Chapter 30 Breakfast at Other's House "The Start of a New Fued"

6 0 0
                                    


#Dave Fontelion

Masakit ang ulo kong napabangon sa kama at nagising ako sa malalakas na boses na nagsisigawan sa baba parang nag aaway, pamilyar na boses, saka ko pa lang napansin na wala ako sa dorm ko at iba na ang suot kong damit lumakad ako papalapit sa pinto at sumilip sa labas, kita mula dito ang dalawang nag aaway sa kusina

"arte nito! Kung ikaw nagluto eh di wala kang reklamo!"

"ako pa paglulutuin mo ay busy ako sa pamamalansta ng uniform mo!" so magkasama nga pala talaga sila sa iisang bahay, ang panoorin silang ganito, naiintindihan ko na ang kagustuhan ni nya ngayon, kung bakit mas gusto nyang wag na lang magpakita at magparamadam na mas gugustuhin nyang manatili sa dilim at panuorin sa malayo ang pinapangarap nya, martir talaga.

"so kasalanan ko pa! dami mong arte kumain ka na lang!"

"ako pa maarte eh ikaw jan yang puro reklamo"

"manahimik ka! Bilisan mo na lang male-late na tayo!"

"kapal nito eh ikaw nga itong di pa nakakaligo at nakakapagbihis!"

"maliligo na nga ako di ba!"

"bilisan mo na!" pumasok na si Philip sa banyo at may tumunog na cellphone

"oi Philip may natawag sayo!"

"sagutin mo muna" kinuha ni April cp ni Philip at sinagot yung tawag

"hello?"

"sino ka rin!!"

"kay Philip nga ito bakit sino ka ba!?"

"Jessa? yung ex ni Dave?" si Jessa? Tsk! sabing wag na patusin si Philip makulit talaga at ano namang naisip ni Philip at kinakasama nya ngayon si Jessa?

"oi April! Sabihin mo naliligo pa ako mamaya na lang kami mag usap"

"tsk! mamaya na lang daw naliligo pa sya" binaba na ni April yung cp ni Philip

"oi Philip! Naglalandi ka pala ha isusumbong kita kay Kuya"

"eh di sumbungan tayo marami-rami nadin isusumbong ko sa kuya mo" inis na tumayo si April at inimis ang pinagkainan nila, para na nga silang live in, ika nga ni Jake, dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto at napansin ako ni April

"oh Dave! Gising ka na pala bilisan mo na ma-le-late na tayo, kumain ka muna dito, pinagluto kita" pinagluto nya ako? Bigla sumagi sa isip ko si Charmaine pinagluluto din kasi nya ako, biglang napalabas si Philip sa banyo ng nakatapis lang napatitig sa kanya si April pero sa akin nakatingin si Philip

"oi! Alam mo ba kung anong----" ibinato ni April yung apron sa mukha ni Philip

"magbihis ka na!!"

"wah....tinititigan mo pala ang aking body ha"

"bilisan mo ng lintik ka!!!" high pitch na si April may ilalakas pa pala boses nya, akala ko hanggang dun lang ang lakas ng boses nya, pumunta na sa kabilang kwarto si Philip, dumiretso ako sa lamesa

"naidryer ko na damit mo, maligo ka tapos pupunta na tayong school, bawal ka umabsent di ba? Iwan mo na lang sa banyo ang damit na suot mo, lalabhan ko na lang mamaya damit naman yan ni Philip eh"

"di ko maalala nangyari kahapon" napatigil si April

"magaling pa nga wag mo na alalahanin"

"parang live in na nga kayong dalawa ah" sinamaan ako ng tingin ni April

"gusto mo na mamatay? Pinaka ayaw kong biro ang ganyan kung si Jin pa sya natuwa pa ako" hindi sya nagbago para pa rin syang si April nung higschool, adik na adik sa kanyang crush iba na nga lang ngayon, hindi na si Jury kundi si Jin, argh......! Si Jin.......nasakit bigla ulo ko

Ikaw na pala 2 "The Lost Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon