#Dave Fontelion
Ang cold ni Mama sakin, ni hindi man lang ako tinitingnan ganun ba sya kadepress na nag give up na sakin si April? Hindi ako makatulog kagabi isip isip ko pa din yung mga narinig ko kahapon, ikakasal nga ba si April base kasi dun sa usapan ni mama sa phone parang may ipapakilala sila kay April at yun ang gagawin nilang asawa nya, may pasabi sabi pa si mama na gwapo naman daw yung lalaki kaya bagay sila, tsk! bakit ba hanggang ngayon iniisip ko pa din yun, focus Dave si Charmaine ang kasama mo ngayon sya ang isipin mo
"Dave are you alright?" tanong ni Charmaine kakatapos lang namin magsimba at nakita namin kanina sina April at Philip magkasamang nagsimba kailangan ko pa talaga sila Makita kahit linggo?
"ah yeah" sagot ko, nasa fast food chain kami ngayon dito kami nagbreakfast para maiba naman daw
"what are you thinking?"
"si mama nagtatampo sakin"
"bakit?" should I tell her the reason? wag na lang
"hindi ko alam eh, hindi nga ako kinakausap"
Pagkatapos namin kumain namasyal kami ng kaunti sa mall tapos nanuod kami ng sine sinamahan ko din sya mamili ng mga damit nya, naglaro din kami sa world of fun, hanggang sa may umagaw ng pansin ko, si Mori ang una kong nakita sunod ni Jake at Mary, sila pa rin pala tapos magkakasunod na sila sina Pinky, Nella at Luigi pati si April may sabit nga lang si Philip, bakit ba si Philip ang kasama nya? Bakit hindi na lang si Bobby mas tiwala pa ako dun
"oh look! sina April" pipigilan ko sana lumapit si Charmaine kaso nakatakbo na sya papalapit sa kanila, ng Makita nila si Charmaine nakasunod na lang ako sa kanya
"are you having a group date? You are all in pairs"
"ah yeah, you two are on a date too?" si Pinky ang sumagot
"yeah"
"sino sya Pinky?" tanong ni Mary
"ah si Charamine, ang only love ni Dave"
"sama tayo sa kanila Dave, mga friends mo sila dati di ba? Scratch that hanggang ngayon naman friends mo pa din sila, what do you think?"
"kung okay lang sa kanila" wika ko, automatic na silang lahat ay tumingin kay April, hindi pa rin nagbabago ang barkada basta about kay April updated pa rin sila sa isa't isa ang solid nila
"okay lang" sagot ni April
#April Renas
Tsk! give up na nga ako, kailangan pa ipamukha sakin nakakainis naman, kung hindi lang ako nagpapakatatag hindi ako papayag, magseselos na naman ako nito
"tinatanga mo dyan?" tsk! sinipa ko si Philip
"makatanga ka naman jan baka nakakalimutan mong may atraso ka pa saken!"
"atraso? Napagbayaran ko na yun noh nung muntik mo ng ipahamak ang buhay ko!"
"punyemas ka talaga!"
"oi ano ba kayo nakakarindi na kayo huh kanina pa kayo pagbubuhulin ko kayong dalawa!" saway samin ni Prez Mary, nakakainis kasi itong si Philip talas ng tabas ng dila
"April baka gusto mo din magholding hands holding hands sila nung shota nya oh" wag pansinin, nadedemonyo lang yan, kailangan pa mandamay?
"oi April ang sweet talaga nila nakakainggit tara gaya sa kanila" bwisit talaga! Tumalikod ako at paspas na lumayo sa kanya ng higitin nya ako pabalik at halos yakap na nya ako ng patalikod, muntik na ako madanggil ng push cart, natigilan kami pareho
BINABASA MO ANG
Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"
Teen FictionA story of two people who takes time to move on and find new love of their own