa pwesto mo Dave, sa barkada sa school at sa puso nya, yung gang na nga lang na hawak ni Philip ang di nya nakukuha, at balita ko si Philip ang puntirya nya ngayon" ngumiti ng makahulugan si Dave na ikinakunot ng noo ko
"bakit ganyan ka makangiti?"
"Jin? paniwala talaga kayo na sya ang pinakamatindi nyong karibal? hahahahahaha" anung sinasabi nito ni Dave?
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own